Chapter 12 ♬♪♩

55 1 0
                                    

"Ano ba Ed! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na F Minor nga!"

Kainis! Ilang oras ko na syang tinuturuan pero di nya parin makuha! Yung totoo? 17 years old ba tong tinuturuan ko?

"Pssh. Bakit kasi may pa minor-minor pa?! Hindi ba pwedeng i-strum ko nalang tong strings?!"

Anak ng kalabaw naman! At nakuha nya pang magreklamo? Ako tong hirap na hirap magturo sa kanya eh. Konting konti nalang talaga matutuktukan ko na to ng tabo eh!

"Ewan ko sayo! Kanina pa kita tinuturuan pero hanggang ngayon, twinkle twinkle little star pa lang rin ang alam mo!"

"Pssh. Wag mo na nga lang akong turuan. Basag na eardrums ko kakasigaw mo eh."

And with that, isinauli nya na yung gitara nya sa case. Habang ako naman ay itinotono pa rin yung gitara ko.

Bakit kasi bigla syang nagka interes sa music? Alam nya namang wala syang pyutur dun eh.

"Change topic na nga.!" Bigla nyang sabi.

Andito kasi kami sa kwarto ko. Maghapon ko na syang tinuturuan mag gitara kaso tukmol sya -.- wala man lang natutunan.

"Eh ano namang topic?"

"About sa paglipat mo ng STS"

Napatigil ako sa pagtotono ng gitara ko at napatulala sa kanya. Hindi dahil gwapo sya, kung hindi dahil nagulat ako sa sinabi nya. Never kasi naming napag usapan ni Edrian yung paglipat ko ng school since nung nanalo kami sa contest.

"H-huh? Anong m-meron dun?" Emeged. Bakit ako nauutal??

"So payag ka nga? Lilipat talaga kayo doon?" Bakas sa boses ni Ed yung pagkalungkot.

"Ahh.. Oo. Lilipat na kami dun next school year. Sayang naman kasi yung opportunity eh"

Nagulat ako ng ikulong nya ako sa mahigpit nyang yakap. Oo, alam kong masyadong makulet at abnormal tong si ed, pero kahit ganon mahal na mahal ko tong tukmol na to.

"Mamimiss kita Ky.." sabi nya sakin habang yakap yakap pa rin ako

"Ed? Lilipat lang ako ng school. Di pa ako mamamatay. At tsaka.. halerr? Kayang kaya mo kong bisitahin dito sa bahay."

Bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin at umayos sya ng upo.

"Seryoso ako Kylene. Mamimiss kita."

Eh? Edi sya na seryoso.

"Pssh. Oo na.seryoso na din ako.. Mamimiss din kita Ed. Mamimiss ko yung pinaka gwapo kong kaibigan."

Bumitaw sya sa pagkakayakap nya sakin.

"Anong kelangan mo Kylene? Binobola mo nanaman ako eh!"

"Hehe. Alam mo na... nagutom kasi ako kakaturo sayo.. kaya.. ilibre mo ko ng maraming fries."

"Tsk. Ano pa nga ba? Oo na! Magbihis kana. Dalian mo. Hintayin nalang kita sa baba."

Pagkababa ni Ed agad na akong nagbihis. Simpleng t-shirt, jeans at converse lang yung suot ko. Di ako katulad ng ibang babae dyan na nagsusuot ng masyadong... lam nyo na.. haha. Sorry sa matamaan. Ilag nalang kayo.

Pagkababa ko agad akong sinalubong ng nakabusangot na mukha ni Edrian. Hala?! Anong ginawa ko??

.

.

.

.

.

.

More than just a bandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon