Chapter 12

121 43 8
                                    

Chapter 12

Lance's POV

"EE! Buti at nakapunta ka dito. Akala ko ba busy ka? 'Di ba sabi mo marami kayong inaayos sa bahay niyo?" dirediretso kong tanong sa girl bestfriend ko na siyang lumapit agad sa akin ng bumaba kami ng stage.

"Ang dami mong tanong dude! Medyo busy nga kami, pero siyempre! Papalagpasin ko ba ito? Eh ito na nga 'yung last gig mo na makikita ko.........."

"Huh? Anong sinasabi mo? Last gig na makikita mo? Ganoon? Bakit? Anong alam mo na hindi ko alam, ha?"

"Sikretong malupit sana 'yon eh! Bakit ba kasi nagka-mantika ang dila ko! 'Yan tuloy, nadulas ako. Basta, this I assure you. Walang nakakakaba na mangyayari. Maybe bukas, or the next day, masasabi ko na sa'yo. Just trust me El-Ay. Okay?"

"Okay. Sabi mo eh. Tara, kain muna tayo."

Habang nagpapahinga pa ang banda, may magkasintahang customer na gustong kumanta sa stage para naman daw masubukan nila at maramdaman kung anong feeling ng nagpeperform. "GO ON!" sigaw ko nang may halong pag-encourage sa kanila dahil halatang nahihiya sila.

"El-Ay, nagpakita lang ako sa'yo ngayon. Busy kasi talaga sa bahay kaya babalik na sana ako para tumulong." sabi ni EE sa akin na halatang nagmamadali nga.

"Pero may kailangan kang sabihin sa akin!"

"Hehe! Enekebe! (sabay hampas) mey bekes pe, 'te telege!" natatawa naman niyang sagot sa akin.

"WHAT! 'Di kita maintindihan eh." Naguguluhang sagot ko.

"Haha! Sabi ko, ano ka ba! (hinampas ulit ako) May bukas pa! Basta, I'll text you agad-agad kung anong oras tayo magkita. Doon ko na lang sasabihin kung meron,okay?" sabi niya sa akin ng mahinahon at matino.

Mabilis namang umalis agad si EE. Ako 'tong si naiwan, loner bigla. BIglang tumabi sa akin si Jerziel, ang chickboy ng banda namin. Literal na chickboy 'to eh. Mahilig siya sa chicks. Madalas kong mahuli 'tong may dala-dalang mga sisiw sa bag eh. Joke! Kidding aside, matinik 'to sa babae. Kung ibabase sa hitsura,.....

"Haha! Brad! Asan ka na?" natatawang sabi ng mokong na nasa harap ko habang pakaway-kaway sa harap ko.

"Ang laki ng ngisi mo diyan ha. Iniisip ko lang brad, ba't ba matinik ka sa babae?" seryosong tanong ko sa kanya.

Saglit siyang natahimik at bigla na lang tumawa ng pagkalakas-lakas.

"Hahaha! Brad! Baliw ka na! Hahaha!"

"Talaga lang, ha? Sinong baliw sa atin? Akala ko ba may kasama tayong banda na magpeperform dito? At akala ko pa naman kung sino ng nag-invite sa atin. Si tito lang naman pala eh! Akala ko mataas at sikat na personality na 'to eh."

"Haha! 'Yung isang band na magpeperform, gawa-gawa ko lang 'yun para medyo tumino tayo sa pagpa-praktis. Pero wahaha! Masumbong nga kita kay dad mamaya. Wahaha!".

"Kita mo nga naman 'to. 'Di lang baliw kundi, baliw na baliw na talaga! Magpagamot ka na nga, brad! Kakaiba na 'yan. 'Di na normal 'yang pinapakita mo."

Ganito kami mangtrip sa isa't-isa nitong pinsan kong CHICKenbaBOY. Oo, pinsan ko siya. Buti na nga lang, hindi ako nalahian ng kabaliwan niya.

"Brad, alis muna ako, ha? Hanap akong chicks. Hanap ka na rin para hindi sayang 'yang kagwapuhan mo! Hahaha! It's now your time to shine! Your time para tapusin na 'yang pagiging No Girlfriend Since Birth mo!" natatawa niyang sabi, ngunit ngumiti na lang ako at hinayaan na siyang umalis.

Palinga-linga ako sa paligid ko. Ang bawat isa ay may kausap. Mga ilang minute pa ang nakalipas, biglang nag-ingay si Jezriel. Natawa lang ako mag-isa. Madalas niyang gawin 'yan kapag may nakita na siyang babaeng type niya. Para bang ipangangalandakan niya sa buong resto nila kung gaano kaganda ang babaeng nakita niya at madalas niya pa itong kinakantahan.

"Ano bang bago?" bulong ko na lang sa sarili ko. Sobrang alam ko na 'yung style ni Jez eh. 'Di ko na nga siya pinapansin pag-ganyan na siya. Pero 'yung nararamdaman ko ngayon, kakaiba eh. Parang sinasabing kahit ngayon lang ay bigyan ko ng pansin ang ginagawa ng pinsan ko.

Umalis ako mula sa pagkakaupo at tumuntong sa silyang inuupuan ko upang matanawan sila Jezriel. And to my surprise, bigla na lang akong napasigaw nang wala sa oras.

"NO! NO! NO!"

"Not her, please."

Jezriel's POV

Obviously, I'm Jezriel and this is my POV. At kung anong gagawin ko sa POV kong 'to, WALA KAYONG PAKE! Dahil ako ang pabebe boy na mahilig manuod ng PeBeBe at kailan lang ay nagka-beke. Orayt! Bato at Gumulong Sa Mundo! Wooh! Ako nga pala ang kaisa-isang lalaking anak ng may-ari nitong Just You, Pangako Sa'yo Resto.

Pagkatapos kong asar-asarin ang pogi kong pinsan na si Lance, agad na akong nagpaalam na magikot-ikot muna at maghanap ng chicks. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga nambababae. Nakikipag-kaibigan lang talaga ako.

Isang babaeng customer ang lumapit sa akin. "Hi Jez, pwedeng pa-selfie?"

"Ah, sure!" sagot ko at agad ngumiti para sa selfie.

"Thanks!"

"You're welcome"

May isang babaeng nakakuha ng attensyon ko. Babaeng nakakadala ng ngiti. Agad ko itong nilapitan at tinanong ang pangalan.

"I'm Cassiopeia po." Sagot niya sa akin ng nakangiti habang nakatingin sa mga mata ko.

Para akong ewan na nakatitig lang sa mga mata niya. Parang may kung anong nagsasabi sa mga senses ko na dala niya si Forever.

"Hoy kuya! 'Yang mata mo! Grabe lang makatitig ano?" sabi ng isang babae naman na cute din at napakahaba ng buhok.

"a..a..ah! T..t...tinanong ko lang 'yung p..pangalan niya. Magkaibigan ba kayo?" tanong kong uutal-utal sa dalawa.

"We're not just magka-kaibigan. We're bestfriends!" biglang pasok naman nitong medyo slim pero cute rin na babae.

"Ah, I'm Jezriel Drake Rodriguez nga pala. Ako 'yung bassist ng banda na nagperform kanina kung nakita niyo and at the same time, nag-iisang lalaking anak ng may-ari ng resto na ito. Nice meeting you guys." Sabi ko ng kalmado sabay abot ng kamay upang makipag-kamayan.

"Nice meeting you po!" sabay-sabay silang tatlo na nagsabi noon.

"Woah! Triplets ba kayo? Pare-parehas kasi kayong cute at sabay pa kayong magsalita! Haha!"

"Hindi naman po kuya. Ganito lang talaga kami." Sagot ni Cassiopeia sa akin

"oh.. Okay. Okay! Pero Cassiopeia, pwede ba kitang kantahan?"

"h..ha? e..eh?" nauutal na naguguluhan niyang sabi sa akin.

"Nako kuya! Pwedeng-pwede mo siyang kantahan. 'Yan pa! Basta ba, respetuhin mo siya! Mahal namin 'yan eh. By the way, I'm Louella nga pala." Sabay abot ng kamay upang makipagshake hands.

"Nice meeting you Louella. Akala ko kanina, nangangain ka ng tao! Haha! Pero 'di nga? Seryoso, kakantahan ko si Cassiopeia."

"Sinabing pwede nga eh. Ang kulit ng kilikili mo kuya! (sabay hampas sa braso) sige ka! Bawiin namin 'yan eh."

"Sige na. Heto na oh. Heto na......"

Till We Meet Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon