MICHAEL'S POV
"Maupo kayo dyan" sabi samin ni Dad nung nakapasok kami sa office. Guidance office ata to
"Tito? Bakit nyo po ba kami sinama dito?" Tanong ni Cael kay Dad.
"Basta.. hintay-- oh. Andito na pala sila eh"
May pumasok na tatlong babae at isang.... lalaki? Tsk. Hayaan na nga sil-- teka? Ito yung banda na nanalo ah?
"Good Morning po Mr. Taylor" sabay sabay na bati nila. Scripted? Tsk
"Good morning din students. Maupo kayo" umupo naman sila sa upuan na kaharap namin. "May ididiscuss lang naman ako sa inyo. About sa scholarship nyo."
Habang nagsasalita si Dad kanina ko pa napapansin na parang napupuwing itong si Dave.
"Psst! Dave!" Bulong ko sa kanya "daaave!"
"Ano?!"
"May sira na ba mata mo?! Kanina ka pa kumikindat ah!"
"Tsk. Walang diperensya mata ko! Kinikindatan ko lang yun oh! *turo sa katapat nyang babae*"
"Ano ka ba?! Wag mo ngang ituro! Baka makita ka!"
"Pake mo ba?! Tsk!"
"Wag mo kong masagot sagot dyan Dave hah! Gusto mong dukutin ko yang isang mata mo ng matuluyan yang pag wink mo?!"
"Punyeta ka Michae----"
"Ehem ehem" pagkuha ng atensyon ni Dad samin.
"Sorry Dad/Tito" sabay naming sabi kay dad.
"Manahimik na kayo ha! Nangbabato ako ng building! Napakaiingay nyo"
"Opo" sabay ulit naming sabi ni Dave. Tss
"Okay... again, Dratz band.. next school year ay papasok na kayo sa STS bilang mga 4th year highschool. One week before the class kelangan pumunta kayo sa STS para makuha ang uniforms at ID's nyo."
Tango lang ng tango yung band na iyon bilang response kay dad.
"And ang pinaka mahalagang announcement...."
"Ano yon tito?!"
"Ay! Patapusin mo muna ako Cael. Wag kang atat"
"Ay. Sorry tito. Sige po. Go on"
"Wala ng sasabat ah!" Lahat kami nag nod nalang "Ang announcement na ito ay para sa inyong dalawang band"
"Ano p--"
"Dave! Sabi ko walang sisinget diba!?"
Nag nod nalang ulit si Dave
"Ang announcement na ito ay para sa inyo. Magsheshare kayo ng music room muna hanggat hindi pa nagagawa ang music room ng Dratz band."
"WHAAAT?!" Sigaw namin ng mga bandmates ko.
"Tito naman, we cant share our room. Para na po naming tambayan yon!" Sabi ni dave
"Tito! No! Nandun yung mga penguins namin!" Sabi ni Migee
"Dad No!" Sigaw ko din kay dad.
Lahat kami tumingin kay Cael, di kasi nakibo eh.
"What?!" Inosenteng tanong nya samin.
"Hindi ka ba nakikinig?! Magsheshare daw tayo ng room!"
"Huh? Edi isha-- WHAAAAT?! NO WAY TITO! DI AKO PAPAYAG!"
"Grabe naman kayo samin! Wala kaming virus no!" Sigaw samin ng Lalaki?
"Oo nga! Wala kaming mga sakit! " sagot naman nung babaeng madaming kaekekan sa buhok.
"Enough! I made my decision! Dahil sa nga pinag gagagawa nyo, magsheshare kayo in 6 months!" Sigaw ni dad samin na lalo naming ikinainis.
"Ano dad?! 6 months? Half a year? Half school year?!"
"Wala na kayong magagawa. That's final!"
At dahil nga wala na kaming magagawa hindi na kami kumibo. Baka mamaya maging forever pa yun eh -_-
"Dratz Band, may mga katanungan pa ba kayo about sa school or kahit saan man?"
"Wala na po Mr Taylor." Sagot nung lalaki?
"Good. We need to go na. May pasok pa kayo. At kayo rin *turo sa amin*"
"Sige po. Thank you po Mr. Taylor" sabi nung babaeng maikli yung buhok.
Lumabas na kami ng office. Papunta na kami sa Van.
"Tito!? Seryoso po ba kayo don?!"
"Mukha ba akong nagbibiro Dave?"
"Tito kasi..."
"No more but's. I already made my decision. And besides band din naman sila. Pwede kayong mag jamming"
"Dad. Its not like that. Seriously? Sharing our room with some strangers?? Dad. We didnt know each other. So how come na magkakasundo kami?!"
"Iyon lang ba anak? Madali lang yan. This summer ipapatapon ko kayong lahat sa resort nila Cael!"
"ANO?" sigaw naming lahat.
"Tito?! This is too much!"
"Para sa inyo din yan Migee."
Tss. Tengene! Bakit ganto pa? Bakit ba kasi gustong gusto ni dad yang band na yan?! Kainis!
Makakasama na nga namin sila whole summer vacation, makakasama pa namin sila ng 6 months sa music room? Arggh! Kainis!
KYLENE'S NOTE:
HI! wala lang XD napadaan lang po haha.
Please vote and comment ♥♡ت
Thank you.
Kylene xxx