[TYPO/GRAMMATICAL EROR AHEAD]
Chapter 13
6th day
"AZ POV"
"AZ GUMISING KANA"
"Ahhh oummm".
"Princess wake up" iritadong paggigising sakin ng panget kung kuya Xander.
"What time is it?" Tamad na tanong ko sa kanya.
"10:00am already"
"WHAT?" gulat na sigaw ko sabay bangon.
"Bingi kaba Alexandra Zyn at di mo narinig sinabi ko?"
"Arghh Why naman di mo'ko ginising? Kuya naman eh" pagmamakatol ko. Tumayo na ako at kumuha ng susuotin ko sa aking drawer.
"Kanina pa kita ginigising pero tulog mantika ka, tapos ngayon mamaktol ka dyan?"
"Tsk Nvm goo bumaba kana" Pagtataboy ko dito.
"Ok" lumabas na ito ng kwarto ko pero bigla din agad bumalik at sumilip sa pinto ko.
"Anyway Mr. Titus is here, kaya pinapasok ko na" seryusong sabi nya at umalis na sa labas ng pinto ko. Pinoproseso ko pa ang sinabi nya. Andito na si Khyver? Paano nya alam ang bahay ko? Ay t*nga AZ syempre hinatid ka nya nung nakaraan.
Pero andito nga sya? What? Owemjii. Nang maalala ko ang sinabi ni kuya dalidali kong ginawa ang morning routine ko.
Ano kaya ginawa ni kuya sa kanya? Sigurado akong alam ni kuya na si Khyver ang dahilan ng pag iyak ako pero sana naman wala syang gagawin doon.
Bumaba na ako pagkatapos kung mag ayos ng aking sarili. Naka croptop na T-shirt ako kaya nakikita yung tyan ko at naka jeans at pinaresan ko ito ng Nike na sapatos. Naka pusod din ako kaya kita yung batok ko. Nag liptint lang din ako. Ok na din naman ang ayos ko ang ganda ko nga eh charr HAHA.
"Kuya Ash? Kuya Xander?" Tawag ko sa dalawa ng makadating ako sa sala namin.
Andon silang tatlo na nag uusap. Si kuya Xander at Kuya Ash seryusong nakikipag usap kay khyver na kaharap nila. Lumingon sila sakin ng marinig nila ako. Ganon din si kyyver napalingon sakin at pinasadahan ako ng tingin.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ko yung pag igting ng panga nya at tumaas ang kilay nito.
"Princess/Baby" Sabay na bati ng dalawa kung kuya. Humalik ako sa pesnge ng dalawa at maikling ngumiti.
"Kuya anong ginawa nyo kay Khyver?" Tanong ko sa kanila.
"Wala kinausap lang namin sya".
"Buti nga di namin sinuntok yan" Inis na saad ni kuya Xander. Kahit kailan mainisin itong si kuya Xander buti pa si kuya ash medjo kalma. Oo medjo lang.
"Nanliligaw kaba sa kanya Mr. Titus?" Seryusong tanong ni kuya.
"No" seryusong saad ni Khyver.
"So bakit mo inaantay ang kapatid namin?"
"None of your Business"
"Alexandra Zyn Alam ba nitong a-"
"K-kuya hehe segi alis na kami ah may pupuntahan pa kasi kami" pag putol ko sa itatanong ni kuya at dalidaling hinatak si Khyver. Ayaw kung malaman nya na aalis ako. Kung hindi ko pa hinatak si khyver don sigurado akong di makapagpigil si kuya Xander ng bunganga nya at masabi nya ng tuloyan iyun.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Kanina pa sya nag mamaneho pero di ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Kanina pa ito tahimik ng maka alis kami ng bahay. Natanong ko nga sa sarili ko hindi ba ito napapanisan ng laway? Charot HAHAHA.
BINABASA MO ANG
Done Chasing You
Teen Fiction"BOYS NEVER REALIZE HOW MUCH LITTLE THING CAN HURT A GIRL" -Avriella "ANG PLASTIK NIRERECYCLE HINDI INUUGALI"-Train "PAANO MAG MOVE-ON? SIMPLE LANG, IWAN ANG KATANGAHAN IRAMPA ANG KAGANDAHAN"- Summer "NASASAKTAN KA? KARMA MO YAN"-Andrew "MINSAN KAIL...