PART VIII

460 25 15
                                    

Part VIII

MARCO

Twelve-Fifty (12:50) na ng hapon nang umalis kami sa dorm ni August. Hindi ako umiimik dahil kumakain ako ng cheesecake na bigay ni Alvin na sinusundan ko ng fresh milk na binili ko noong isang araw. Medyo off lang kasi nakapagsipilyo na'ko pero wala eh, nagutom ako.

"Sana sumabay ka na lang sa akin kanina eh. Libre ko naman," sabi ni August sa casual na tono.

"Hindi pa kasi ako gutom kanina tsaka sayang 'tong bigay ni Alvin. Nag-effort pa 'yong tao na dalhan ako nito sa dorm," sagot ko at mabilis kaming lumakad habang kumakain ako.

"Sige. Sabi mo eh," aniya naman at hindi na ako sumagot.

English ang sunod naming klase at alam kong ayaw din ni August no'n pero dapat kayanin niya kasi wala naman siyang magagawa.

As usual ay nandoon na naman si higad na Audrey kaya sa likod na ako naupo. Hindi na talaga maawat si Audrey na lumayo kay Audrey kaya magsama silang dalawa. Dito ako sa likod.

Five minute before ang klase nang biglang may tumabi sa akin.

"Paupo rito, ha? Ayoko sa unahan eh," sabi niya at namukhaan namin ang isa't-isa kaya napangiti ako. Siya 'yong lalaking nagbalik ng panyo ko.

"Nako, swerte ko pala at katabi kita," sabi niya.

"Katabi lang swerte na?" Pabiro kong sagot.

"Kasi kanina lang hinabol kita para panyo, ngayon naman ay para mauupuan," natatawa rin siya sa sinabi niya.

"Dami mong alam," natatawa kong sagot.

"Enjoy 'yong kaibigan mo 'yong upuan niya ah! Katabi ba naman si Audrey," sabi pa niya.

"Muka nga. Bagay sila, 'no?" Sabi ko naman.

"Yep!" Sagot niya.

"Nga pala, pre, I am Miro," sabi niya.

"Marco," sagot ko naman at nakaramdam ako saya dahil magaan siyang kausap. Mga isang kilo. Biro lang. Hindi, kasi ramdam na ramdam mo sa aura niya na genuine siyang tao. Walang gagawing masama at mabango pa.

"Anong pabango mo?" Tanong niya.

"Johnson's lang," sabi ko dahil iyon naman talaga ang ginagamit ko.

"Kaya pala ang presko ng amoy mo tsaka amoy baby ka," mapang-asar na kumento niya sa akin.

"May class ka pa after nito?" Tanong niya.

"Wala," sagot ko.

"Tour tayo sa campus. Hindi pa ako familiar sa mga building eh," aniya at hindi na ako nagdalawang isip na um-oo.

"Ako rin, hindi pa kaya g ako," sagot ko at nginitian niya ako bago siya nagsalita.

"Naks! May kasama na ako!" Masigla niyang sagot hanggang sa dumating na ang prof namin at nag-introduce na naman kami sa unahan. Kakaumay. First day of class things.

Gaya ng College Algebra ay nagbigay din ng syllabus si Sir Catapang at halatang bakla siya kaya masaya ang klase. Napagtrip-an niya pa si August at Miro kanina na kapwa nakisakay lang din sa biro ni Sir.

Pansin ko rin ang klase namin na lamang ang babae at iba't-ibang degree program ang kinukuha. Aapat kamin engineering dito. Puro ComSci at iba pa.

Nang matapos ang klase ay hindi na ako nakapagpaalam kah August dahil hinila na ako ni Miro agad at dumaan pa kami sa student center dahil ilibre niya raw ako ng mango shake na paborito niya.

FINDING AUGUST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon