Chapter 14 ♬♪♩

25 0 0
                                    

M O N D A Y ♡

At dahil nga monday ngayon maaga akong pumasok dahil may Flag ceremony pa kami. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng gate ay agad na may nagtakip ng mata ko..

"Epyu! Sino ka ba! Let me goooo!" At dahil humagikgik sya ay agad ko syang nakilala.

"Pisti! Gerald! Ano nanaman bang kalokohan to?!" Tinanggal nya na yung pagkakatakip ng kamay nya sa mata ko.

"Hi Bakla. Kamusta?" sa mga ngiti nya pa lang ay alam ko nang nay kinalaman sya sa nangyari kaninang madaling araw.

"Hoy ikaw Gerald!" Hinatak ko sya sa may pinakamalapit na bench para doon kami mag usap. "Anong ginawa mo? Ha?! Bakit parang may kinalaman ka sa pag amin sakin ni Ed?!"

Nagulat ako ng nag smirk si bakla.

"Haha. You will thank me Ky. Para sayo din tong ginawa ko. Anong gusto mo? Tumanda kang dalaga dyan?!" Ayy! Gravity hah. Tumandang dalaga agad? Takte! Wala sa 2015 planner ko ang tumandang dalaga :3

"So anong nangyare kagabi?! Chika mo na girl! Hinintay pa nga kita sa gate katabi ni manong guard eh. Halos machicka nya na yung Love story nila ng asawa nya. Napakakupad mo kasing kumilos" ayan na naman sila sa paninisi sakin dahil sa kakupadan kong kumilos -__-

Inirapan ko lang sya at ikinwento ko na nga yung LAHAT ng nangyare. Halos mangisay ngisay sya sa kakiligan habang kinekwento ko sa kanya.

"KYYAAAAAHH. Grabe. Di ko keri ang mga happeningsssss! Nekekeleg eke! Kill me now!" Binatukan ko sya dahil napalakas nanaman yung bunganga nya.

"Sira ka na bakla! Tara na. Mukhang nakapila na yung iba nating classmate oh!" at dahil nangingisay sya ay wala akong choice kundi kaladkarin sya.

"Oh Kylene? Anyare dyan kay Gerald? Bakit wagas kung makangiti? Ang creepy na ha.." -Diane

"Ewan ko ba dito. Baka nakakain nanaman ng hotdog. Lam nyo naman favorite nya yon diba?" At humagikgik nga kami sa tawa habang tiningnan lang kami ng masama ni Gerald.

"Ay oo nga no? Lalo na pag may mayonaise yung hotdog! Takte! Sarap na sarap sya don. Hahaha" Nakisawsaw narin si ate Joice sa pang aalipusta kay Gerald.

"HA-HA-HA! Tigilan nyo ko mga HR!" Halaa.napikon na ata hahaha.

"Oy! Hindi lang kami ang HR! Kasama ka din bakla! Wag kang magmalinis dahil isa ka ring marungis! Hahahaha" okay? Harsh na si Diane haha. Sure akong world war 3 nanaman.

Mabuti nalang at nasita sila ng isang teacher kaya tumigil ang dalawa sa pag aaway. Haissttt. Asan kaya si Ed? Ay! Di ko sya namiss hah! After nya kasing umalis ng kwarto ko di sya nagtext kung nakauwi na ba sya. Nakokonsensya lang ako no! Baka mamaya sa sobrang kaboplogan pala nun nauntog sya sa poste tapos gumulong sa kalsada tapos nasagasaan sya ng truck.. basta! Cargo de konsensya ko pa kung inabot ng kabopologan yang si Ed!

Natapos na yung flag ceremony ng di ko namamalayan. Kaya naman katakot takot na tulak ang inabot ko kila Diane nung mag pass na. Tulala daw kasi ako -_-

Nakapasok na kami ng classroom pero hanggang ngayon di ko pa nakikita si Ed. Di naman kasi kami magclassmate kaya di ko talaga sya makikita. Nakooo! Deads ako nito pag may nangyaring masama don! T.T

EDRIAN'S POV

Sheeeeet! Ta3na! Late na akooooo! Sigurado akong mag aalala sakin si Kylene nito ♡.♡ Lol.

Kainis! Bakit ba kasi madaling araw ko pang naisip magconfess kay Kylene? Pwede namang afterclass. Tsk! Mapapatay ko talaga yung baklang Gerald na yon! Tinakot nya lang naman ako kasi baka daw mag kagusto si Kylene sa isang member ng DB! Tsk. Puputulan ko talaga ng dila yang bakla na yan.

More than just a bandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon