[TYPO/GRAMMATICAL EROR AHEAD]
Chapter 7
"AZ pov"
Kakadating lang namin ngayon ni Clarence sa simbahan at tamang tama naman ang dating namin dahil magsisimula na din ito.
"Tara na pasok na tayo" Nakangiting sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya sabay kaming pumasok sa simbahan.
Nag sign of the cross muna kami at pagkatapos umupo kami sa unahan.
" Tuwing linggo mo ba ginagawa ito?" Biglang tanong ni Ren(Clarence) sakin ng makaupo kami.
"Yung alin?" Takang tanong ko.
"Yung pagsisimba" Sagot nito.
"Ahh! Oo nakasanayan ko na." Pagsagot ko sa kanya.
Tumango tango naman ito at nginitian ako kaya nginitian ko din sya.
Mayamaya nag simula na yung Mass.
****
"Saan na tayo ngayon?" Tanong ni Ren sakin ng makalabas kami ng simbahan. Kakatapos lang ng Mass kaya nagsilabasan na ang lahat.
"Kain muna tayo, tapos pupunta na tayong mall ano game??" Nakangiting sagot na tanong ko sa kanya.
"Game, saan ba tayo kakain?" Tanong nito.
"Secret HAHAHA malalaman mo pag andon na tayo" Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ok! Tar-"
"Alexandra"
Naputol ang sasabihin ni Ren ng may tumawag sa akin kaya sabay namin itong nilingon.
"Sister" Masayang tawag ko sa tumawag sakin.
"Kamusta Anak?? Ngayon na lang ulit kita nakita." Nakangiting saad nito.
Sya si Sister Angel isa sa mga nagsisilbi sa simbahan. Nakilala ko sya dahil nung unang beses akong nasaktan sa pag-ibig nakita nya ako na umiiyak sa loob ng simbahan kaya di sya nag dalawang isip na daluhan at bigyan ako ng advice.
"Oo nga Sister eh, ang busy mo masyado" Natatawang saad ko dito.
"HAHAHA, Busy talaga, malapit na kasi yung fiesta dito sa baranggay namin. Mabuti nga at dito ka parin nag sisimba" Nakangiting sabi nito.
"Syempre naman Sister no".
"Ayy ikaw na bata ka, sya ba yung lalaki na sinasabi mo sakin nung unang beses kitang makitang umiyak?" Tanong nito.
Napatingin naman ako sa kasama ko na salubong ang mga kilay.
"Unang beses umiyak?" Takang tanong ng kasama ko.
"Oo iho, nung unang beses sya kasing umiiyak nakita ko sya" Sagot ni Sister.
"Sister" nakasimangot kung sabi.
"Totoo naman Alexandra, Oo nga pala ginawa mo ba yung sinabi ko sayo" nakataas na tanong nito.
Umiling naman ako, dahil yun naman ang totoo. Ang sabi nya kasi noon unahin ko daw mahalin ang sarili ko pero parang di ko nagawa kasi mas mahal ko sya kesa sa sarili ko.
"Hay ang tigas ng ulo mo. Iho anong pangalan mo?? At kaano ano mo ba itong si Alexandra??."
"Clarence po Sister, kaibigan nya po ako at yung kanina po palang tanong nyo hindi po ako yung lalaking iniyakan nya" Mahinang sabi ni Ren.
"Ayy ganon ba pasensya kana" Sabi ni Sister
"Sister alis na po kami ah gutom na kasi kami HAHA Kayo po ba kumain na kayo? Sama na lang po kayo samin".
BINABASA MO ANG
Done Chasing You
Teen Fiction"BOYS NEVER REALIZE HOW MUCH LITTLE THING CAN HURT A GIRL" -Avriella "ANG PLASTIK NIRERECYCLE HINDI INUUGALI"-Train "PAANO MAG MOVE-ON? SIMPLE LANG, IWAN ANG KATANGAHAN IRAMPA ANG KAGANDAHAN"- Summer "NASASAKTAN KA? KARMA MO YAN"-Andrew "MINSAN KAIL...