Prologue

79 4 3
                                    

Nakangiti si Kate habang pinapanood ang kanyang limang taong anak na babae na si Crystal Rein Alcantara Vallejo habang ito ay nagsasanay ng iba't ibang armas.

Kahit na sa murang edad ay dapat na siyang sanayin sa ganito dahil ito ang tradisyon ng pamilyang Alcantara, lahat ng babae ay nagsasanay sa murang edad dahil naniniwala ang kanilang ninuno na ang babae ang pundasyon ng isang pamilya kung kaya't ito ang dapat na may higit na lakas at katapangan.

Muli namang naalala ni Kate ang mga panahong siya ang sinasanay ng kanyang ama at lolo, apat na taon siya noon at hindi magaling pagdating sa pakikipaglaban, lumaki siyang nagsasanay. Lumaki siyang magaling at marunong makipaglaban dahil sa tulong ng ensayo at gabay ng mga nakatataas, pagtungtong niya sa edad na 13 ay hinirang siyang Mafia Queen na siyang namumuno at kinakatakutan ng bawat mafia at hanggang ngayon na nasa edad na siya na 23 ay siya pa rin ang hinihirang na pinakamataas, mapapalitan lamang siya kapag nahanap na niya ang nararapat.

Nang tumungtong ng limang taong gulang ang kanyang pinsan na si Arthea Vivienne Alcantara Diaz ay siya ang nagsanay rito.

Huminga siya ng malalim at sumimsim sa kape niya at muling ibinaling ang atensyon kay Crystal na ngayon ay nakakunot ang noo na pinagmamasdan ang kunai at iba pang armas, pinulot niya ang kunai at sa kuryosidad ay pinaikot sa kanyang kamay, hindi man lang ito nasasaktan, tama rin ang paghawak niya rito at maayos ang pagpapaikot.

Ngunit paanong natuto nun ang anak? Hindi naman nila ito tinuruan ng ganitong uri ng armas.

Napailing iling si Kate at tumingin muli kay Crystal na patuloy pa rin ang pagpapaikot nito sa kanyang kamay, tinignan siya ng anak at ngumiti. Napangiti si Kate at kumaway rito.

"Mom!" ngumiti ito sakanya at kumaway, tinignan nito ng maigi ang target at tinignan uli siya na para bang nais siyang pahangain at sindakin sa kanyang kakayahan. "Watch me."

Hindi alam ni Kate kung anong mararamdaman nang sabihin iyon ng anak, puno ng angas ang boses at may kayabangan rin na taglay. Inosente ang mukha nito ngunit walang kaba ang makikita sa kanyang blankong ekspresyon sa mukha.

Nanlaki ang mga ni Kate nang biglang ihagis ni Crystal ang kunai, labis ang kaba ni Kate at hindi makahinga ng maayos. Unti unting siyang natigilan nang tumama ito sa mismong gitna ng target.

Muntik ng maibuga ni Kate ang kape niya at hindi makapaniwalang tinignan si Crystal na nakangisi na, nanlalaki ang mata niyang tinignan ang target. What the heck just happened?!

How the heck?!

"What the—"

Napatingin siya sa asawa na ngayon ay nakanganga at patuloy na namamangha sa ipinakitang angas at galing ng anak.

Mukhang may itinatagong galing at angas ang kanyang anak.

Namamanghang nilapitan niya ang anak na ngayon ay may hawak na palaso, walang sabi sabi ay nagposisyon ito ng maayos at nakapikit ang isang mata at pinagaralan ang asinta, hindi nawala ang tapang sa mga mata nito at nakangising binitawan niya ang palaso at huminga ng malalim, kamanghamanghang tumama ito sa mismong gitna.

Hindi makapaniwala ang mag-asawa dahil hindi pa man nila ito tinuturuan ay magaling na ito, at aaminin ni Kate na mas magaling pa sakanya. Unang araw pa lamang at ngayon niya lang ipinakita ang mga armas na ito sa anak ngunit alam na agad itong gamitin nang hindi natuturuan. Hindi pa ito naeensayo ngunit mukhang mahihigitan siya ng kanyang anak.

Nagkatinginan ang mag-asawa na may nanlalaking mata, nagtatanong ang mga mata ng kanyang asawa ngunit namamangha pa rin. Nagkibit balikat si Kate at unti unting ngumisi. Nilapitan niya ang kanyang anak at Unti unting ngumiti, kinarga niya ito at hinarap sakanya.

Hindi na bago kay Kate na matalino ang kanyang anak dahil nang tumungtong ito ng dalawang taon ay marunong na itong magbasa at magsalita ng iba't ibang lengwahe, at nang tumungtong ito ng apat na taon ay marunong na itong kumanta at tumugtog ng mga instruments.

"Mommy! Ang galing ko hindi ba?" nakangiting tanong nito sakanya at inayos ang magulo niyang buhok.

Nakapantulog pa rin ito dahil kagigising lang nito ay pumunta agad ng hardin upang magsanay.

Pinagmasdan ni Kate ang kanyang magandang anak, mahaba ang pilik mata nito at medyo singkit ang mata na namana saakin at matangkad ito, matangos ang ilong at maganda ang labi at mapupula. Medyo nakaarko ang hindi gaanong makapal niyang kilay at bagay na bagay sa maliit niyang mukha.

"saan mo natutunan iyon, Crystal?" tanong ni Keith na ngayon ay pinagaaralan kung paanong nagawa iyon ng anak, seryoso itong tumingin sa asawa at hindi makapaniwalang umiiling ito.

"sainyo po ni Mommy! Nakikita ko po kayong laging nagsasanay ng ganitong armas kung kaya't pinagaralan ko ito, nais ko pong maging katulad niyo!" bibong paliwanag ng anak habang hindi naalis ang ngiti sa mga labi.

Nagkatitigan uli ang mag-asawa at ngumiti, niyakap nila ang anak at ibinaba ito.

Inayos ni Kate ang damit ng anak at hinarap ito, pinagkatitigan niya ito ng mabuti at doon niya napatunayan na anak niya nga ito.

Malakas ang loob at matapang, magaling at matalino, maganda at higit sa lahat ay isang Alcantara.

"Mom, Watch me again." hinawakan muli nito ang palaso at nagposisyon sa pag asinta, inayos nito ang buhok at ngumisi. Seryoso ang tingin nito sa target at walang ano ano'y binitawan ito at sapul sa gitna.

Umupo si Kate at pinagmasdan ang anak, bumuntong hininga siya at pumalakpak.

Doon niya napagtanto na anak niya nga si Crystal Rein, hindi maipagkakaila na dumadaloy nga sa dugo nito ang pagiging Alcantara.

At hindi nakakapagtataka kung ito ang papalit sakanya at maging isang ganap na Reyna sa lahat ng mga Mafias.

Isa kang ngang Alcantara, Crystal at ako ay iyong pinahanga sa iyong kakayahan.

Magbigay pugay sa anak ng Reyna sa lahat ng Mafia sa mundo, Crystal Alcantara.

Every BulletWhere stories live. Discover now