1

543 17 0
                                    

A/N: TYPO/GRAMMATICAL EROR AHEAD

***

Chapter 1

"AZ/Alexandra Zyn Pov"

"Hoy tangeks ano naman yang dala mo?" Tanong ng kaibigan kong si Summer.

Summer Daniece 17 yrs old, maganda sexy, matalino, basta nasa kanya na ang lahat kaya madaming nagkakagusto dito, attitude nga lang at matalik ko itong kaibigan.

"Binake ko na Cake para kay Khyver hehehe" Sagot ko sa kanya.

Nakita ko naman itong napairap pero hindi ko na pinansin yun, dahil sanay nanaman ako sa kanya.

"So maaga ka ulit gumising para dyan sa Cake na yan?" Tanong naman ng isa kung kaibigan na si Avriella.

Avriella Crimson kaka debu lang nito noong nakaraan,  maganda din ito at ofc matalik ko din na kaibigan, Masungit, prangkang tao kaya pag ayaw niya sayo o may ayaw siya sa ugali mo hindii siya mag dadalawang isip na prangkahin ka.

"Oo" Nakangiting sagot ko.

"F*ck AZ, tingnan mo nga ang sarili mo lagi ka na lang kulang sa tulog simula ng magustohan mo ang taong yun, tapos yung ayos mo hindi na ganyan, ang laki na nang pag iba mo,  ilang years kana ba nag papatanga doon? 3 years? Arghh" Inis na sabi ni Avi shortcut ng Avriella.

"Tsk lets goo AZ" Saad ni Summer at hinawakan ang braso ko pero pinigilan ko agad ito.

"Nandiyan na sila, hintayin muna natin sila,  ibibigay ko lang ito" Nakangiting saad ko sa kanilang dalawa pero umirap lamang sila.

"Alexandra Zyn kailan kaba titigil sa katangahan mo? Ilang beses kanang tinataboy ng tao pero ito kapa rin" Galit na saad ni Avi. Alam kong galit na ito, naintindihan ko yun. Peke naman akong ngumiti sa kanila dahil alam ko sa sarili ko na ang tanga ko nga sa part na ito.

"Mahal ko eh" Sagot ko lamang sa kanya.

Napailing na lamang sila, alam kong naiinis na silang dalawa saakin,  kasalanan ko bang nag mahal lang ako?. Gusto ko lang naman na mahalin din ako ng taong mahal ko. Oo desperada na kung desperada wala eh mahal ko.

Napalingon ako sa entrance ng School nang nagtilian ang mga babae, napangiti naman ako, alam kung sila yung tinitilian ng mga kababaehan.

Sino ba namang hindi titili sa sobrang gwapo nila? Lalo na ang taong mahal ko?

Khyver Titus My one and only baby love,  gwapo, matangkad, marunong kumanta at sumayaw, parang nasa kanya na nga ang lahat eh kahit seryuso at sobrang lamig ang pakikitungo nito saakin, wala eh mahal ko pa rin. hehehe.

Andrew Crepio gwapo din ito, kaya madami ring ang nag kakagusto sa kanya, kaso playboy nga lang,  matalik na kaibigan ni Khyver.

Train Falviom matalik rin na kaibigan ni Khyver gwapo  at makulit madaming babae rin ang nagkakagusto dito.

"KHYVERR" Masayang sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya.

Napatigil naman silang tatlo sa paglalakad, ganon din ang mga babaeng tumitili sa kanila kanina, napatingin ito saakin kaya nagsimula naman ang bulong bulongan pero di ko na inintindi yun.

"Khyver For you, I hope you like it hehehe" Masayang saad ko at binigay ang hawak ko na cake para sa kanya.

Tinignan naman ako nito ng seryuso at walang makikitang emosyon sa mukha nito.

Lumaki ang ngiti ko ng kunin nya ang inabot ko, pero agad ding nalungkot nang pagkatapos nya kunin binagsak nya lamang ito kaya nasira ang gawa kung cake kaya hindi na ito makakain dahil nasa sahig na ito.

Done Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon