(12) Call

33 0 0
                                    

Chapter 12

Pangalawang araw na ng pasok ngayon ni Shei. Nagdadalawang isip siya kung papasok ba siya o hindi.

"Shei bakit hindi ka pa pumapasok? Problem?" tanong ng kanyang kuya.

"Eh kasi kuya 'ayu-"

"Yung nakita mo? Aish. Shei, they're your friends right?" tumango si Shei bilang sagot. "Kung ganun. Hindi mo dapat sila iniiwasan. They're your friends eh. Accept kung ano man sila."

"Kuya what are you tryin' to say huh?" naguguluhang tanong ni Shei sa kanyang Kuya.

"Accept your friends. I know, 'di mo pa sila ganoong kakilala. But Shei, accept them. Hindi sapat ang nakita mo para layuan mo sila."

*

Naglalakad si Shei papuntang classroom nang may tumawag sa kanya. And she saw Rachelle.

"Bakit?" iritang tanong nito.

"Aga aga init ng ulo mo ha. Chill ka lang!" biro ni Rachelle.

"Tss. Ewan ko sa'yo. Nga pala 'diba may sasabihin ka sakin? Ano 'yon?" tila kinabahan si Rachelle. Kailangan na niyang bawiin 'yon.

"Ang totoo niyan. Wala naman talaga akong alam sa kanila. Sinabi ko lang 'yon kasi.."

"Kasi ?"

"Kasi.. Ah basta! Wala talaga akong alam sa kanila. Napaka mysterious nga 'nung mga 'yon eh. Bye na. May klase pa ako eh!"

"Bakit ba ang weird ng mga tao ngayon?" bulong ni Shei sa kanyang sarili.

Magmula 'nung nakilala niya sila Thea. Maraming weird na bagay ang nangyayari sa kanya.

"Sheimin Ferrer?" isang boses ang narinig niya kaya napalingon siya dito.

Isang matangkad, morena, at singkit na babae ang nasa harap niya ngayon. Maganda ito, at bagay sa kanya ang kanyang kulay.

"Yes. Bakit?" ngumiti ang babae ang sa kanya.

"I'm Erica. Gusto ko lang sana tanungin kung ka ano ano mo si Sean Ferrer?" naguluhan siya sa babae. Bakit niya kilala ang kuya nito?

"Ah. Kuya ko bakit pala?" tanong ko rito. Ngumiti lang siya at may inilabas na letter.

"Ahm. Pwede pabigay 'to sa kanya?" sabay abot kay Shei ng isang letter.

"Okay. I'll give it to him." sabi ni Shei na ikinangiti naman ng babae.

"Don't mind ha? May gusto ka ba sa kuya ko?" napakamot naman ng batok ang babae.

"Ah? Eh. Oo" ngumiti naman si Shei.

"Don't worry. Ibibigay ko 'to. Wait, dito ka ba nag aaral?" tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. Sa ibang university ako," sagot ni Erica na ikinataka naman ni Shei.

"Eh paano mo nakilala ang Kuya ko?"

"Ah, kinwento sa'kin ni sister 'yung sa bahay ampunan."

"'Di kita magets." sabi ni Shei habang nakakunot ang noo.

"Ah. Ganito kasi 'yon. Tumutulong kasi kami sa bahay ampunan. Nasa ibang bansa kami ng kapatid ko 'nun. Tapos, pag kauwi ko dito sa pilipinas. Kinwento nila sa'kin na may lalaki daw na nag-donate. Pinakita nila 'yung pictures. Tska nalaman ko din na Sean Ferrer ang pangalan niya." nakangiting explain ni Erica,

"Ah papano mo ako nakilala?" tanong ko dito.

"Nandito ako kasi pina-enroll ko 'yung kapatid ko. Tapos may narinig akong nagbanggit ng pangalan mo. 'Sheimin Ferrer' kaya nagtanong tanong ako. Tapos, nahanap kita."

Tumango na lang siya at nag paalam na.

*

[Shei's POV]

Natapos ang klase ng boring! Hindi rin pumasok sina Thea. Hindi ko rin alam kung bakit.

~kring kring~

Tinignan ko ang phone ko kaya sinagot ko ito agad.

"Yes?"

[Castillo]

"Po? Baka po wrong number lang po kayo."

[Castillo.]

"Ahm. 'Di po ako Castillo. Baka po wrong number kayo."

[Be ready.]

"Be ready para saan?"

[Be ready. You will be dead. Soon]

Agad kong pinatay ang tawag. Dead? Soon? Ano ang mga 'yon? Wala naman akong kaaway! At higit sa lahat. Hindi ako si CASTILLO!

Pumunta ako sa banyo at nag shower. Pagkabalik ko, tinignan ko ang phone ko. At may 1 message 'yon. Titignan ko na sana nang may tumawag ulit. Si Sellia.

[Shei?]

"Oh, napatawag ka Sellia?"

[Ahm. Oo, kasi nasan ka? Tapos na ba 'yung klase?]

"Ah oo tapos na. Nasa bahay na ako eh,bakit?"

[Lock your window.]

"H-huh? B-"

~toot toot~

Bakit ang weird ng mga tao ngayon? tss. Dahil sa kinabahan na din ako. Lumapt ako sa bintana, napahinto ako 'nung may nakita akong taong naka itim ang nakatingin sakin. Sakin nga ba? 'Di ko na lang pinansin. Baka guni-guni ko lang 'yon.

Sinara ko na ang bintana ko at bumaba. Laking gulat ko nang may makita akong footprints. Ano 'to? Tch. 'To talagang mga katulong na 'to.

"MANANG!" sigaw ko ngunit walang sumasagot.

"MANANG!" tawag ko muli. Ngunit walang sumagot.

Agad akong pumunta sa kusina. Laking gulat ko nang may makita akong isang lalaking rebulto na nakatalikod.

"S-sino ka?"

**********************************************

RIA:

Salamat kung may nagbasa man nito! ^^

XOXO
Ria Venice.

Her Secret PersonalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon