PART XXVII

320 24 17
                                    



PART XXVII

MARCO

"Bitawan mo'ko sabi, August!" Singhal ko kasi hawak pa siya ng hawak gayong naiinis ako ng sobra sa kanya.

"Pre, bitawan mo na si Marco," sabi ni Alvin na nakatingin kay August.

Hindi na umimik at nangulit pa si August at narinig kong nagsalita si Jeric.

"Mainit ulo sa'yo. Nagkayanyan lang 'yan noong sinundan ka sa banyo," ani Jeric kaya napuno na'ko.

"Masarap bang magpahalik kay Audrey?" Tanong ko bigla kay August na naestatwa sa sinabi ko.

"Magpapaliwanag ako, Marco," ani August at naiinis ako kasi ang gwapo pa rin niya kahit alam kong lasing ako.

"Sa kwarto niyo na kayo mag-usap, August-Marco," puna ni Jeric na inaalalayan si Alvin. Nagsuka na kasi ito sa may damuhang bahagi ng labas ng dorm namin.


Bago pa ako maka-react ay binuhat na ako ni August papasok sa kwarto namin at iniuo niya ako sa kama.

"Marco, mali ang iniisip mo. Hindi ako nakilaghalikan kay Audrey. Siya ang humalik sa akin nang lalabas na ako sa banyo. Mabilis ang pangyayari," pagpapaliwanag niya.

"Doon ka sa Barangay magpaliwanag!" Sigaw ko.

"Huwag kang sumigaw, Marco, nagpapaliwanag lang ako para maliwanagan ka. Hindi kita niloloko at wala akong balak gawin iyon sa'yo," aniya.

"Sige," sabi ko pero yumakap siya bigla sa akin. Ang higpit no'n at sa nasa tiyan ko pa ang kaniyang mukha.

"Huwag mong idikit sa akin ang muka mo! Nahalikan ka ni Audrey! Magsipilyo ka!" Sabi ko at inilayo ko ang sarili ko sa kanya kaya sinunod niya ako. Nagsipilyo siya at naghilamos at lumapit siya sa akin muli.

"Galit ka pa ba?" Tanong niya at umiling ako bago ko siya hilahin palapit sa akin at ako mismo ang humalik sa kanya ng malalim, marahas at may pang-aangkin.

"Sinong mas masarap sa'ming humalik, August!" Sabi ko nang humiwalay ako sa paghalik sa kanya.

"Ikaw, syempre," sabi niya kaya hinalikan ko pa siya ng hinalikan hanggang sa humiga ako sa kama.

"Ikaw na bahala sa'kin, August. Magpaliwanag ka sa'kin bukas," sabi ko bago ako tamaan ng antok.




Medyo ang ulo ko nang magising ako. Wala rin akong suot na pang-ibaba at puro chikinini ang dibdib ko at sa tabi ko ay nakahiga si August na kita ang ari kasi hubo't-hubad siya.

May nangyari ba sa amin kagabi? Hindi ko na matandaan.

Agad akong naglinis ng katawan at nagsipilyo na rin ako kaya medyo umayos ang pakiramdam ko. Uhaw na uhaw din ako kaya naubos ko ang lamang ng isang litrong tumbler. Hubo at hubad pa rin ako at tumabi ako kay August.

Naalala ko kagabi kung paano ko siya awayin at dahil iyon sa nakita ko. Muka namang si Audrey talaga ang humalik kaya papalampasin ko iyon. Lasing lang talaga ako kagabi kaya naman nasaktan ko siya kagabi.

FINDING AUGUST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon