DAVE'S POV
Hanobayan author! Sabi ko 'DAVE THE GWAPO POV' ang ilagay mo eh! Ang Kj! Tsk.
Hayaan na nga lang. Andyan na eh -_-
Well, hello mga gwapo/magandang readers *wink* *lipbite*
Ako si Dave Wong. Ang pinaka gwapong character dito. Yung mga bandmate ko? Tsk. Wala yon. Alam naman nilang HIGIT na mas gwapo ako sa kanila.
Haist. Bakit kaya ang gwapo ko? Hahaha
Anyway, Andito ako sa kotse ko. Wag kayong magtaka kung bakit kahit highschool palang ako may kotse na ako. Ganon talaga pag gwapo :P
Papunta ako ngayon sa bahay nila Cael. Lam nyo na, weekend ngayon kaya tatambay ako sa kanila.
Tsk. Hanggang ngayon di ko parin tanggap na may kashare kami ng music room. Baka kasi isabotage ako ng mga babae nayun, lam nyo na.. ang gwapo ko kasi. Oo ka nalang ha?
Ay. Andito na pala ako. Bumaba na ako ng kotse ko at pinark yun sa gilid. Kasi alangan namang ipark ko sa gitna diba? Agad din akong nag doorbell.
*ding dong* nagdoorbell ulit ako kasi wala pa ring nagbubukas. Ang tagal naman. Baka habulin pa ako dito ng mga fans ko eh. Lam nyo ang gwapo ko kasi, tapos hot pa, tapos gwapo ulit. Hayyy .. ang gwapo ko talaga *wink*
"Teka lang!" Sigaw ng babae.
Agad na nagbukas yung gate at iniluwa non yung kapatid ni Cael.
"Bakit ka nanaman nandito? Tsk. Nagdududa na talaga ako kung lalaki ka talaga eh. Palagi mong binibisita si kuya." What the hell? Sa gwapo kong to? Bakla ako? Tsk.
"Wala man lang pag 'hi' trixie? grabe. Medyo nasaktan ako don ah." Sabi ko sa kanya with matching kunwaring punas ng luha pa.
"Tsk. Pumasok ka na ngang bading ka. Ang drama mo!"
Bakit kaya ang init ng dugo sakin nento? Iba na talaga pag gwapo. Hahaha
Pagpasok ko sa loob nakita ko agad si Cael. Wahahaha ayos! Tamang tama yung dating ko. May pagkain na sila. Hay. Gwapo ko talaga.
"Oy! Zup dude?" Bati sakin ni Cael. Nakita ko naman yung pag irap sakin ni Trixie. Ano bang problema ng batang to? Tsk.
"Eto. Gwapo pa rin, kainis nga eh ahahaha"
"Okay. Sabi mo eh." Sabat nanaman ng Trixie na yun
"Ano bang problema mo trixie? Gwapong gwapo ka na sakin no? *wink*"
"Kuya oh! Si dave nagsisinungaling. Gwapo daw? Yuck!"
Aba! Walang galang to ah! Bukod sa di nya akong tinawag na kuya, sinabihan pa akong sinungaling! Aba matinde.
"Trixie tama na. Umakyat ka na sa kwarto mo. Doon ka nalang muna. Baka mamaya dito pa kayo mag away eh."
Inirapan ulit ako ni Trixie.
Ewan ko ba dyan, Mabait naman yun sa school eh. President pa nga ng SC yan. Mabait din yan kila Migee at Michael. Bakit sakin highblood yan? Tss. Lam na guys. May kras sakin yan. Hohoho
KYLENE'S NOTE:
Sorry kung matagal mag update. Ganda ko kasi eh. Hoho. Joke lang XD
Wala na kasing wifi sa bahay -.- kaya hintay hintay lang mga banana ko hohoho.
Love you all xx