Chapter 3 ♬♪♩

54 4 0
                                    

"Oh my god!" Yan yung una kong nasabi pagkagising ko

"Waaaaah! Friday na ngayon! Ibig sabihin saturday na bukas?! OMFG!"

Waaah! Bukas na ang elimination! What to do?

Sabihin ko kaya kila ate joice na may sakit ako?!

May lagnat?

Ubo?

Tapos namaos?

Waaah! Ayoko na talaga! Confidence? Asan ka na? Yuhhhooo?! Come to mama!

*tok tok*

Ay? Sino kaya yun? Nag momoment pa ko ditey eh! Hmmmp.

"Sino ka ba? Umalis ka sa pinto ko!"

"Napaka buti mo talagang bestfriend Kylene!" Sigaw ng nasa labas

Hay! Andyan na naman ang disaster ng buhay ko. Di ko alam kung sasaya ako o manghihinayang kasi dumating sya sa buhay ko eh.

"Oo na! Walangya ka! Umalis ka sa harap ng pinto ko! Hintayin mo nalang ako sa baba! Maliligo lang ako!"

"Bilisan mo ha! Alam ko namang isang oras kang maligo eh!"

Tsk. Ansama nento sa buhay ko ba! -_- Mahulog ka sana sa hagdan wahahaha

"Oo na! Bumaba kana.!!"

Nung narinig ko na yung yabag nya pababa ng hagdan nagready na ko para pumasok sa school

"Oh anak, kain na. Itong si Edrian kay aga-agang pumunta rito. Sabay na daw kayong pumasok" sabi ni dad habang nagbabasa ng dyaryo.

*tingin ng masama kay Ed*

"Bakit pa tayo magsasabay? Marunong akong maglakad! Di mo nako kelangan pang alalayan. Di ako Disabled!"

"Tito oh. Inaaway ako ni Kylene,*pout*"

Hay nako! Sure akong sya ulit kakampihan ni Dad nyan.

Minsan nga naiisip ko baka nababading na si Dad baka Kras nya tong si Ed kaya lagi nyang kinakampihan

"Hay nako kayong mga bata kayo, kumain nga lang kayo. Kylene, bumabawi lang sayo yang si Ed."

Sabi sa inyo eh! Mahal na mahal ni dad si Ed. Well thank you for that Dad! Ako po yung anak nyo -_-

"Babawi?! Wews?! Dun ka na sa coach mo! Mag sama kayo!"

"Kay naman eh, alam mong MAPEH month ngayon, natural na busy ako sa badminton at basketball."

"Tse! 1 month mo kong di kinausap! Tingnan mo yang balat mo! Ulikba ka na! Ang neggy mo!"

"Kylene ijah, mamaya kana sumigaw na sa kainan tayo." Sabi ko nga tatahimik nalang ako eh.

"Ahmm tito, asan si tita?"

Tsk. Chismoso nento -__-

"Ah.. nauna ng pumasok may hinahabol pa syang meeting eh."

"Ahhh. Pwede po bang malate kami ng uwi ni Ky mamaya?!"

"Ekkk. Ehem ehem!"

Nabulunan ako sa sinabi ni Ed ah!

"Oh anak! Eto! Tubig! Dali! Emeged! Okay ka lang?!"

Omg! Ang bading ni dad! 'Emeged daw? So gay!

"Okay lang ako dad! Nabilaukan lang."

"Ah Ed, ano nga pala ang pinapaalam mo?" Tanong ulit ni Dad

"Ahm. Papasyal lang po sana kami ni Kylene after school para po MAKABAWI ako sa kanya"

Aba! At talagang idiniin nya pa yun hah! Lagot ka sakin mamaya! Ihanda mo yang bungo mo!!

"O sige, gagabihin din naman kami ng uwi ng tita mo. Madami kaming paper works na tatapusin. Basta wag lang super late ha!"

"Yes tito! Maasahan nyo po ako"

Natapos na kaming kumain, nasa gate na kami ng mapansin kong di nya dala yung kotse nya.

"Hoy lalake! Saan tayo sasakay?!"

"Gara nento! Galit parin sakin. Babawi na nga ko eh"

"Dami mong talak! Asan yung kotse mo?"

"Sira po! Nasa talyer kaya motor lang yung sasakyan natin!"

What the??! Motor?! Isa pa nga..

"Sira po! Nasa talyer kaya motor lang yung sasakyan natin!"

Isa pa..

"Sira po! Nasa talyer kaya motor lang yung sasakyan natin!"

Waaaah! Motor nga! Ayoko! Ayoko! No!

Fyi, di ako takot sumakay sa motor ang ayoko lang eh... kelangan yayakapin ko si Ed nun?! Waaah! No way!

"Relax Kay! Haha. Parang di ka na nasanay! Sakay na! Dali"

"Ahh.. e-eh.. s-sige" wala sa sariling sagot ko.

Halos pikit mata kong niyakap si Ed. Syempre awkward. Naka angkas ka sa motor tas yakap yakap mo sya? Tsk  okay sana kung di ako nagtatampo sa kanya eh.

Nakarating na kami sa school. Sa tapat lang ng guard house nya pinark yung motor nya since wala naman kaming parking lot sa school.

Kung tutuusin nga nasa private school naman si Ed talaga dapat. Kaso timang sya, nagpalipat sa school ko kasi daw baka may mangbully sakin -_-

"Oh, pano? Mamaya ah. Susunduin kita sa room mo. Wag kang aalis dun hanggat wala pa ako"

"Eh pano kung ila-lock na yung room? Doon pa rin ako sa loob? Ganern?"

"Pambihira kylene! Syempre lalabas ka! Dun ka sa labas maghihintay!"

"Ang gwapo mo naman! Ako pa paghihintayin mo!"

"Tsk. Oo na! Aagahan ko na! Pumasok ka na nga!"

Di na ako nag buh-bye sa kanya! Pake nya?! Nagtatampo pa rin ako eh.

More than just a bandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon