PART XXXVIII

272 19 12
                                    


PART XXXVIII

MARCO

Mabilis ang paglipas ng mga oras at panahon. Parang kailan lang nang naging kami ni August at ngayon ay mag-aanim na buwan kami ni August sa susunod na linggo. Wala namang masyadong nagbago sa relasyon namin, tawanan, kulitin at minsan ay nagkakatampuhan na madalas ako ang may gawa.

"August, kopyahin mo na 'yong plate ko para makapagpasa ka na," sabi ko kay August habang busy sa pagkutingting ng kung ano sa kaniyang cellphone. Last week pa kasi ako tapos sa mga plates ko sa engineering, siya na lang 'yong hinihintay ko para magpasa.

"Last game na 'to," sabi niya at kaka-last game niyang 'yan, wala na akong nakasabay kumain kanina ng lunch tapos kahapon ganoon din. Nagising pa 'yan ng madaling araw para maglaro.

"Ge, August, magpapahinga muna ako," pagpapaalam ko at hindi na siya nakasagot.


"Uwu! Nice one, baby!" Sabi ng kung sino mula sa cellphone ni August nang magising ako. Busy pa rin siya sa paglalaro.

"Angela, sunod sa bot," sabi ni August. Sino'ng Angela?

"Sige," sabi ng babae sa linya at nang makita ako ni August na nakatingin sa kanya ay hindi ko na narinig ang boses ng babae.

Hindi na rin ako nagtanong pero naiinis ako ro'n sa Angela. Maganda ba siya?

"Sino 'yong Angela?" Tanong ko.

"Hero lang 'yon sa nilalaro ko," sabi August.

"Bakit may pa 'nice one, baby' pang nalalaman? Nobyo ka ba niya?" Naiiinis kong pagtatanong.

Tawa ang narinig kong sagot kay August at hindi oo o hindi. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Sa labas ka matutulog mamaya, August. Ayaw kitang katabi," pagbabanta ko.

"Bakit naman gano'n? Ano bang nagawa ko?" Tanong niya. "Si Angela, hero lang 'yon sa ML tapos naka-open mic kanina kasi nag-five man kami," pagpapaliwanag niya na hindi ko masyadong naunawaan.

"Ah, basta! Magsama kayo ng Angela mo!" Sabi ko at tumayo na ako papalabas ng pintuan. Doon muna ako kay na Jeric at Alvin. Pangit ka-bonding ni August. Puro ML ang alam.




Pinagtawanan din ako ni Alvin at Jeric pero pinuna nila 'yong pag 'nice one, baby' ng babaeng kalaro ni  August.

Naiinis na ako sa kanya at sa babaeng 'yon.

"Eh what if, random girl lang 'yon from that game app?" Tanong ni Jeric.

"Hmm, May possibility pero what if, kilala talaga siya ni August and they are online couple. 'Yong uso ngayon——duo goals!" Sabi naman ni Alvin. 'Yong from online strangers to reality couple. Awit!" Sabi pa ni Alvin.

"Ang dami kong nakitang ganoon sa twitter at Facebook. Ang lalandi. Nakakaumay," sabi ni Jeric.

"Basta, magsama sila no'ng Angela-ng 'yon," sabi ko at nahiga ako sa kama ni Jeric at itinaas ko ang paa ko sa likod niya. Nakadapa kasi ang loko habang nagbabasa.


"Hayaan mo na nga muna si August, Marco. For sure, he's having a good time there lalo na't nandito ka," sabi pa ni Jeric.

"Wala akong pakialam," sagot ko at pinilit kong magpaantok uli kahit galing na ako sa pagtulog.


Gabi na nang magising ako at nakita ko na lamang ang sarili ko na nasa kwarto na namin ni August. Nakayakap pa siya sa akin at tinanggal ko iyon. Naiinis pa rin ako sa kanya. Mag-ML na lang siya habang buhay!

Dala ng gutom ay bumangon na ako at nagsandok ng kanin sa rice cooker at may luto ring ampalaya at walang bawas ang kanin. Malamang ay hindi pa kumakain ang loko.

Habang kumakain ay naisipan kong i-chat si Jeric na mag-online sa ML mamaya pagkatapos kong kumain para maglaro at ganoon na nga ang ginawa namin pagkatapos kong kumain.

"Nice kill, babe!" Sabi ko nang makapatay si Jeric ng hero ng kalaban.

"Thank you, babe!" Sabi naman ni Jeric. Na-instruct ko na siya sa dapat niyang sabihin at talagang nilalakasan ko ang boses ko para marinig ni August hanggang sa magising siya. Immature na kung immature, gusto ko lang maramdaman niya 'yong inis ko. Pwede namang ako ang ikampi niya sa laro niya, ibang babae pa talaga.

"Grabe ang galing mo, babe! Patayin mo silang lahat!" Sabi ko pa nang maghalimaw si Jeric.

"Walang ano man, babe!" Sabi ni Jeric sa kabilang linya.

"Babe, nice game! Isa pa uli," sabi ko bago mag-end ang game.

"Sino 'yong nagbe-babe sa'yo?" Tanong ni August habang nakayakap mula sa likuran ko. Imbes na pansinin ay nagpatuloy lang ako sa paglalaro.

"Babe, ako naman mag-a-assassin, tank ka," malambing kong sabi kay Jeric.

"Sige po, babe. Basta po para sa'yo," sabi naman ni Jeric. Buti na lang talaga at iba ang tunog ng boses ni Jeric sa mic kaya hindi agad makakahalata si August. Mainis siya.

"Mister, sino 'yon? Naiinis ako sa kanya," sabi ni August.

"Ka-duo ko lang. Doon ka nga!" Sabi ko kay August. "Ang init!" Dagdag ko pa.

"Marco, sorry na po," sabi niya.

"Hindi na mauulit. Kung gusto mo ikaw na lang ang kakalaruin ko sa ML. Please, huwag ka nang magalit sa'kin," sabi pa ni August pero hindi ko siya pinansin at mas tinodo ko pa ang pang-aasar.

"Babe, nice set!" Sabi ko noong mag-level four si Jeric na Tigreal ang gamit.

"Para sa'yo, babe!" Sabi pa ni Jeric.

"Kupal! Anong babe-babe? Akin si Marco!" Sabi ni August nang maagaw niya ang cellphone ko.

"Sino ka ba?" Sabi ni Jeric.

"Ikaw ang sino. Babe ka ng babe!" Sabi naman ng galit na si August.

"Akin na nga 'yang cellphone ko!" Singhal ko.

"Ikaw, pwedeng makipaglandian sa iba, ako hindi? Marunong din akong mag-ml kahit elite pa lang ako!" Sabi ko kay August kahit na ang totoo ay kanina pa ako nalilito. Account lang 'to ni Alvin na hiniram ko. Mabilis naman akong makasunod dahil nagbabasa ako. Babad din ako sa online games dati.

"Marco, sorry," sabi niya at niyakap niya ako at dala ng karupukan ay niyakap ko na rin siya pabalik. Nonsense rin naman kung papatagalin ko pa 'yon inis ko.

"Pero sino muna 'yong kalaro mo kanina?" Tanong ko.

"Random invite lang po. Hindi ko kilalal eh," sabi niya.

"Good. Kain na," sabi ko at ipinagsandok ko pa siya ng kanin at ulam.

Ang gulo rin namang dalawa minsan pero hindi ba mas thrilling kapag ganoon? Huwag lang siguro naming araw-arawin.

Itutuloy...

Fillers lang ito haha

FINDING AUGUST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon