NP 05

117 29 50
                                    

"Thanks for the treat, Salvador. Kaya ko naman kasing bayaran yung bill ko," walang katapusang pasasalamat ko sa kaniya nang matapos ang aming pag-aalmusal at napagdesisyunang tumambay sa pool area.

"Just say it na ayaw mo lang ibigay ang number mo. I can delete it if you're uncomfortable."

Kasalukuyan kaming naglalakad. Medyo malayo ang agwat namin but it's enough to not be awkward. Doon ko lang din napansin na maporma pala talaga siya.

Kung kanina ay parang nasa bahay lang siya, ngayon naman habang naglalakad ay mistula siyang modelong kinukuhaan ng shots bawat galaw na kaniyang gagawin.

When he asked my number earlier, at first, I thought of not giving it but in the end I surrendered it at him, wholeheartedly.

He smiled actually to the fact that my world blacken and only thing that I could see aside from black was the light coming from his smile. I can't deny, he's more handsome while smiling. I forced myself to ignore this feeling, but I can't help it.

"Earth to Muse, please. Hey!" he said while waving his hands infront of me to bring myself back to reality.

"A-Ano 'yon? I'm really sorry. Hindi ko sinasadyang maging lutang," naiilang na ani ko bago siya tingnan.

Ngunit imbis na pagpapatawad ang kaniyang ginawa, tawa ang kaniyang isinukli sa akin. Ako ba ang happy pill ng lalaking ito?

Sa isip ko'y sinasakal ko na siya dahil pati ba naman sa pagtawa ay nagiging gwapo pa rin siya.

Lumiko muna kami patungong kaliwa at bumungad sa amin ang mala-boracay na tubig ng pool nila. Mayroon ding mga batang naglalaro rito, isama mo na ang kanilang mga magulang na masayang pinapanood sila.

Mayroon ding malalaking canopies palibot nito na nagsisilbing proteksyon ng iba sa haring araw bukod sa sunblock na kanilang gamit.

It's relaxing.

I took a deep breath, mesmerizing the zone in here. Now, this is what I call, vacation.

"Masyado ba akong gwapo upang pagpantasyahan mo?" tanong niya bigla na akin nalang ikinagulat.

I took a step back and scoffed, because of him being unbelievable. Nakita ko kung paano nag-isa ang kaniyang mga kilay at pikon akong tinapunan ng tingin.

"Sa TV ka lang kaya gwapo," pagsisinungaling ko sa kaniya at umupo na sa isang hammock gawa sa abaca. Sumunod naman ang loko ngunit ang mukha niya ay kusot pa rin. Nang makaupo ako, umupo naman siya sa mismong gilid ng pool at hinarap ako.

"I'm pure handsome with or without an effort, Muse," he huskily said and avoided my gaze.

What the...

Ito ba 'yong secondhand embarrassment? Sa tingin ko kasi, ako ang nahihiya para sa kaniya.

Niyakap niya gamit ang kaliwang kamay ang kaniyang tuhod habang ang kabila naman ay nakatukod sa likuran. Agad akong napatakip ng bibig dahil mukha siyang baklang ni-reject ng isang gwapo sa tabi-tabi.

"Mukha kang bakla sa pwesto mo. At saka, masyado kang mahangin. Bawas pogi points 'yon!"

Nang hindi siya umimik, agad akong natigilan. May mali ba sa sinabi ko?

Kaya, agad akong bumaba sa hammock at umupo sa tabi niya at tiningnan din ang kaniyang tinititigan.

"Hey. What's with the sudden climate change?" tanong ko pero inilingan niya lang ako.

"Aish, no no. I am not. It's just that, something popped up in my head. I didn't even know why," he answered and fixed his position.

"What is it? Did I hurt your feelings?"

Nagmamahal, Paraluman (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon