4

319 15 0
                                    

A/N: TYPO/GRAMMATICAL EROR AHEAD

****

Chapter 4

"Clarence Pov"

"Pag tumakbo ka papunta sakin bigla ka na lang umiiyak, hindi ba pwedeng pag tumakbo ka ulit papunta sa akin mga ngiti mo naman sa labi ang makikita ko?" Mahinang sabi ko sa kanya.

Napaiyak naman lalo ito, kaya pinatahan ko ulit.

"Ang sakit nya mahalin!! Pagod na ako!!" Umiiyak na sabi nito, nagtago ulit sa dibdib ko at umiyak kaya hinayaan ko na sya.

Bat kasi yun pa ang minahal mo Zyn? I wish ako na lang yun HAHAH

"Kung pagod kana itigil mo na" Sabi ko at hinaplos ang buhok nya.

"Parang di ko kasi kaya eh" Sabi nito, tinignan ko sya.

Nagtama ang mga mata namin, agad siya na umiwas, hinawakan ko ang kanyang mukha at pinagtama ulit ang mga mata namin.

"Alam kung kaya mo, pero pina paniwala mo ang sarili mo na hindi mo kaya" Sabi ko dito.

"Madami diyan na nagkakagusto sayo pero hindi mo lang napapansin dahil yung atensyon mo andon sa taong sinasaktan ka. Ang ganda mo para maghabol sa isang tulad niya. Meron dyan na lalaki na mamahalin ka at hindi ka sasaktan, pero kinukulong mo ang puso mo sa isang tao lang. Try mo din kayang buksan ang puso mo para sa iba"Dagdag ko at ngumiti sa kanya.

Kung ako na lang sana minahal mo Zyn di mo sana mararanasan na masaktan.

Niyakap ulit ako nito, niyakap ko din sya pabalik.

Kumalas sya sa yakap ko."Try kung gawin ang sinasabi mo" Sabi nito.

Umiling iling ako sa kanya.

"Wag mo eh try, gagawin mo Zyn, you deserve to be happy kaya kahit isang beses mag panhinga ka muna" Sabi ko at ginulo ang buhok nya.

Ngumiti naman siya ng maliit at tumango.

"Thank you" Sabi nito.

"HAHAHA ikaw talaga tara na baka ma late pa tayo but promise me!!" Nakangising saad ko s knya.

"Ano nanaman?" Nakasalubong na kilay na tanong nito.

"Next time wag kana umiyak pag lumapit ka sa akin, dahil  baka makasapak na ako ng tao" Sabi ko dito pero tumawa lamang ito.

"Luko tara na nga" Sabi nito at kinaladkad ako.

"Hoy!! Hoy!! Promise ka muna" sabi ko dito pero hindi niya ako pinansin at patuloy lang ito sa paglalakad habang kinakaladkad ako.

"Hoyy dali na promise ka muna" Pangungulit ko pa rin dito.

"Alis na punta kana sa room mo" sabi nito pero umiling iling ako.

Nasa harapan na kami nang room nila pero hanggang ngayon hindi nya pa rin sinasagot tanong ko.

Nakatingin na nga ang ibang kaklase niya samin pero hindi ko  na iyun pinansin.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka nag promise" Nagtatampong saad ko dito.

"Oo na! oo na! PROMISE." Sabi niya at tinaas pa ang dalawang kamay kaya napangiti ako at tumango tango sa kanya.

"Yey segi byebye sabay tayo mamaya mag lunch" sabi ko at hinalikan siya sa noo niya at tumakbo sa katabing room nila.

I'm Clarence Ocasio pala at your service.

"Khyver pov"

Pagkatapos sabihin ni Alexandra ang mga kataga na yun mabilis siyang tumalikod at umalis.

Done Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon