Chapter 8♬♪♩

48 2 0
                                    

Hello pipolets! I am Gerald. Ang nagiisang dyosa ng lahat ng dyosa ng dyosa ng kagandahan.

I am one of the official best friend of Kylene, ang babaeng hinugot sa tadyang haha.

Ahmm. You see? First time kong magka POV ditey. Hihi.

Ano bang ginagawa pag nagpi-POV?

(K/N: magkekwento ka lang naman bakla)

Watdapak?! Sa ganda kong to taga kwento lang ako? Seriously?? Tsk.

Okay. No choice narin naman ako eh -.- baka mamaya patalsikin pa ako sa storyang ito -_-

K. Lets start na...

Lahat ng Naglaban laban ngayon ay nandito sa backstage.. you know? Yung back ng stage? Haha

Sabi ng panot na crew ng school ay dito muna daw kami habang inaayos at kinocompute pa ng mga Judges yung scores namin.

Grabe! Ang tagal namang computin yun. Ang alam ko tatlo lang naman silang judge eh, so mabilis lang yun maididivide kasi divided by 3 lang naman yun -.-

Di nanamam nila siguro kelangan ng mga square root don diba? Tsk -_-

After 15 minutes tinawag ulit kami ng panot na crew ng school. Sabi pumunta na daw kami sa stage.

So dahil mga masunurin kaming estudyante at mahal namin ang bansang Pilipinas at ang ekonomiya ay sumunod na kami upang wala ng mangyaring kaguluhan pa.

Tsk. Mag iispeech pa daw yung principal namin bago malaman ang winner.

Dami pang talak nyan eh -__-

"A pleasant good afternoon to all of you. We are gather here today because of our annual Mapeh Month. Sa buwan na ito ay ipinakikilala at ipinagmamalaki namin ang mga talento ng mga estudyante. Naging espesyal ang pagdiriwang ngayong taon dahil sinuportahan ng STS ang ating munting paaralan. Nais ng STS ang magbigay ng Scholarship para sa mga talentadong piling mag aaral. Full scholarship na ito. At next year ang mga mag aaral na papalarin ay doon na makakapag aral ng libre. So we hope na naintindihan nyo ang layunin ng STS lalo na ang mga parents. Yun lamang po. Salamat at Congratulations to all of the participants. "

Sino ba kasi nagpauso ng speech? Ang haba haba naman kasi! Nakakaantok lang nemern -_-

Pagkatapos magspeech ni maam ay sinenyasan nanaman kami ng crew na umayos daw ng tayo.

Nandito kaing lahat sa stage. Nakatayo kami at alam kong mga natatae na sa kaba yung mga school mate ko. At dahil nga malalandi sila Maiam walang ginawa ang mga ito kundi ang magpacute sa Deleted band -_-

"And the time is finally came! Malalaman na natin ang result!" Masayang sabi ng MC.

'Wooooh!'

'Yeah! Go MBB!'

'Go! Go! Go!'

'Sabihin nyo naaaa!'

Puro ganyan lang naman yung sigaw ng mga audience.

"Woah. Grabe. Super excited na kayong malaman ah? Haha. Well. Lets welcome.. the owner and the dean of STS.. Mr Eduardo Taylor!"

*clap clap clap*

"Hello students. Woooh! Grabe! Napaka talented niyo. Hindi kami nagkamaling piliin ang school niyo na bigyan ng scholarship ang ilan sa inyo"

Grabe. Ang cool naman nento! Mukha pang mabait.

"Ahm. By the way. Kasama ko ngayon ang ipinagmamalaki na banda ng STS.. ang Deleted Band!"

'Kyaaaaaaah! Ang pogi nyo!!"

'Waaaaah! Marry me michael!!'

'I love you Caeeeeeel!'

'Kyaaaaaaaah!'

Jusme! Ang lalandi nila. Pwede namang manahimik muna eh!

Naramdaman kong humigpit yung pagkakahawak sakin ni Diane. Magkakahawak kasi kami ng kamay ngayon eh.

"Hoy diane! Ang higpit na ng hawak mo! Baka di na dumaloy yung dugo ko!"

Tiningnan nya lang ako ng masama.

Wow ha? Grabe makairap tong bruha na to!

Hayaan na nga lang. Mukha namang anytime hihimatayin to sa kaba eh... or baka sa kilig? Haha

"Woah girls. Grabe kayo. Haha. Easyhan nyo lang yan. Anyways. Bumalik tayo sa contest.. hawak ko na ang result.. halos magkakadikit dikit ang mga score nyo." Sabi ni Mr. Taylor habang binubuklat yung envelope.

"This is it..... The third runner up goes to... HoneyPie Band!! You will receive a trophy and 20,000 pesos. Congratulations"

Waaaaah!, kinakabahan na ang kabaklaan ko! Waaaaaah!

"Second runner up... is no other than.... MBB!!!"

Omfg! May pag asa pa kami?! 2nd lang sila Maiam?! Waaaaaah!

"Congratulations MBB, you will receive a trophy and 50,000 pesos"

Mygawd! This is it! Tengene! Naiihi na ako!!

"Eto na students! Sa sampung band na natira dito ngayon isa lang sa inyo ang makakapasok sa exclusive school! Ready na ba kayo??"

Tanong samin ni Mr. Taylor

"R-ready na po!" Sabay sabay na sagot namin.

Shet! Tulooooong! Naiihi na ako! Waaaaaah!

"The winner will receive 80,000 pesos, a trophy and a full scholarship to STS! And that lucky band is..."

*drumrolls*

"DRATZ BAND!!!"

s-shet! Ohmyfuckinggod!

Kami yun diba?! Waaaaaaaah! Thank you! Thank you!

Niyakap ko sila Kylene at doon kami naluha sa sobrang saya..

Agad kaming pumunta kay Mr. Taylor upang iclaim ang aming trophy.

My god!

STS.... here we come!!!

More than just a bandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon