PART XI

372 26 15
                                    

Part XI

MARCO

Masakit ang ulo ko nang magising ako. Katabi ko pa rin si Jeric at alam kong may nangyari sa amin kagabi kaya pinulot ko ang mga damit ko at bubuksan ko na sana ang pinto nang yakapin ako ni Jeric.

"Aalis ka na?" Tanong niya.

"Oo," sabi ko at kitang-kita ko ang kahubaran niya.
Wala pa rin siyang suot na damit.

"Nahihiya ka ba?" Natatawa niyang tanong.

"Hindi ba kagabi, sarap na sarap ka sa katawan ko?" Pang-asar niyang tanong.

Ramdam ko ang pagtama ng ari niya sa puwitan ko at alam kong tinitigasan siya.

"Magbihis ka nga!" Inis kong sagot.

"Pa-kiss muna," sabi niya at pagkaharap ko ay hinalikan niya ako sa labi.

"Pakamo!" Sabi ko.

"Nakakatuwa ka talaga. Huwag mong isipin na hindi ko ginusto ang nangyari sa atin kagabi. It was great," sabi niya at nag-init lalo ang mukha ko.

"Jeric," tawag ko sa pangalan niya at ngayon ay nqgsusuot na siya ng boxer shorts at sando.

"Wala na sanang makaalam ng nangayari sa'tin kagabi. Lasing na lasing lang tayo," sabi ko.

"Kalokohan! Alam kong gusto mo na may nangyari sa atin at gusto kong maging tayo! Papanagutan kita!" Aniya na ikinagulat ko.

"Pero.." sabi ko at hindi na ako nakaimik nang isandal niya ako sa pinto.

"Huwag ka ng magmatigas," aniya.

"Walang makakaalam ng nangyari sa atin pero sana sa susunod, hindi na tayo lasing," aniya at umupo siya sa kama at parang nalungkot siya.

Bakit ko ba hinayaang mangyari ang lahat ng ito? Napakahina ko!

Mayamaya ay binuksan ko na ang pinto at dumiretso na ako sa dorm at nasa pinto pa lamang ako at kitang-kita ko na si August na naabang sa pintuan at nakaupo siya sa kama ko.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya.

"Nag-inom ka ba?" Tanong pa uli niya.

"Saan ka galing?" Sunud-sunod ang naging tanong niya kaya kinabahan na ako.

"Napainom lang ako kasama ng mga ilang kakilala," sabi ko.

"Alas kwatro na, Marco! Kagabi pa kita hinihintay!" Aniya at tumayo siya.

"Bakit putok ang labi mo? May nanakit ba sa'yo? Sabihin mo sa'kin, Marco," sabi pa niya at hindi ko alam kung bakit ako nagi-guilty gayo'ng siya itong unang nawala.

"Nag-inom lang talaga ako at kaya ko naman ang sarili ko. Ikaw ang unang umalis, August. Inawan mo ako ro'n sa party na mag-isa. Hindi mo man lang ako binalikan o hinanap kaya bitawan mo nga ako! Maglilinis na ako ng katawan!" Sabi ko at inalis ko ang mga kamay niya na nakahawak sa dalawa kong braso.

Galit ako sa kanya pero mas galit ako sa sarili ko. Wala na akong mukang maihaharap pa sa kanya.

Mabilis akong nag-shower at walang pagsisisi sa utak ko pero hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil nag-aalala si August sa'kin. Nalilito na ako sa mga kinikilos niya nitong mga nakaraang linggo.

Nalilito ako. Hindi naman kami.

Nang matapos ako ay lumabas ako nang nakasandlo ay pajama at nagpatuyo lang ako ng aking buhok bago ako nahiga. Nakatitig lang sa akin si August at masama ang tingin niyang iyon.

"Sinong may gawa nito?" Turo niya sa markang nasa gawing collar bone ko at ibanaba pa niya ang damit ko kaya nakita niya ang mga marka na nasa dibdib ko.

"Sino'ng may gawa nito?!" Sigaw niya.

"Hindi ko alam!" Sigaw ko rin.

"Inaantok na ako, hayaan mo na akong matulog!" Sabi ko at napaiyak na lang ako bago ako makaramdam ng antok.


Sabado. Pasado alas diyes na ng umaga ako nagising at nagising na lang ako dahil sa pagkatakot ng kung sino sa pintuan ng kwarto namin ni August. Nag-mouth wash muna ako bago buksan ang pinto at bumungad ang nakangiting si Jeric.

"Dinalan kita ng lugaw at fresh milk or pwede ring milk kokasi baka masakit ang ulo mo," aniya at siya na mismo ang nagsalin no'n sa bowl at naupo siya sa kama.

"Ano'ng ginagawa mo?" Tanong ko.

"Sinusubuan ka," aniya na nakangiti at ayokong makipagtalo dahil nagugutom na ako.

"Ah," sabi niya at sinubo ko naman ang nasa kutsara hanggang sa maubos ko na ang pagkain niyang dala. Matapos no'n ay tsineck niya ang aking dibdib na puro kiss marks at tumawa pa siya.

"Proud ka pa ginawa mo sa dibdib ko? Hindi ako makakalabas ng nakasando!" Reklamo ko.

"Proud ako," sabi niya habang umiinom ako ng fresh milk.

Suko na talaga ako sa isang 'to.

Ilang minuto siyang nakayakap sa aking bewang at hinila niya ako papahiga sa kama at magkatabi na kami ngayon. Sakto namang pasok ni August at masama ang tingin niya sa amin.

"Sino ka? Ba't nandito ka sa kwarto namin ni Marco?" Tanong ni August.

"Pinakain ko lang ang baby ko ng lugaw, masama ba 'yon?" Ani Jeric kaya halatang nainis si August at nahiga na lang siya patalikod sa amin.

"Ano'ng baby? Hindi naman ako pumapayag na maging tayo?" Naiinis kong bulong kay Jeric at kinurot ko siya sa hita.

"Aray, baby! Masakit!" Sabi pa ni Jeric at niyakap na lang ako nito ng mahigpit.

Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam na si Jeric dahil magpapa-laundry daw siya ngayon.

"Alagaan mo ang sarili mo rito, baby. Saglit lang ako," pang-aasar pa niya.

"Dami mong alam! Umalis ka na nga!" Naiinis kong pagtataboy sa kanya na siya namang ginawa niya.

"Jeric pala," sabi ni August.

"Ha? Siya ba 'yong kasama mo kagabi?" Tanong niya.

"Wala akong dapat sabihin sa'yo," sagot ko at halatang malungkot siya.

"Jowa mo na 'yon?" Tanong niya.

"Hindi!" Sabi ko.

"Bakit may pag-baby na?" Tanong niya.

"Wala ka na ro'n!" Sagot ko at nag-ayos na rin ako ng damit para umuwi sa amin. Hapon pa naman ng Monday ang klase ko tapos next week pa ang start ng CWTS namin.

FINDING AUGUST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon