PART V

631 29 22
                                    

PART V

MARCO


Mabilis na lumipas ang araw at nakagraduate na kami agad at araw-araw akong nahihirapan na mag-adjust lalo na at nasa bahay lang ako. Kahit hindi na nag-aaway ang mga magulang ko ay ramdam na ramdam ko na na mayroong gap sa amin ni mama at papa. I knew it. Unwanted son nga kasi pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil binuhay nila ako at binigyan ng komportableng buhay. Pero hindi naman iyon ang sukatan. Gusto kong maramdaman na mahal nila ako.

"Nak, saan mo planong mag-college?" Si papa ang nagtanong out of nowhere.

"Sa kabilang bayan ho," I answered.

"Good choice. Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka," sabi pa ni papa at ginusot niya ang buhok ko gamit ang kaliwa niyang kamay.

Hindi na ako sumagot. I just don't like to talk to him.

"Alvin, ride tayo mamaya!" Masigla kong sabi kay Alvin nang sagutin niya ang tawag ko.

"Pass muna ako. Masakit pa ang katawan ko sa ride natin kahapon eh," sabi naman niya kaya inunawa ko siya dahil medyo long ride rin 'yong naging pagba-bike namin kahapon.


Dahil nga hindi kami makakapag-ride ni Alvin ay nagmukmok na lang ako sa kama ko at nang maghapon ay nagpunta ako sa may kanto ng subdivision na kinatitirikan ng aming bahay dahil gusto ko ng inihaw.

"Uy, Marco!" Si August iyon.

"Uy!" Iyon naman ang sinabi ko dahil hindi ko inaasahan na nandito pala siya.

"Inihaw?" Tanong niya.

"Yep. Medyo nababagot sa bahay eh," sagot ko naman.

"Haha. Ako rin," aniya at nagsimula na kaming magpaihaw.

"Libre mo'ko?" Biro ko.

"Sige ba!" Aniya at nang maluto na ang mga pinaihaw namin ay natawa ako saglit.

"Nasaan jowa mo?" Tanong ko.

"Wala na kami," sabi niya na parang wala lang sa kanya at hindi na'ko nagtanong pa. Buhay niya iyon eh.

"Ikaw, ba't 'di mo kasama si Alvin?" Siya naman ang nagtanong.

"Pagod daw eh," sagot ko at hindi na rin siya nagtanong.

"Try mo 'tong isaw, masarap!" Aniya at itinapat niya pa sa bibig ko ang stick na mayroong isaw at nag-hesitate ako kung kakainin ko iyon o hindi pero sa huli ay kinagat ko na rin.

"Hmm! Masarap nga! Bagay na bagay sa suka!" Masigla kong tugon.

"Kasi ikaw, puro hotdog at paa ng manok ang binili mo eh masarap din naman ang isaw," aniya.

"Mas masarap ka," mahina kong bulong sa hangin na alam konh hindi niya rinig dahil sa sobrang hina.

"Ha?" Pagkaklaro niya.

"Sabi ko kako, masarap," sabi ko kahit hindi naman talaga iyon ang sinabi ko.

"Paluto pa tayo?" Tanong niya.

"Hindi na. Palamig na lang siguro," sagot ko nang maubos ko ang kinakain ko.

"Sige. Stay put ka lang, libre ko na uli," aniya bago siya tumayo sa upuang gawa sa kawayan at pinagmasdan ko lang siya at napaisip ako sa sarili ko na napakahirap niyang abutin.


"Natulala ka na riyan, Marco," puna ni August. Hindi ko na pala napansin na kanina ko pa siya iniisip.

"Ah, sorry," sabi ko at kinuha ko ang palamig na binili niya para sa akin. "Salamat sa libre!" Sabi ko pa.

FINDING AUGUST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon