PART VII

504 25 19
                                    

Part VII

MARCO

It was not really my intention to say that I like August impromptu nadala lang ako pero muka namang naniwala siyang nagbibiro lang ako. Pero mas masakit isipin na biro lang ako kay August. Biro lang ang lahat sa kanya pero sa akin ay hindi.

Unang subject or course namin para unang klase ay College Algebra na alam kong hate na hate ni August. Mahina raw kasi siya sa Math pero nag-Engineering. Ewan ko ba.

"Marci, kinakabahan ako," bulong ni August nang makapasok kami sa napakalaki naming classroom. Muka itong mini-theater at pataas ang styel ng mga upuan.

"I bet, everyone is here, so let me introduce myself. I am Professor Cynthia Velasco-Amar, your College Algebre prof for the whole sem. Since first day, I want to give you the privilege to introduce yourselves in way na maalala or matatanda ko kayo. Let's start with the two boys at the back," ani ma'am sa mikroponong hawak niya. She sounded really nice pero mukang strikta. Sakit ba ng mga Math teacher iyon?

"Good morning, everyone! I am Jerome Santiago. Nice meeting you all!" Sabi ng lalaking katabi namin ni August. Sa unahan kami nagpakilala kaya kinakabahan na rin ako.

"Anything else?" Dagdag pa ni Ma'am.

"Nothing, ma'am," sagot naman niya na ikinagulat ko.

"Okay, next," at sumunod na ako.

"Hi, I am Marco Deliola! I am from STEM strand and I am grateful that I am here today!" Sabi ko at sumunod na si August na ngumiti ng malaki.

"Hi! Magandang umaga sa inyo. Ako si August Jacinto. Masaya akong makita kayong lahat!" Ani August at titig na titig 'yong prof at mga kaklase kong babae sa kanya. Well, August is a good-looking-man. No doubt iyon.

"Good day, everyone! I am Audrey Katindig and I will be that man's September!" Sabi niya sa naglalakad na si August kaya umani iyon ng samu't-saring reaksyon sa mga ka-block section namin.

Medyo umingay ang klase na natigil lang noong magsalita ang prof namin.

"This is a math course and not some kind of romantic class, Ms. Audrey. Inilulugar ang landi at pag-aaral," ani ma'am kaya lihim akong napangiti habang ang mga kaklase ko naman ay natameme at ang ilan ay tumawa.

Mabilis lang natapos ang 'introduce yourself' eme namin sa klase at nag-proceed si ma'am sa pag-aabot ng printed na syllabus ng course niya para sa buong sem.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay naglakad na kami ni August papunta sa labas ng campus pero napatigil kami nang lumapit si Audrey kay August.

"August, right?" Tanong nito at tumango naman si August.

"I am Audrey!" Sabi naman ni Audrey at inabot pa nito ang kamay kay August na inabot naman ng una.

"See you around, ha? Ang pogi mo. Sana single ka like me," sabi pa nito bago umalis.

Nawalan ako bigla ng ganang kumain.

"Hala ka, mukang hanggang dito, may nahulog agad sa'yo!" Natatawa kong pang-aasar kay August.

"Pag-aaral ang ipinunta ko rito," aniya at tumango na lang ako.

Since 11:20 pa lamang ng umaga ay napagpasyahan naming sa labas na nga ng campis kami kumain. May kamahan kasi sa cafeteria malayo rin ang next subject namin.

"Dito na tayo sa tapsilugan. Medyo mura," aniya nang madaanan namin ang isang kaininan.

"Kain ka na riyan. Busog pa ako," sabi ko kay August. "Samahan na lang kitang kumain," sabi ko at ilang beses pa niya akong kinulit pero hindi niya ako napapayag.

FINDING AUGUST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon