PART XII

398 27 46
                                    


PART XII

MARCO

"Anak, may good news kami sa'yo!" Masiglang bungad ni mama nang magising ako mula sa pagkakatulog.

"Buntis ang mama mo! Magiging kuya ka na!" Ang sabi ni papa at masaya ako para sa kanila.

"Congrats ho!" Walang gana kong sabi.

"Hindi ka ba masaya na magkakaroon ka na ng kapatid?" Tanong ni papa.

"Masaya ho. May sinabi ho ba akong hindi ako masaya?" Tanong ko.

"Mabuti naman kung ganoon. Mamaya ay darating ang mga lolo at lola mo," ani papa.

"Kaya huwag ka munang aalis," sabi ni mama at talaga namang hindi ako aalis.

Sa totoo lang ay masaya ako na magkakaroon na ako ng kapatid. Nalulungkot lang ako kasi parang nilalaro kami ng pagkakataon ni August, lalo na ako. Napakarupok ko.

Alam kong gwapo si Jeric pero nakay August pa rin ang puso ko. Sobrang naaawa ako kay August kas alam kong nag-aalala lang siya sa akin pero nasabihan ko pa siya ng masamang mga salita na hindi ko naman gustong sabihin.

Two weeks pa lang ako sa college pero parang naghihina na ako agad dahil sa mga nangyayari.

Kinagabihan ay dumating ang mga kamag-anak namin at may mga dala silang pagkain kaya hindi na nagluto pa sina mama at papa. Nagpa-deliver na lang kami ng family size na pizza at masaya kaming lahat maliban sa biglang pagsulpot ni August sa labas ng bahay kasama si Alvin.

"Oh, Alvin, pasok kayo ng kasama mo!" Sabi ni papq at pumasok naman sila.

"Congrats po tito at tita!" Sabi ni Alvin at August.

"Ang gwapo mo lalo ngayon, Alvin, tiyak na may katipan ka na!" Pang-aasar ni mama.

"Hindi naman po. Pero sa nobya po, malapit na," natatawang sabi ni August kaya nagpalakpakan sila at ganoon din si August na kausap ng ilang kong pinsan.

"Bakit pala kayo nandito?" Tanong ko kay Alvin.

"Si August kasi hinahanap ka kaya pumunta na kami rito," sabi ni Alvin kaya sa kwarto kami pumunta pero bago sila pumasok ay itinabi ko ang mga pictures namin ni August sa ilalim ng higaan ko. Madalas ko kasing kuhanan ng picture si August dati lalo na kapag nakakatulog siya sa library habang nagpapaturo sa akin. Mayroon din noong lumaban siya ng Mr. Inrams.

"Pasok!" Sabi ko at pumasok sila sa simple kong kwarto na may mga music instruments. Si Alvin lang ang nakapasok dito at hindi ko in-expect na pati si August ay makakapasok din dito.

"Malinis at maganda pa rin ang kwarto mo," ani Alvin.

"So, ano talagang pinunta niyo rito?" Diretsahan kong tanong.

"Wala kasing gagawin sa bahay kaya chinat ko si August na puntahan ka namin," sagot ni Alvin.

"Tsaka sorry pala kasi naiwan kita sa party nitong nakaraan. Naiirita kasi ako kay Audrey na tawag ng tawag at sinusundan ako sa party kaya umuwi na ako sa dorm. Napabayaan kita," aniya at lalo akoh na-guilty.

"Wala ka namang dapat ikahingi ng sorry. Sana lang talaga ay sinabihan mo ako para hindi ako nagmukang ewan doon sa party," sabi ko at nag-sorry na naman siya.

"Hindi na mauulit. Pasensya na," sabi pa niya at nagkwentuhan lang kami about sa acads at mga buhay nila sa bahay nila.



FINDING AUGUST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon