PART XXXIX

278 21 9
                                    


PART XXXIX

MARCO

Normal na araw. Normal na routine pa rin. Sabay kaming papasok ni August at sabay din sa pag-uwi.

"Marco, kulang daw ng isa sina Jeric. Sali ako play nila," pagpapaalam ni Marco. Magba-basketball na naman ang loko.

"Sige. Una na ako sa dorm. Inaantok ako eh," sabi ko.

"Hatid pa ba kita?" Tanong niya.

"No need. Maglaro ka na. Galingan mo," nakangiti kong sabi kaya naghiwalay na kami ng tinatahak n daan.

Habang nasa daan ako papauwi ay may tumigil na sasakyan sa tapat ko at inuluwa no'n ang University President at sumenyas siya na tila pinapasakay ako na ginawa ko naman.

Sa backseat sana ako sasakay pero pinapipat niya ako sa sa front seat katabi niya at sobrang kabang-kaba ako.

"Siguro may idea ka na kung bakit kita pinasakay," panimula niya.

"Wala po, Sir," sagot ko.

"It's about my son," sabi niya bigla at tumingin siya sa akin.

"Bakit po?" Sagot ko at itinigil niya sa isang gilid ang sasakyan.

"Alam kong may relasyon kayong dalawa ni August at alam kong mga bata pa kayo kaya kung maari, tapusin niyo na kung ano'ng mayroon kayo. It won't help the two of you, lalo ka na. I heard that you're a great student and you must maintain that. Mas mahalaga ang future mo kaysa sa kasiyahan. Ayokong masira ang future niyo ni August. Masyado pa kayong mga bata," sabi niya at napalunok ako ng laway.

"Hindi ko ho alam ang sasabihin ko pero hindi ko ho maipapangakong hihiwalayan ko si August. Mahal ko po ang anak niyo at masaya kami sa isa't-isa," sagot ko.

"Masaya? Mahal? Hanggang kailan? What you have is today is fraud. Walang magandang maidudulot ang pansamantalang kasiyahan. Alam kong matalino kang tao, Marco. Hindi ka ba nahihiya sa sasabihin ng mga tal against you?" Sagot naman niya.

"Hindi ko rin ho alam. Basta uulitin ko, hindi ko po hihiwalayan si August at wala po akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Si August po ang mahal ko hindi sila," wika ko at tumaas naman ang kilay niya.

"Hindi mo pa rin talaga nakukuha, August. I am the University President. Let's see kung hanggang saan ka dadalahin ng pagmamahal mo'ng 'yan. I wasted my time. Parehas na parehas kayo ni August. Matitigas ang ulo. Sana hindi ka magsisi," maawtoridad n'yang singhal.

Dahil hindi ko na alam ang sasabihin ay lumabas na ako ng sasakyan at tinumbok ko ang daan pauwi sa dorm.

I almost cried in front of the University President. Buti na lamang at kinaya kong i-compose ang sarili ko.

Sa totoo lang, hindi ko siya makuha. Ayaw niya bang maging masaya ang anak niya?



Pagdating sa dorm ay medyo lutang ako at hindi rin ako makatulog kaya hinintay ko na lang si August habang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame.

Bakit ba atat na ata tang mga tao sa paligid ko na paghiwalayin kami ni August?

The more na iniisip ko 'yong mga sinabi ng adoptive father ni August ay lalo lang ako nababalisq. What if paghiwalayin talaga kami ni August nito?

"Mister!" Singhal ni August nang makapasok siya sa kwarto. Ni hindi ko narinig na kumatok siya. Iniwan ko kasing hindi naka-lock ang door knob.

"Panalo?" Tanong ko at tumango naman siya bilang sagot. Matapos iyon ay para siyang batang yumakap sa akin paharap at umunan siya sa dibdib ko.


"August!" Tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?"

"I love you!" Sabi ko.

"Mahal din kita," sagot niya at hinalikan niya ako sa dibdib.

Ilang saglit lang na katahimikan at mukang nakaidlip na si August habang nakaunan sa dindin ko. Ni hindi pa niya nahuhubad ang medyas niya ay nakatulog na.

"August, bakit mahal na mahal kita?" Tanong ko habang hinahaplos ko ang mukha niya.

"Kasi pogi ka?" Tanong ko.

"Given na 'yon," sabi ko pa.

Napangiti na lang ako at hinakan ko si August sa ilong at umabot na iyon sa labi niya at ilang halik pa ay pumalag na siya ng halik.

"Sorry, kapogian ko lang ambag ko," sabi niya sabay pisil sa pang-upo ko.

"Maligo ka muna!" Sabi ko kasi sinisimulan na niya akong kagat-kagatin sa dibdib.

"Mamaya na," sabi niya kaya itinulak ko siya para malaglag siya sa kama.

Pero dahil mas malaki siya sa akin ay nakakapit siya sa akin at parehas kaming nahulog.

"Ang sakit ng likod ko," sabi niya kaya sabay kaming tumawa.

"Kung mahihiwalay tayo, ano sa tingin mo ang dahilan?" Tanong ko sa kanya bigla out of nowhere.

"Saan galing 'yong tanong?" Tanong niya.

"Sa'kin. May iba pa bang tao rito?" Tanong ko.

"Sabi ko nga. Pero sa tanong mo, kapag hindi mo na ako mahal o kapag hindi na kita mahal," sagot niya at pinisil niya ang ilong ko.

"Pero muka namang malabo 'yon. Adik na adik ako sa'yo. Parang ginayuma mo ata ako," wika niya.

"Ginayuma raw. Hindi talaga!" Sabi ko.

"Suot mo nga 'yong boxer briefs ko eh," aniya kahit hindi naman totoo.

"Parehas lang tayo ng brand at design pero hindi ko susuutin 'yong sa'yo," pagpapaliwanag ko.

Parang kanina lang balisa ako pero ngayon, parang lahat ng bigat ng dibdib ko ay nawala dahil sa kakulitan ni August. Paano ko iiwan 'tong lalaking 'to eh siya 'yong gamot ko?

"Poging pogi ka na naman sa mister mo," pang-aasar niya.

"Gusto mo lang makaiskor! Pass ka muna sa'kin today!" Sabi ko sabay tawa.

Itutuloy....

It's been awhile. I had taken everything I read into consideration and I am happy that Finding August is finally gaining some readers and my notification was flooded with votes and comments. May mga nag-pm din.

Miss ko bigla kayo. I am sorry. Minsan kasi I really choose to sleep kaysa mag-update. Alam niyo na. Walang pera 'yong author nito kaya sorry.
-THEPAGEWRITER

FINDING AUGUST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon