Chapter 14
Lance Ian's POV
It's been two weeks na rin after magFlight si "EE". At ngayon, start na ng classes kasi tapos na ang masayang araw na walang pasok gawa ng kaartehan ng Campus Dean namin. Teka. Maituturing bang masaya 'yon? Naiinis nanaman ako nito eh! Maaalala ko nanaman tapos ano? Napapabuntunghininga na lang ako sa nangyayari eh.
Heto na nga at katatapos ko lang i-park itong motor ko. Mawawala ba 'yung mga matang pagtitinginan ka habang naglalakad sa hallway? Siyempre, hindi. At hindi rin papatalo 'yung mga nagbubulungan. Ako naman itong si "As sweet as ever" na nginingitian lahat ng nakakasalubong. Wala eh. Ayoko lang talagang maging snobber sa lahat.
Pagpasok ko sa room, hindi pa naman ako late. 60 minutes advance ako sa pagpasok before class starts kaya never akong na-le-late. Pagkalatag ko nang gamit ko sa desk, bigla akong nilapitan ni Jezriel. Umupo sa tabi ko at hinarap pa 'yung upuan sa akin. Shetuy! Ano nanaman bang trip nito? Tsk!
...
Jezriel: Brad! Kumusta? 'di man lang tayo nagkita after nung gig ah!
Lance: Ah! May inasikaso lang.
Jezriel: Ganun ba. Alam mo bang nakadate ko na si Cassie? Grabe brad! Habang nakikita ko siya, mas lalo akong na-i-inlove! Totoo na ata ito brad! MBL na ito!
Nang sabihin niyang Cassie, naisip ko na lang na ibang chicks nanaman niya.
"Anong MBL?" Medyo iritang sagot ko sa kanya.
Jezriel: 'di mo alam 'yung MBL? Hindi mo pa ba napapanuod 'yun?
Lance: Hindi pa. Ano ba kasi 'yun?
Jezriel: MBL stands for, Must Be Love! Brad! Destiny ko si Cassie! (w/ matching hand gestures)
Lance: Ah. Good!
Jezriel: Grabe brad! Parang 'di ka masaya ah. May problema ba? Tara! Inom tayong Vita-milk.
Lance: Wahaha! Grabe! Kadiri kaya nang lasa nang vita-milk! Nung minsang pinatikim mo ako n'on! Muntik na akong magsuka sa harap nila tito! Kaya no thanks brad! Kahit i-libre mo pa ako niyan!
Jezriel: Ayun oh! Bumalik na ang kadaldalan mo! Haha! 'di ako sanay na 6 words ang maximum na kaya mong sabihin brad! Tara! D'on muna tayo sa hagdan ng building mag-istambay. Mas malamig doon eh.
.
.
Bigla kong naisip si "Slip Market Girl" in short, si "Siya". Hindi ko maikakailang hirap talaga akong kalimutan siya lalo na noong nakita ko siya sa resto weeks ago at ang masaklap pa, naunahan ako ng pinsan ko.
Ano? Matatawa ba kayo sa akin kung ganito ako? Oo, lalaki ako. Pero pag-tinamaan ka pala talaga ng lintek na pag-ibig na parang kidlat 'yan, para ka nang sunod-sunuran na ewan.
Habang nakaupo kaming dalawa ni Jezriel dito sa hagdan, papaakyat naman 'yung dalawang babae. Freshman students. Kilala ko silang dalawa eh. At alam kong kilala rin nila ako kasi malayo pa lang naka-ngiti na sila sa akin. Parang nasa dulo ng dila ko 'yung mga pangalan nila eh. Si ano! Sino na ba 'yun! Basta si ano at ano!
Palapit na sila nang palapit sa kina-uupuan namin ni Jezriel nang biglang may nagsisisigaw ng "Lei! Louella!"
.
.
.
.
.
.
.
"'YUNG CRUSH KO!"
.
.
.
.
Shetuy!
'Yun na 'yun 'yung naisigaw ko nang makita ko si "Siya" na nagsisisigaw nang "Lei! Louella!"
Malakas 'yung pagkakasigaw ko noon kaya 'yung mga estudyanteng dumadaan sa hagdan, si "Siya" , at ang nakalimutan kong katabi ko nga palang, si Jezriel, lahat sila nakatingin sa akin.
'Yong mata ni "Siya" na nakatitig sa akin, gulat na gulat. Si Jezriel, nang makita ko parang gulat na may inis sa mata niya. Lahat sila natahimik sa naging reaksyon ko. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas sa ganitong sitwasyon!
Shetuy lang talaga! Ano ba kasi itong gulo na napasok ko!
.
Heto na nga't parang tumigil ang oras! Shetuy ka talaga Lance Ian Rodriguez Dela Cruz! May saltik ka na! Tsk! 'diko alam kung paano ko tatakasan itong ginawa ko. Ano? Tatakbo nalang ba ako? O biglang magtatatawa na kasi nakakatawa 'yung reaksyon nilang lahat? Kung bakit ba kasi hindi ako sumali sa mga Drama and Acting Organizations dito sa school edi sana hindi ko na ito pinoproblema! Matakasan ko lang 'to! Ipinapangako kong sasali na ako sa Drama and Acting Organization! Lagot kayong lahat sa akin!
.
.
Kinagat ako ng lamok at..
Bumalik na ang kaluluwa ko sa sarili kong katawan. Tinignan ko lahat ng nakatingin sa akin at..
...
Lance: (in a cool manner) HAHAHAHA! 'Yung crush ko ba? *w/ matching hand gestures*
Dumaan na kanina. Pagpasensyahan niyo na sana ako ha! Ngayon ko lang kasi ulit nakita 'yung si "SIYA" ng buhay ko. HAHAHA! Sayang!'di niyo nakita! HAHAHA! (sabay talikod at alis papunta sa room)
![](https://img.wattpad.com/cover/26861833-288-k15550.jpg)
BINABASA MO ANG
Till We Meet Again (On Going)
TeenfikceDON'T JUDGE THE STORY BY ITS TITLE. May mga nagsabi kasi na pangHeavy drama daw 'yung story ko kaya ayaw basahin? AKALA MO LANG 'YUN! HAHAHA! --- So in this story, you'll meet Cassiopeia. A girl with a very rare dream. Ang maipasa ang Algebra at Tri...