Chapter 9

125 63 7
                                    

Chapter 9

Cassiopeia's POV

Habang bumabalik ang isip ko pabalik sa past, doon sa mga kaganapan noong araw na nagkakilala kami ni Mr. Ramp model, siyempre! 'Yung mga feelings ko nagsisibalikan kaya ngayon, nakangiti ako mag-isa. Binuksan ko 'yung phone ko at nag play ako ng song. Kanino pa nga bang kanta? Of course! Sa DBSK/TVXQ/JYJ kong mahal!

Now Playing: Picture of You by DBSK

Sulat..

Sulat..

Write..

Write..

Lance's POV

"Good morning ma."sabay kiss.

'Yan ang lagi kong ginagawa sa mama ko sa bawat paggising ko. Sweet nga akong anak eh, sabi ng mga taong nakakakilala sa akin.

Maaga akong pumapasok sa school. May motor ako, Mio ang tatak. Hahaha! Sinabi pa eh! Kulay Red. Hindi red ang favorite color ko pero wala lang, 'yun kasi ang regalo sa akin ni mama at papa ko nung 16th birthday ko. Sabay kami ng dongsaeng/ading ko na pumapasok kaya hinahatid ko siya para iwas at tipid pamasahe na rin.

I'm now on my way to school.

Medyo may kalayuan ang bahay na pinagtitirahan namin sa University na pinapasukan ko. Heto na nga at malapit na ako sa parking lot. May napapansin akong dalawang babae na nakatingin sa akin mula pa ng makapasok ako ng campus. Nakahelmet ako kaya siguradong 'di nila alam na tinitignan ko sila. Hindi naman sa pagmamayabang pero, medyo nasanay na ako na may mga babaeng tumitingin sa akin dala na rin siguro talaga sa kagwapuhan at kasikatan ko dito sa University namin.

Nang mai-park ko na ang sasakyan ko, bigla akong nilapitan ng dalawang babae. Mukhang freshmen. May mga itsura din. At kung gusto niyong alamin, they are not my type. Meron na akong type eh.

"Hello kuya! Ako po si Lei at ako po si Louella. Gusto po sana namin kayong maka-usap or tawagin nalang nating Interview. Pwede po ba? Please?"

Medyo natawa ako sa kanilang dalawa kasi nagpout pa sila ng sabay na parang kambal. Parang nakikita ko sa kanilang dalawa ang dongsaeng kong makulit. Pumayag ako at pumunta kami ng school canteen para doon daw ako maInterview ng mas maayos at makabili ng meryenda 'yung isa sa kanila kasi nagugutom na.

Doon kami nakap'westo sa sulok na part ng canteen. At nag simula na silang magtanong.

Till We Meet Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon