(13) Letter

47 0 0
                                    

Chapter 13

[Shei's POV]

"S-sino ka?" tanong ko sa lalaking nakatalikod habang umiinom. Feel at home?

Pagkatapos niyang uminom, humarap siya sakin. Fudge! Sino 'yang lalaking 'yan?

Familiar ang isang 'to. Pakiramdam ko nakita ko na 'to eh. Saan nga ba?

"Sino ka? Paano ka nakapasok sa bahay ko?" tanong ko sa kanya. Maya maya pa ay, humagalpak siya sa tawa. Eh?

"'Di mo na ako naalala? Ang sakit naman isipin niyan! Haha!"

"Sino ka ba? Paano kita maaalala eh hindi nga kita kilala eh." nagkamot lang siya ng ulo at uminom ulit.

"I'm Jed. 'Di mo pa ba naaalala?" saglit akong napaisip. Ah tama! Si Jed. 'Yung sa school kahapon.

"Ah oo. Naalala ko na! Pero teka, 'pano ka nakapasok dito?"

"Pinapasok naman ako 'nung guard. Sabi ko kilala kita. Uhaw na ako eh." sabi niya at pumunta sa salas at umupo sa couch.

"Feel at home talaga? Pero, paano mo nalaman ang bahay ko?" takang tanong ko rito. Siya rin kaya 'yung lalaking naka itim kanina? Pero imposible. Naka gray si Jed ngayon eh. Kaya, imposible talaga.

Nag-inat naman ng leeg si Jed. Napatigil ako nang may makita akong tatoo sa leeg niya. BD? Ano 'yon?

"Okay ka lang? Napatulala ka ata diyan?"

"Ah. Oo! Okay lang." sagot ko at binaling ang tingin sa iba. Ano ang tatoo na 'yon? Kinabahan ako nang makita ko 'yon. Pamilyar ang tatoo na 'yon sa'kin. Napaka pamilyar.

"Oh sige ha. Mauna na ako! Salamat sa tubig. Bye!" paalam niya at dumiretso sa pinto. Pero bago siya umalis, may binitawan siyang salita na nakapagpakaba sa'kin.

"Mag ingat ka. Hindi mo alam ang pwedeng mangyari." at tuluyan na siyang lumabas.

Nakakapagtaka..

Nakakapagkaba..

Nakakatakot..

Umakyat na ako ng kwarto ko, hinanap ko ang phone ko. Isang text message ang 'di ko pa nabubuksan. 'Di ko alam pero kinakabahan ako. Binack ko na lang ang message at umupo sa kama ko. Ano ba'ng nangyayari? Hindi ko na maintindihan. Bakit ganito?

Hinanap ko ang bag ko, at hinalungkat 'yon. Sa 'di inaasahan, nakita ko ang papel na naapakan ko 'nung pumunta ako ng mall. Bubuklatin ko na sana pero may kumatok sa pintua. Mabilis ko 'tong tinago.

"Kuya bakit?"

"Wala lang, akala ko kasi 'di ka pa nakakauwi eh." sabi niya at umalis din. Hay! Napatingin ako sa isang letter na binigay 'nung babae. Tss. Nakalimutan ko pa ibigay. Kinuha ko 'yon.

Pero parang may tumutulak sa'kin na tignan ko 'yon.

Wala naman sigurong masama diba? Sigh. Sige na titignan ko na.

Binuklat ko ang papel.

Binuklat ko ang papel na sana pala ay hindi ko na ginawa. Sana hindi ko na pinakealaman pa.

Mafia?

Ano 'yon? Bakit may Mafia na nakalagay dito. Binasa ko ang nakalagay 'dun.

-Sean Kloune Ferrer. Sisiguraduhin kong maghihirap kayo ng pamilya mo. Sa next ranking hindi kayo magiging top 2 mafia! Sisiguraduhin ko 'yon.-

Ano ang mga 'to? Naguguluhan na ako. Masyadong magulo.

*

Pangatlong araw na ng pasok ko. Papasok ba talaga 'ko? Ang dami ng nangyayari. 'Di ko na maintindihan! Masyadong kumplikado! Nahihirapan na ako intindihin ang mga bagay bagay! Argh!

Pagkapasok ko pa lang ng gate ng school. May dalawang grupo akong nasaksihang nagsusuntukan ng tingin. Anong meron?

Agad akong lumapit para maintindihan ko ang nangyayari. Pero nag kamali ako. Nag kamali akong lumapit pa.

"BITIWAN MO AKO!!" sigaw ko habang hawak ng isang lalaki ang kamay ko. Kaya nilingon ko, sino 'tong damuhong 'to?

"LET ME GO!" patuloy pa rin akong nagpupumiglas. Pero, masyado siyang malakas. Hindi ko kaya. Napatngin ako sa kabilang grupo. Sila?

"Don't dare to touch my wife. You bastard!" nagulat ako nang may humigit sa akin. kaya nilingon ko 'to. Keith?

"Your wife? Ha-ha! Your wife na walang suot ng wedding ring? Ayos palusot mo 'tol." saglit akong napaisip. Pakiramdam ko nakita ko na ang isang 'to.

Argh. Ang sakit ng ulo ko!

"Hoy Castillo! Ayusin mo 'yang ginagawa mo."

"Saglit lang naman Trevor! Ang hirap kaya nito oh. Ikaw kaya."

"Akin na nga! Weak ka kasi."

"T-trevor?" isang pangalang lumabas sa bibig ko na ikinagulat ng lahat.

Isang 'di maipaliwanag pa ang aking naalala.

"Wake up, baby love." sabi ng isang babae habang ginigising ang lalaki. Ano 'to? Bakit nandito ako? Lumapit ako para makita. Ano ba yan. 'Di ko makita ang mukha.

"Hmm. Later babylove."

"Eh! Kakain na. Nasa baba sila mommy eh. Dali na!" pangungulit ng babae sa lalaki. Tumayo na lang ang lalaki.

"Babylove shower lang ako. Sama ka?" tanong ng lalaki sa babae. Hinampas ng babae ang lalaki ng unan.

"You pervert."

"Babylove.." and everything went black.

*******************************************

XOXO.

Her Secret PersonalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon