PART XXXIV

282 26 12
                                    


PART XXXIV

MARCO

"Guys, may representative na ba ang batch natin for the upcoming Mister and Miss Engineering?" Tanong ng isa sa mga ka-block section ko kaya agad silang napatingin sa akin at kay August.

"I nominate August!" Sabi ng isang babae kong katabi na si Jaira. Siya lang talaga 'yong natandaan kong pangalan sa mga ka-block section ko.

"Hmm, August," sabi ko. "Gusto mo ba?" Tanong ko.

"Okay lang sa'kin pero wala akong pera para sa mga susuotin," sabi ni August.

"Don't worry, kami ang bahala sa'yo!" Sabi ni Jaira at sumang-ayon namin kaming labing apat sa block section namin.

"Kailan pala 'yon?" Tanong ni August.

"Three weeks from now," sagot uli ni Jaira.

"You still have your time, August. Besides, malaki ang chance mong manalo. Plus, supportive pa ng baby mo," sabi ni Jaira na talagang napaka-open minded. Buti na lang talaga at open minded ang karamihan sa unibersidad na ito kaya hindi kami nahirapang mag-adjust ni August. Hindi naman kami showy sa public pero hindi rin naman namin itinatanggi kapag may nagtatanong kung kami.

"Ayiiieee!" Pang-aasar nila sa amin at pinamulahan ako ng muka.


"Sige, sasali ako para kay Marco," sabi ni August kaya lalo pa kaming inasar ng mga loko.


Dahil sa nasabing patimpalak ay naging busy si August sa pagpa-practice ng kaniyang lakad kasama ang ilan pa naming mga kadepartamento na mula sa upper year at iba't-ibang majors.

Madaling naipasa ni August ang screening dahil pasok na pasok siya sa standard na hinihingi lalo na sa height na may 5'8 lang na requirements.

Si Audrey ang kaparehas ni August dahil wala naman ng ibang choice. Maayos na rin naman sila at kada manonood ako sa practice nila ay sa akin agad lumalapit si August.

"Pagod ka?" Tanong ko habang buhat-buhat ko ang kaniyang tumbler at meriendang sandwich.

"Medyo. Pero nandoon ka kaya okay na ako," sabi niya sabay akbay sa akin.

"Akin na nga 'yang tumbler tapos kainin mo 'yang Sandwich," sabi ni August at hindi na ako tumutol.

"Bukas, wala kang practice, puntahan na natin 'yong modeling agency na nag-offer sa'yo," sabi ko dahil Sabado naman bukas.

"Sige," sabi niya at dumiretso na kami sa dorm kung saan namin nakita si Alvin at Jeric na nagsa-soccer sa harap ng dormitory. Ang lawal ng field dito pa nag-soccer ang dalawa.

"Kamusta, lovebirds?" Tanong ni Alvin.

"Kakatapos lang ng practice nina August," sagot ko.

"Hmm, mabuti. Galingan mo, August. Nagpustahan na kami ni Jeric kung mananalo ka o hindi. Sa'yo ang pusta ko!" Sagot ni Alvin at tumawa naman si Jeric.

"Ang ingay mong kupal ka!" Sabi naman ni Jeric at dahil sa wala pa naman akong gagawin ay nakisali ako sa pagsipa-sipa nila sa bola habang pinapanood kami ni August.

"Aray!" Sabi ko nang mapamali ako ng sipa. Agad akong dinaluhan ni August at chineck agad niya ang paa ko.

"Okay lang ako," sabi ko.

"Bakit kasi naisipan mo pang mag-soccer eh hindi ka naman marunong?" Sabi nito habang minamasahe ang paa kong nasaktan. Actually, masakit talaga ang kanang paa ko kasi napamali ako ng tapak pagsipa ko.

"A-aray!" Sabi ko kaya iniupo niya ako sa gilid ng kalsada at dinaluhan din kami ni Alvin at Jeric.

"Tara na sa loob, guys. Pagabi na rin," sabi ko.

"Okay lang ako," sabi ko pa uli pero hindi nakinig si August at binuhat na niya ako na parang isang babae. August naman!

"Ayiiee!" Sabi ni Alvin at Jeric. Parang mga sira.

"Pritong manok tayo ngayon, guys," suhestiyon ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng dorm.

"Sige. May manok sa ref niyo. Si Jeric magpi-prito,"sabi ni Alvin at talagang alam niyang may stock na manok sa freezer namin.

"Ikaw bahala," sabi ko.

"Bakit ako magpiprito? Ikaw na. Tinatamad ako!" Sagot ni Jeric kay Alvin. Nagbangayan na naman ang dalawa.

"Sige. Huwag kang kakain, ha?" Sabi ni Alvin at kumamot naman sa ulo si Jeric.

"Sige pero bukas ng after ng CTWS ikaw naman!" Sabi ni Jeric.

"Ge," sagot ni Alvin at tumawa naman kaming dalawa dahil uuwi si Alvin bukas after ng program nila sa CWTS.



Nang matapos magluto si Jeric ay naghain na kami ay inilabas ko ang side dish na ginataang gulay sa ref at ininit ko iyon saglit at nagsimula na kaming kumain.

"Si Miro, pinopormahan pa rin si Alvin," pang-asar ni Jeric.

"Umay sa'yo, Jeric!" Sabi ni Alvin.

Nagpatuloy ang asaran ng dalawa at nakisali na rin ako.

"Si Alvin, natae 'yan dati sa shorts kasi ako 'yong nasa banyo. Tinagalan ko talaga," sabi ko at maging si August ay tumawa.

"Bata pa tayo no'n, loko!" Sagot ni Alvin.

"Eh paano 'yong high school tayo? Ba't ka nadulas noong recognition day?" Tanong ko kasi epic talaga.

"Most punctual na lang nga 'yon, nadulas pa'ko," sabi pa ni Alvin kaya lalo kaming tumawa.

"Kaysa naman kay August na titanong teacher nati kung ilang tao na, amen ang sagot!" Banat pa ni Alvin kaya lahat kami ay natawa kaya nasamid ako bigla at nang makainom ako ng tubig ay diretso tawa uli kami.





KINABUKASAN ay maaga kaming pumunta sa orphanage sa Bayan na napili naming proyekto sa CWTS. Kada Sabado ay nandito kami para tumulong sa mga bata at nagbibigay kami ng activities at nagtuturo rin kami ng ilang lessons para ma-enhance ang kanilang kaalaman.

"Sige, August, assist mo si Sister Marisa ro'n sa isang batang umiiyak," sabi ni Jaira at iyon naman ang ginawa ni August.

"Ah Marco, distribute mo 'yong mga snacks para sa mga bata. Prepare ko lang itong mga coloring materials," sabi naman ni Jaira at sumod naman ako.

Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa isang vacant room na naroon ay nakita ko ang compiled na photo album at dala ng curiosity ay binuklat ko iyon. Magabok ang naturang albums kaya pinagpag ko iyon at napako ang mga mata ko sa album na may label na 2003.

Normal na album lamang naman ito pero may mga labeled ang bawat picture ng mga pangalan ng bata at sa huling pahina ay nakita ko ang pangalan ni August at ang larawang kamuka niya kaya kinunan ko iyon ng larawan. "August San Mateo". Iyon ang basa ko. Baka naman nagkamali lang ako.

"Oh Marco, hinahanap ka na ng mga bata roon," sabi ni Sister Grace.

"Sister, kilala niyo po ba ang batang 'to?" Tanong ko kay Sister at tumango naman siya.

"Dalawang taon pa lang nandito na 'yan si August sa orphanage. Iniwan 'yan ng nanay niya rito kasi hindi na raw kayang buhangin. Mabibo at mabait na bata iyan si August kaya madaling nakatuwaan noon ng umampon sa kanya na Principal. Pero alam mo, masaya ako na nakita kong muli ang batang iyan. Nandito siya ngayon at binatang-binata na. Ayoko ko sanang sabihin sa iyo kaya secret lang natin, ha?" Sabi ni Sister Grace at nakita ko si August na papalapit sa amin.

"Siya 'yon, anak," sabi ni Sister kaya natahimik ako.

Hindi ko alam kung ano na ang susunod. Nanghimasok na ata ako ng sobra.

August, sorry for finding you and your past.

Itutuloy...

FINDING AUGUST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon