27

532 28 11
                                    

'Az pov'

"Alexandra Zyn" Matinis na sigaw ni Summer na papalapit sa pwesto ko. Kakadating ko lang dito sa room namin ganon din si Summer, nauna nga lang ako sa kanya.

"Oh? Bat kaba sumisigaw?" Sagot na tanong ko dito.

"Wala lang masyado lang kitang miss" Nakakalokong sabi nito.

"Mukha mo!!. Kilala kita"  sabi ko sabay irap. Napatawa naman ito.

Umupo ito sa tabi ko.

"Ano nangyari kahapon sa date nyo ni Khyver?" Pabulong na tanong nito.

"Pinagsasabi mo?" Tanong ko dito.

"Na nag date kayo ni khyver" nakakalokong sabi nito.

Binatukan ko sya " Hindi kami nag date!." Sabi ko dito. Napakamot naman ito ng ulo nya.

"Hindi ba?...diba sinundo ka nya kahapon?" Tanong nito.

"Sinundo nya lang ako dahil pupunta ako sa bahay nila" sagot ko dito. Napangisi naman ito.

"So hindi kayo nag date? Pero pumunta kayo sa bahay nya HAHAH ikaw AZ ah galawan mo" Sabi nito sabay sundot sa tagiliran ko.

"Tumigil ka nga! Pinapunta ako ni Zeana don kaya ako pumunta don! Gets mo ba?" Tanong ko dito.

"Medjo" sagot nito. Napairap naman ako.

"Bahala ka nga sa buhay mo" sabi ko dito.

Patuloy naman ito sa pangungulit sakin hindi ko na lamang sya pinapansin.

Nung umalis ako kahapon sa harap ni khyver pagkatapos namin mag usap sumunod din agad ito sakin.

Nag Dinner nga kami kasama ang pamilya nya. Madaming tanong si tita at tito na nasasagot ko naman. Mabuti na nga lang hindi sila nag tanong tungkol samin ni Khyver kasi wala talaga akong masasagot.

Pagkatapos ng Dinner namin ng pamilya nya nag paalam na din ako na uuwi na. Hinatid naman ako ni khyver wala naman nangyari sa paghatid nya sakin dahil tahimik lamang ako.

"Hoy pansinin mo ako" pangungulit ni Summer.

"Ang kulit mo bhie" sabi ko dito. Ngumuso naman ito.

"Hindi ka kasi nag kwekwento"

"Wala naman akong eh kwekwento" sagot ko.

"Oo nga Sum wala syang eh kwekwento dahil wala pa ako, ngayon andito na ako may eh kwekwento kana" pagsulpot bigla ni Avi sa tabi ko.

"Isa kapa" Inis na sabi ko.

"Mag kwento kana kasi" pagpupumilit ni Summer.

"Ang chismosa nyo alam nyo yun?" Tanong ko sa kanila. Sabay naman silang umiling.

"Bakit ko ba kayo naging kaibigan?" Tanong ko sa kanila.

"Kasi maganda kami" proud na sagot ni Avi.

"Kapal mo!" Sagot ko dito.

"Wag mo eh change topic, mag kwento kana habang wala pa sila Khyver" sabi ni Avi.

"Tsk oo na ang kulit!" Sabi ko. Kwenento ko ang lahat ng nangyari simula nung sinundo ako ni Khyver hanggang sa matapos ang dinner namin ng pamilya nya, pero hindi detalyado yung iba. Alam nyo na.

"Totoo?" Sabay na tanong nila. Tumango naman ako.

"Oo, sinabi nya sakin na nagsisi daw sya sa ginawa nya sakin. Tapos humihingi sya ng sorry." Dagdag ko.

"Owemjii kinikilig ako. Magsisimula na ba ulit love story nyo?" Kinikilig na tanong ni Summer.

"Binigyan mo sya ng 2nd chance?" Tanong din ni Avi.

Done Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon