CHAPTER 22

144 7 0
                                    

CHAPTER 22

Kakalabas ko pa lang ng sasakyan ko nang biglang tawagin ako ni Thomas. Nilingon ko siya at nakita na tumatakbo siya papalapit sa akin.

"She gone mad!" Aniya na kinakunot ng noo ko. Nang makalapit na siya sa akin ay hinabol niya muna 'yung hininga niya bago siya nagsalita. "Elaine... Si Elaine..." he muttered that made me nervous. "Dinala sa hospital... Nag-laslas..."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Napa-pikit ako kasabay ng pag-bigat ng nararamdaman ko. Agresibo akong napa-hilamos ng mukha. "Bakit nanaman?!"

"Hinahanap ka niya sa amin. Sabi ko wala ka pa tapos sabi niya tinatago ka raw namin sa kaniya. Si Mira pati Tristan 'yung nagdala sa kaniya sa hospital."

Malalim akong bumuntong hininga. It's been a week since the last time I saw her. Akala ko tapos na kasi hindi na tanga siya nag-paramdam pagkatpos no'n. Pero ata nanaman. Tangina, nagsisimula nanaman.

Napa-isip ako... Kung hindi ba kami nag-kita ulit nung gabing 'yon sa grocery store, hindi siya mag-kakaganinto?

"Ngayon lang ba ulit? O may bago pa?" Tanong niya. Base sa mukha niya ay mukhang nai-stress rin siya sa nangyari. Hindi naman kasi bago 'to. Hindi rin ito 'yung unang beses na hinabol niya ako para ibalita sa akin na may nangyari kay Elaine.

Tumango ako. "Mga last week... Kasama ko si Abreu no'n. Pero hindi naman sila nag-kita."

"Alam ni Abreu?"

"Paano ko sasabihin sa kaniya?" Tanong ko at mapait na natawa. "Na na-ospital nanaman 'yung ex ko kasi hindi ko siya binalikan?"

Bumuntong hininga si Thomas. "'Wag ka nang pumunta sa ospital... Kahit sa Aussie. Parang nati-trigger siya kapag nakikita ka niya, eh."

Tumango na lang ako. Ano pa nga ba magagawa ko? Baka kapag nalaman ng mga magulang niya 'yung nangyari ay paki-usapan na lang ako. Parati na lang ako 'yung unang paraan nila para masulosyunan 'yung problema ng anak nila at hindi ang psychiatrist.

Nang maka-pasok na kami ni Thomas sa room ay ilang minuto pa ang lumipas bago bumalik sina Tristan at Mira.

Tinanggal kaagad ni Tristan 'yung uniform niya nang mapansing naka-tingin ako doon kasi may bahid doon ng dugo.

"They wanna see Gael," narinig ko na bulong ni Mira kay Thomas nang magtanong si Thomas kung anong nangyari. "Hindi ko alam na nangyayari na pala 'yon. So... Their whole relationship was a no choice? All this time it's..."

What? Manipulation?

I never had a choice. Isang magandang pangyayari na lang ata sa akin 'yung araw na nag-cheat siya sa akin. That was my way out.

For weeks after that night at the groceries store, I became anxious... When my phone vibrate, I'd be excited because maybe it's Abreu. But when my phone vibrates and Abreu's with me, I feel anxious because what if I get a message or a call from Elaine's parents, begging me to get back with their daughter?

Pero sa mga araw na 'yon, wala naman siyang paramdam. Pinatay ko 'yung cellphone ko, nag-aral na lang sa condo ko, at nakasama si Abreu. Doon sa mga oras na 'yon, nawawala 'yung kaba ko kasi nagiging abala ako sa ibang bagay.

Halos ayos narin ako kagabi kasi ilang araw namang wala akong natanggap na kahit na anong tawag o text na tungkol kay Elaine. Pero ngayon, eto nanaman. Kinakabahan nanaman ako kahit wala pa namang nangyayari ulit.

"Oh, magkape ka muna," ani Thomas at nilagay 'yung iced coffee sa harap ko. Nasa cafeteria kami ngayon. "Feeling ko hindi ka naman na gagambalain no'n. I mean nung parents niya..."

Make My Life Divine Again │Valiente #1.2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon