Nakangising tinignan ng mga lalaking kidnapper ang 15 years old na si Crystal Alcantara Vallejo, magmula kanina ay hindi pa ito nagsasalita at nanatiling blangko ang ekpresyon ng mukha nito. Wala ring nababasang emosyon sa mga mata nito at nanatiling nakatingin sa kawalan.
"HAHAHAHAHAHA! kamusta naman ang pakiramdam mo, babaeng Alcantara?" Tanong ng isa at pinagmasdan ito ng mabuti, hindi makapaniwalang may taglay itong kagandahan kahit bata pa lamang ito.
Unti unting napatingin si Crystal sakanya at kitang kita ang pagkaseryoso nito ngunit bakas ang kayabangan at angas sa mukha nito.
"Ano nga ba ang kailangan niyo saakin?" Maangas na tanong nito at walang maski kaunting kaba ang nakikita dito.
Napalunok ang mga lalaki at hindi makapaniwala sa inaasta ng bata. Ngumisi sila at nilapitan ito, sapilitan nitong hinawakan ang baba ni Crystal at iniharap sakanya.
"Ang kailangan namin ay ang yaman mo HAHAHAHA!" tumawa ito ng nagpakalakas lakas kaya nage-echo ito sa buong lugar na abandonado.
Lumapit ang isa at tinignan ito ng masama. "Bakit hindi mo na lang kasi tawagan ang Mommy para makuha na namin ang ransom money? Kanina pa ako nagtitimpi sayong bata ka!!" Gigil na sabi nito at walang ano ano ay sinampal si Crystal.
Napaamang ang babaeng Alcantara at hindi makapaniwalang tinignan ang lalaki na nanampal sakanya, nakangisi na ito at mabilis na tinututok ang baril sa ulo niya. Nawala ang pasensya sa kabuuoan ni Crystal at matunog na bumuntong hininga.
"Bakit ko naman tatawagan ang mga magulang ko?" unti unting niyang nilihis ang tali sa kanyang kamay at ngumisi sa lalaking nanampal sakanya. "kung kaya ko naman kayong patumbahin lahat?"
Agad na sinipa ni Crystal ang baril na hawak ng lalaki at mabilis na sinalo gamit ang kanang kamay, dahil sa gulat at hindi pa rin makagalaw ang mga ito kaya kinuha niya itong oportunidad upang isa isang sipain ang mga mukha nito, mabilis niyang sinipa ang nanampal sakanya at gigil na sinapak ito ng malakas.
"Hayop ka!" Sigaw nito at umatake ng suntok ngunit mabilis ang babae at agad na yumukod at tinisod ito. Bumagsak ito sa sahig ng nakadapa at binuhat ang upuan at inihampas sa likod nito dahilan para mapahiyaw ito sa sakit.
Hindi tumigil sa Crystal sa pagpalo ngunit nadapa siya nang tinulak siya ng isang lalaki, agad na nangunot ang noo niya ngunit, tumayo siya at sinapak ito sa tiyan dahilan para mabuwal ito ng dugo.
"A-ah!" Napasigaw ang lalaki nang tinadyakan ng babaeng Alcantara ang tuhod nito at mabilis na sinabunutan. "Aray! Tarantado ka! Bitawan mo ako!" Sigaw nito ngunit binaliwala lang siya ni Crystal at ibinato ang kunai sa lalaking nanampal sakanya, napahalakhak ang babaeng Alcantara at napasigaw naman sa sakit ang lalaki nang tumarak ang kunai sa mismong tuhod nito.
"Ahhh! Hayop ka! Tangina!" Labis na sigaw ng lalaki habang napipilipit sa sahig.
"Hayop kang bata ka--Ah!" Napasigaw ang isa pang lalaki nang mabilis na pinaputukan ito ng baril ni Crystal at saktong tumama ito sa dibdib nito.
"Alcantara."
Unti unting humarap si Crystal sa lalaking nagsalita, mukhang mayaman ito dahil nakasuot pa ito ng suit ngunit halata na may alam ito sa pakikipaglaban. Kaidaran lang ito ng daddy niya ngunit hindi maipapagkakailang marangya rin ang lalaking ito.
Ngumisi si Crystal at lumapit dito. Pinaikot niya ang baril sa mga daliri niya at kinasa ito ng isang kamay lang ang gamit at mabilis na tinutok sa lalaki.
Bakas ang gulat sa mukha ng lalaki ngunit tumawa ito ng malakas. Tinapik niya ang kamay ni Crystal na may hawak na baril na naging dahilan para mabitawan ni Crystal ang baril.
"Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo dahil alam naman nating dalawa na wala kang laban saakin." Ngumisi ito at pinagtawanan si Crystal ngunit hindi ito natinag at nakapamulsang tinignan ang ginoo.
"Ano nga bang kailangan mo saakin?" Maangas na tanong ni Crystal at tinadyakan ang tuhod ng ginoo, nawalan ng balanse ang ginoo at napaluhod, sinamaan niya ng tingin ang bata ngunit ngumisi lang ito sakanya.
"Kung kayamanan ang nais mong makuha saakin, ay huwag ka ng umasa mister. Mamatay ka muna bago mo makuha ang kayamanan na mayroon ako."
"Tarantado kang bata ka!" Mabilis siya nitong inambahan ang sipa ngunit sa bilis nito ay nakaiwas si Crystal ngunit hindi niya namalayan na nasa harap niya na ito at mabilis siyang sinapak sa mukha.
Napangiwi si Crystal at napahawak sa labi niyang nag uumpisa ng dumugo. Galit na tinignan ang lalaki at mabilis na tumalon papunta sa likod nito, inumpog niya ang ulo ng lalaki sa lamesa na babasagin at pinalo ng malakas sa likod gamit ang kahoy na upuan.
"Aray! Tigil!!" Sigaw ng lalaki ngunit hindi tumigil si Crystal hanggang sa naghihingalo na ito.
"Pinakidnap mo ako para sa pera? Tangina ka!" Kinuha niya ang balisong na pagmamay ari ng kidnappers at tinarak rin sa tuhod nito
Napasigaw naman sa sakit ang lalaki ngunit mas itinarak ni Crystal ang kunai sa tuhod nito.
"G-Get off! Sa susunod na makita kita ay lagot ka na saakin! Pagbabayaran mo ito! Ah!"
Ngumisi si Crystal at pinunasan ang dugo sa labi niya.
"Sa tingin ko ay hindi ka na makakabawi, dahil sinisiguro ko na paralisado ka na at hindi na ito mauulit!"
Nagpamulsang naglakad ang babaeng Alcantara at kinuha ang kunai niya sa tuhod nito. Lumapit ito sa lalaking may pakana ng lahat at bumulong rito.
"Ako si Crystal Rein Alcantara Vallejo, tandaan mo at matakot ka na dahil ako ang anak ni Kate Alcantara at ang magiging susunod na reyna ng lahat ng mga Mafias."
YOU ARE READING
Every Bullet
ActionFormer Title: The Crystal Mafia Queen Crystal Alcantara is the daughter of Kate Alcantara and she is the Mafia Queen. Her reign will began and she will meet her man. They will start their story with an unexpected kiss. Archery is her game, singing i...