Chapter 14
[Sellia's POV]
Hindi ko alam kung nakakatulong ba 'tong ginagawa ko. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano 'bang pwede kong gawin ngayon.
"Sellia, ayos ka lang?" tumango na lang ako bilang sagot. Hindi ko na talaga alam. Ano na?
Paano na lang 'pag sinabi ko? Paano 'yung iba? Nakakainis. Bakit ba kasi ako pa 'tong nakaalam.
"Sellia, sigurado ka bang ayos ka lang? Hindi ka mapakali eh." tanong ni Bryan.
"Ayos lang ako. 'Wag na kayong mag alala." ngumiti na lang ako.
"Lalabas lang ako." paalam ko sa kanila, tumango naman sila. Kaya agad akong lumabas.
Kailangan kong mag isip. Ano na lang ang mangyayari kapag sinabi ko? Ayokong maging dahilan 'to ng away namin. Ayoko 'non.
Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko sa mga nangyayari ngayon. Naiipit na'ko sa sitwasyon.
Si Shei.. siya ang mas lalong naiipit. Wala siyang kaalam alam sa nangyayari sa paligid niya. At alam kong nakakatanggap na din siya ng mga threats. Alam ko 'yon.
Alam ko rin na may nagbigay ng isang letter sa kanya.
'Yung Erica?
Wala pa 'kong alam sa babaeng 'yon. Basta masama ang kutob ko sa isang 'yon.
"Sellia?" napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko.
"Derick? Bakit ka andito?" taka kong tanong sa kanya.
"Wala lang, gusto ko lang din mag pahangin.." sabi niya. Umupo kami sa isang wooden bench dito sa garden ng hospital.
"Lalim yata ng iniisip mo ah." ngumiti ako sa kanya.
"Nag-aalala lang ako kay Shei." totoo, nag aalala naman talaga ako. Hay! ~>_
"Magiging okay din 'yun. Sumakit lang ulo. Tingin mo, bakit sumakit ulo 'non?"
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Derick. Sumakit ulo? 'Di kaya... Argh! Sana hindi.
"Kahit ako, 'di ko alam."
"Pero alam mo Sellia, nagtataka ako kung bakit ganon." napatingin naman ako sa kanaya.
"Huh?" ano ba'ng sinasabi ng lalaking 'to?
"Para kasing nag-iiba si Shei eh. Mas nagiging weird ang kinikilos niya ngayon." kahit ako, napansin ko din 'yon. Posible kayang alam na niya tungkol sa amin? Pero, ugh!
"Kahit ako rin naman." nagulat ako ng lumapit si Derick sa'kin at bumulong.
"Make your decisions right."
Naiwan akong tulala. A-alam niya? Paano? Pero baka hindi. Argh! Nakakainis na.
Make your decisions right..
Make your decisions right..
Make your decisions right..
Paano ko magagawa ng tama ang desisyon ko kung ngayon palang gulung-gulo na.
Paano ko din magagawa ng tama kung ngayon pa lang, Hindi kona alam ang tama o mali.
Nagsisimula na.. nagsisimula na ang lahat. Ang pinakatatakutan kong mangyari.
Nagsisimula na..
*
Naglalakad ako papunta sa hospital room ni Shei nang makita ko si Boss Luke. Sasabihin ko ba?
Kung 'di ko sasabihin, mas lalong magiging delikado ang lahat.
'Pag sinabi ko naman, maaring maayos. Pero, magkakagulo din. Argh! Ano ba talaga?!
Sigh..
Siguro nga kailangan na.
"Boss Luke?" tawag ko sa kanya na ikinaharap naman niya..
"Ano?!" irita niyang tanong.
"May kail-"
"Sellia! Tara na sa loob!" napahinto ako nang tawagin ako ni Ysa.
"Sige, susunod na ako."
Sigh.. siguro nga, 'di pa ito ang tamang panahon.. para sabihin ko ang totoo.
Tsaka na.. 'pag handa na ang lahat. Ayoko muna madaliin 'to.
**************************************************
XOXO.
RIA VENICE! ^_______^
BINABASA MO ANG
Her Secret Personality
Teen Fiction"You are one of them," O_O Read. :) HER SECRET PERSONALITY.