Chapter 5

152 73 17
                                    

Chapter 5

Kinabukasan.

OMG! Paano 'to! Algebra ang first subject ko. Mukhang terror pa 'yung prof. Halla naman! Kaya siguro ako pinayagan pumasa noong high school ako para maranasan ko ngayong college ang paghihirap sa Algebra ng mag-isa! Kung bakit ba naman kasi 'di ko namana sa papa ko 'yung pagkahilig niya sa MATH! WHY OH WHY!

Nag-iisa ka pa man ding anak! Tapos. Eew ka talaga Cassiopeia! ,sabi sa akin ni Pabobeng.

Basta, pasukan mo 'yang subject mo. Makinig ka. Titigan mo 'yung prof mo. Sigurado, maaabsorb mo 'yung lecture ,payo naman sa akin ni Pabebong.

Ay ewan ko sa inyo! Ang gulo niyo! Pero sige, papasukan ko ang Algeb no matter what. At isa pa, kaya nga ako narito sa school para mag-aral 'di ba? Sabi ko naman kay Pabobeng at Pabebong

HUH!? Bakit? Anong tawag mo sa pagpasok mo noong high school? Hindi ka nag-aral? Palamun-lamon lang, ganun? Pambabara sa akin ni Pabobeng.

Ay! Magtigil ka! Kahit kalian 'di ka nakatulong! Lagi ka na lang nambabara! Inis ko na sabi sa kanya.

Haaayy. Eto na. Papasok ako? Papasok na lang sa next meeting? Ano? Papasok na ba ako? Okay. Heto na talaga.

Pagtapak ko pa lang sa may pinto ng room namin, kitang-kita na ng mga kilay ko ang pagtitig nang mga ka-block ko. My Goodness! Nekekeheye ke telege! Slow na nga sa lahat ng branch ng Math, late pa! Ayan! Tsk! Nagsisimula nanaman akong i-down ni Pabobeng.

"Goodmorning sir." Pagbati ko kay prof Zyclx habang nakayuko kong tinutungo ang aking upuan.

At, walang response si sir sa sinabi ko. Aba naman! Hmp! Okay. Ako ang hindi good sa morning. I got it.

Nakinig na lang ako sa natitirang 15 minutes ng discussion ng may bumulong sa likod ko.

"Uy girl, masyado ka pang maaga para sa second subject,"

Tinignan ko na lang siya ng mangangain-look at tumigil na ang pabadtrip! Keynes telege! Keheye!

Habang hinihintay ang next instructor, kinausap ako ng dalawang bestfriend ko. Malamang katabi ko 'tong mga 'to kasi nga, we're bestfriends! Kinausap lang naman nila ako ng masinsinan. Pero wala. 'Di ko talaga nageGets 'yung 3 words na sinasabi nila eh. 'Yung "PUMASOK-NG-MAAGA" ano ba 'yun?

3 weeks nang paulit-ulit at paikot-ikot lang ang naging cycle ng buhay ko. Papasok ng late sa lahat ng first subject sa umaga. Titignan lahat ng mga kaklase at professor kapag papasok ng room, pagsasabihan ako ng mga bestfriend ko, mahihiya ng isang araw at, UULITIN NANAMAN KINABUKASAN!

Tsk! Walang pagbabago! Rinig sa kanang tenga, labas sa kaliwang tenga. Ayan ka eh. Kaya wala kang pagbabago Cassiopeia! Pagsesermon nanaman sa akin ni Pabobeng.

Start ng 4th week ko sa pagiging college. Monday kasi ngayon eh. At isa pa, first subject ko nanaman ang algebra. Ano pa bang aasahan? Edi late nanaman ako.

Pagkaupo na pagkaupo ko palang sa upuan ako, binulungan agad ako ng nasa likod ko,

"Uy gurl, masyado ka pang maaga para sa second subject."

Kung laging 'yan naman ba ang Buena mano mo araw-araw, edi WOW! UGH!

Pagka-uwi ko nang bahay,

"Cassiopeia! Baby ko! Anak!",pagtawag sa akin ni mama

Ayan ang nanay kong napakahusay sa lahat ng bagay. Heto at tinatawag ako, May iuutos 'yan malamang.

"Ano po 'yun mama?"

Till We Meet Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon