PART I

1.4K 45 19
                                    

PART I

MARCO

Ang daming tumaktabkbo sa isip ng isang nine-teen (19) years old na gaya ko pero mas iniisip ko kung paano ang senior high school life ko ngayon gayoong hindi na kami magkaibigan ni August. Alam kong walang mali sa ginawa ko. Pinrotektahan ko lang ang sarili ko kahit alam ko naman na gusting-gusto ko siya noon pang Grade 11 kami.

"Anak, may problema ba?" Tanong sa akin ni papa na hindi ko balak sagutin dahil wala ako sa mood makipag-usap sa kanya pero dahil anak niya ako ay kailangan kong magsalita.
"Wala po, pa," sagot ko bago ako dumiresto sa kwarto ko para magbihis.

Kinagabihan..
"Maghiwalay na tayo!" Malakas ang boses na iyon ni mama at sapat lang para marinig ko iyon kahit nan aka-earphones ako.

"Ayan ka na naman, Lucy. Lahat ng problema nating mag-asawa, sa hiwalayan mo agad idinederekta," mahinahon na sagot ni papa kay mama na hayuk na hayok makipaghiwalay kasi alam ko naman kung bakit. Nabuntis lang siya ni papa noong Collega days nila at pinilit lang daw niyang pakasalan si papa kasi buntis na siya. Kahihiyan daw kung hindi siya magpakasal. What an excuse.

"Matagal na naman dapat talaga tayong naghiwalay. Kung bakit ba kasi kita pinakasalan. Nasira ang buhay ko dahil sa'yo!" Matatalim ang mga salitang iyon ni mama at medyo nabibingi na ako sa mga sinasabi niya kaya lumabas ako ng kwarto at pumunta ako sa salas kung saan nakayakap si papa mula sa likuran ni mama na pilit inaalis ang mga kamay ni papa sa kanyang katawan.

"Anak!" tawag ni mama pero hindi ko siya pinansin.

"Maghiwalay na kayo," sabi ko na ikinakulat nila.

"Alam ko naman na walang nagmamahal sa akin sa bahay na'to. Binuhay niyo lang ako kasi no choice kayo. Kung ayaw niyo po akong anak, ayoko rin ho kayong mga magulang. Sana hindi ko na lang kayo naging nanay at ta---. Hindi ko na natapos ang mga gusto kong sabihin dahil lumapat na ang kamay ni papa sa akin. Mas mahal ni papa si mama kaysa sa akin habang mas mahal naman ni mama ang sarili niya kaysa sa pamilyang binuo nila noon.

Habang hawak ang pisngi ko ay dumiretso palabas ng aming bahay at hindi ako nagpapigil.

Nakaupo lang ako sa pampang ng lawa at maigi kong pinapakalma ang aking sarili. Ayokong umiyak pero traydor ang mga likido sa aking katawan dahil kusa na lamang silang pumapatak.

Sana nandito ka, August. Sana hanapin mo rin ako.

Kinabukasan ay kay na lolo at lola na nanay at tatay ni mama ako tumuloy dala ang maleta ko. Sinabi ko rin lahat sa kanila na lahat ng mga sinasabi ni mama pati ang pasa sa pisngi ko at niyakap nila ako parehas. Ako ang unang apo kaya spoiled ako sa mga lolo at lola ko. Ganoon din sa mga tita ko kaya katakot-takot na sermon ang iginawad nila sa mga magulang ko na takot na takot na siguro ngayon.

"Alam mo, Marco, hindi ko maunawaan ang mga magulang mo. Lalo na ang mama mo," ani lola.

"Siya itong nagpumilit na magpakasal agad sa papa mo noong third year college sila tapos sasabihin niyang gusto na niyang makipaghiwalay. Kalokohan!" Inis na sabi ni lola.

"La, huwag na po nating pag-usapan. Gutom na po ako uli," sabi ko kaya naman nagmadali si lola na magprito ng turon at si lolo naman ay nagpunta na sa business nila na hardware. Medyo may kaya ang side ni mama at ganoon din sa side papa pero hindi iyon halata dahil napaka-low key nila.

Mabilis nagdaan ang araw at naisipan kong basahin ang mga chat ni August sa akin at ng iba ko pang mga kakilala. Seen lang lahat dahil ayoko munang mag-chat.

From: August
Marco, sorry na. Uy!
Galit ka pa?
Sorry, wuy!

Iyon ang mga mensahe niya sa akin pero mas ginusto ko na lamang na matulog kaysa mag-reply.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ayoko pa ring kausapin ang mga magulang ko. Tsaka na siguro. Balik eskwela na rin akong muli kaya naman ipinakita ko ang maganda kong ngiti sa lahat.

"Marco!" Tawag sa akin ni Judelyn na kasama si Rolly na kapwa ko matalik na kaibigan.

"Problema niyo?" Natatawa kong sagot sa patanong na pamamaraan.

"Problema namin 'yang katamaran mong mag-reply na hayop ka!" Sabi ni Judelyn at tumawa na lang kami ni Rolly kasi ganoon kami parehas. Ni hindi nga naka-save ang number namin sa isa't-isa eh.

"Bakit pala hindi mo yata kasama si August?" Tanong naman ni Rolly. Magkakaiba kasi kami ng strand na kinuha kaya nasanay na silang kasama ko lagi si August.

"Busy," iyon na lang ang naging sagot ko.

"Halata nga oh," sabi naman ni Judelyn na nakanguso sa papasok sa gate ng school na si August kasama 'yong kaklase naming babae na may crush sa kanya.

"Sila na ata," sabi ko na lang kahit ang totoo ay nasasaktan ako.

"Sana all!" sabi naman ni Jude at nagsawalang kibo na lamang kami ni Rolly.

Ang hirap din pala na walang nakakaalam na bisexual ako. Walang nakakaalam na nasasaktan ako at walang nakakaalam kung ano ba talagang iniisip ko.

Alam kong hindi ako pangit at alam ko ring may ibubuga ang talino ko pero ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit nagkagusto ako kay August na magandang muka lang naman ang mayroon. Tamad. Mahina sa klase. Ang dami pang negatibong bagay tungkol sa kanya kaya ang tanga rin minsan ng tipo nating mga tao.

Sa klase at tahimik lang ako kahit medyo maingay ang paligid. Mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagbabasa ng libro pero masakit sa mata si August at ang 'jowa' nitong bagay na bagay sa kanya. Parehas kasi silang may hitsura.

"Marco, paano mo nga ito sinolve?" Tanong sa akin ni Alvin na kaklase ko. Tiningnan ko lang saglit ang problem na nahihirapan siyang sagutan at nagsimula na akong magturo.

"Bale, kukunin mo muna 'yong value ng a, b, at which is one, four at three, tapos substitute mo lang din tapos follow mo lang 'yong rule," sabi ko at napayakap siya bigla sa leeg ko.

"'Da best ka talaga, Marco!" Aniya na sayang-saya sa maliit na bagay na itinulong ko. Si Alvin kasi 'yong tipo ng tao na madaling maka-appreciate. Sana lahat ng tao ay gaya niya.

"Dami mong alam!" Sabi ko at tinapik ko siya sa braso kasi nasasakal na ako.

Habang nasa ganoong posisyon kami nang biglang mapasandal si Alvin sa akin.

"Bro, ingat naman sa paglalakad. Laki ng daan eh," pagpuna ni Alvin kay August na mukang badtrip.

"Pasensya na," iyon lang ang sinabi niya bago siya tumingin sa akin na parang nalulungkot.

Baka assuming lang ako kaya bumalik na lang ako sa pakikipag-usap kay Alvin pero this time ay binunggo na kami ni August gamit ang katawan niya. Umay.

"Problema mo, August?" Tanong ko.

"Tinulak kasi ako ni Eron," aniya at napakamot pa siya sa ulo.

"Okay," ayon lang ang sagot namin ni Alvin at nagtawanan lang kami na parang walang nangyari. Kaibigan kasi namin si Eron kaya nang tumawa ito ay tumawa na lang kami pero bothered ako sa ikinikilos ni August. Papansin.

"Pero Marco, trip ka ata ni August. Pansin ko lang. Banatan ko na ba 'yan sa labas mamaya? Sabihin mo lang," sabi pa ni Alvin.

"Loko. Ga-graduate na tayo. Tsaka na," bulong ko at tumingin ako sa posisyon ni August tsaka tumawa.


Itutuloy...

FINDING AUGUST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon