Nandito na kami sa backstage. Diba? Ang chuchal may backstage?! Hahaha
Andami pala naming mga nangangarap na nakapasok sa eksklusibong paaralan nayon. Nawa'y kami ang palarin.. Pweh! Gumana nanaman ang pagka makata ni Author -_-
Siguro nasa mga 12 bands din ang maglalaban laban. Waaaah! Sana palarin kami.
Nakita ko ang grupo nila Maiam. Edi sila na ang sexy! Pano ba naman? Naka skirt sila, tanktop at highcut na shoes. Yung totoo? Contest ba to o fashion show?!
Hindi nakalampas sa paningin ko ang pag irap nya sakin..
Sige lang.. umirap ka dyan. Hantayin mo yung masamang hangin ng matuluyan yang mata mo sa pagtirik.
"Hoy bakla! Tulaley ka dyan! Di bagay sayo! Mukha kang rebulto"
"Sorry naman. Kabado ako eh. Nakikita mo ba sila gerald? Ang gaganda ng suot nila. Kahit mukhang mumurahin ang se-sexy nilang tingnan."
Totoo guys T_T ang chikchi nila *sniff*
"Hay nako bakla! If i were know nagpapa impress lang yan sa mga guest. Balita ko kasi.." tiningnan ko sya ng masama.. "Sabi ko nga eh.. chismis pala hehe.. narinig ko kasi na andito yung may ari ng STS!" Sasabat sana ako ng pigilan nya ako.
"Hep hep! Wag kang epal! Nagsasalita pa ako!" Tumango nalang ako as a response "At nandito din daw ang deleted band!!!"
Di na napigilan ni gerald yung kalandian-- I mean.. kakiligan pala. para na syang mangingisay na ewan dun -__-
"Eh ano naman ngayon? Parang band lang?!"
"Aray! Makabatok ka ah! Inano ba kita?!" Sigaw ko sa kanya.
"Tukmol ka ba? Di mo kilala ang DE.LE.TED band?! Yung totoo bakla? Saang kuweba ka ba nakatira?!"
Ansama nya na sakin hah?! Ano ba kasing meron sa bandang yun? Anong kapangyarihan ba meron yun?
"Eh hindi ko nga kilala! At pano mo nakilala yun? Hindi ka naman dun nag aaral diba? Hindi mo naman siguro sila kamag anak?"
"Ewww ka bakla! Itatakwil ko talaga yung mga yun kung kamag anak ko sila!"
"Sino nga kasi yun?!"
Grabe! Ayaw nya atang ipakilala sakin eh.
"Kasi bakla... yung band nayon.. waaaaah!"
Tsk. Ano bang sumapi dito sa baklang to? Kanina pa ito nangingisay ah! Medyo nag aalala na ko.
"Eto na talaga.. promise di na ako sisigaw.. YUNGDELETEDBANDKASISIKATYUN!CHUPER!ATLAHATSILAPOGI! waaaaaaaah!"
Hanudaw? Tili nya lang yung naintindihan ko eh.
"Hay nako! Tumigil ka na nga! Wala akong naintindihan sayo!"
Wala na ata syang pakiramdam.. andun pa rin sya! Nangingisay!
"Hoy Kylene! Anong nangyayari dyan kay Gerald?!"
"Ewan ko nga ate Joice eh. Kanina payan! Ano bang sumapi dito?!"
"Hayaan mo na lang yan Kylene! Dun nalang tayo oh! Dun sa side na yun para rinig natin yung magpeperform. Pang Anim pa tayo eh.." sabi samin ni Diane habang inaayos yung gitara nya
Sumunod kami sa kanya. Hinayaan nalang namin si Gerald na mangisay don.
"The band that will perform next is no other than.... MBB! Give them a fabulous applause!"
Sabi nung Emcee. Okay.. sila Maiam and friends na ang magpeperform -_-
Pagkatapak na pagkatapak palang ng hinlalaki ng paa ni Maiam sa stage ay naghiyawan na yung mga schoolmates ko -__-
Magkano kaya binayad nila Maiam para sa mga ito? Hmmp.
Nagsimula ng ipakilala ni Maiam ang band nya. Di namin sila nakikita. Oy! Hindi kami bulag huh! Nasa backstage kami kaya di kami makasilip! Naririnig lang namin sila.
"And were going to sing Fall For you of secondhand serenade.."
"Tsk. Dami pa talak. Pwede namang kumanta nalang eh!"
"Anakngpitotputpitongtupa! Nakakagulat ka gerald! Kelan ka pa nakarecover sa pangingisay mo?!"
"Excuse me lang Diane hah! Hiyang hiya naman ang pagkakilig ko sayo! Ikaw nga halos maihi ng malaman mong andito yung DB eh!"
"Eh--" Pinutol ko na yung sasabihin ni Diane.. baka mag away pa eh.
"Shhhh! Ang ingay nyo! Kakanta na sila oh." Sabi ko sakanila.
"Tsk."
Asking 'bout tonight that were not fighting
It couldnt be the way have been this way before
I know you dont think that i am trying
I know you werent been down to the core
Infairness. Magaling din sila.. pero mas magaling kami haha
So hold youre breath..
Because the night would be the night that i will fall for you
Over again.. dont make me change my mind.. i wanna live to see another day
i swear its true.
Because the girl like you is impossible to find..
Impossible to find..
Natapos din ang band nila Maiam.. Oo, magaling sila. Magaling si Archie, yung drummer, si Cesz at Eila naman ay kuhang kuha ang chords ng kanta..
And si Maiam..
Magaling sya. Anggaling nya kumanta. At parang damang dama nya yung song.
Tsk. Tama na nga sa papuri sa kanila. Baka mamaya magsilakihan ang mga ulo nyan.
2 more band at kami na ang next! Kyaaaah! Parang ansama na ng timpla ng Tyan ko! Dahil siguro to sa kaba??
Puso! Wag kang maingay! Alam kong kinakabahan ka pero sana wag namang 100 beats per second -_-
"And our Sixth group is no other than... Dratz Band!! Palakpakan nyo naman sila.."
Grabe! Eto na talaga!
Wala ng atrasan!