Chapter 10
Lance's POV
First question, Ano pong pangalan namin?
"ha? Eh ano ba? Nakalimutan ko eh. Minsan niyo lang nabanggit kanina. Sorry."sagot ko
At nagpakilala sila. So, si Lei 'yong medyo slim at si Louella 'yung medyo chubby na mahaba ang hair or let's call "Rapunzel". Ang habi kasi ng buhok eh! Inulit-ulit kong banggitin ang mga pangalan nila para makabisado ko agad.
"Lei, Louella"
"Lei, Louella"
"Lei, Louella"
"Lei, Louella"
Habang binibigkas ko nang paulit-ulit ang mga pangalan nila,
"Anong pangalan mo kuya?" tanong sa akin ni Lei
"Lei, Louella" ang nasabi ko.
"Wahahahahaha! Hello kuya Lei Louella!! Hahaha!" natatawang sabi nila sa akin
"Pilyong bata 'tong mga 'to ah! Paluin ko kaya 'tong mga 'to!" isip-isip ko
"Eh, ano bang itatanong niyo sa akin? May klase pa ako eh .. (but actually, wala. Palusot mo nanaman Lance!)" sabi ko.
"Ay ganun ba kuya? Gusto kasi naming magpatutor sa math. You know? Algebra and Trigonometry are deadly subjects. Wala kaming alam doon eh, ni isa. Kahit anong pilit naming intindihin, wala talaga. Pwedeng makahingi nang advice sa'yo kuya? Engineering student ka eh."
"Haha! Eh advice lang pala eh." Sagot ko. "May alam akong book na mas makakatulong sa inyo. Available siya sa NBS. Hanapin niyo 'yung book na "Easy Math at All Times by: Mechel "laechel" Agpaoa."
"Pero, paano pag-gusto ka naming maging tutor kuya? Pwede mo ba kaming tutoran? Pretty please?" pagmamakaawa na may halong paCute effect ni Louella.
"What?! Tutor? Haha! NO! Wala akong time diyan. Busy akong tao. Mahirap ang pagiging engineering student at isa pa, may paminsan-minsang gig kami ng banda ko."
"Please kuya?" sabay na sabi naman ng dalawa na may sabay pang pout at puppy eyes.
Nagmamakaawa pa rin ang dalawa, pero wala akong sagot. Pero, ang cute nitong dalawa. Hanggang kung saan-saan pa napunta ang usapan namin. 'Yung interview na pamimilit, nakalimutan na. Ang kulit nitong dalawa eh. Hanggang 'di na namalayan ang oras. Nagutom si Louella at saka lang naisip na idismiss ako sa kalokohan nilang dalawa.
"Kuya! Super thanks much sa time-ness mo ha. It was such a great memory to reminisce and I don't know what will be my next word."sabi ni Louella na biglang natahimik.
"Haha! Sige alis na ako ha! See you around!" (Akmang tatalikod na ako ng biglang hinawakan ni Lei ung kamay ko)
"Oops! Meryenda mo kuya! Kunin mo 'to! Kasi pag hindi !!!!"
"Pag hindi??"pag-tatanong ku naman.
"Isusumbong kita sa nanay ko! (habang nakataas ang kanang kamay na parang akmang susuntok sa akin)"
"Haha! Sige salamat ha. But don't you think it's gentler if I'm the one who must be giving you foods?"tanong ko naman sa kanila
"Ay maghanap ka ng kausap mo kuya. Ka-nosebleed ka po!"sabi ni Lei
"Tara na nga kuya at sabay na po tayong lumabas ng canteen. Hindi rin naman kami magstay pa dito eh"sabi naman ni Louella
Naglalakad ako kasama sina Lei at Louella. Doon kami naglakad sa may mga bench. Ang iingay kasama nitong dalawa, kaya 'di ako magtataka na mga freshmen sila. Mukhang 'di pa nakakaMove on sa pagiging elementary. May naririnig akong pinag-uusapan nila, "Cassiopeia" ang name. Ilang beses kong narinig 'yun mula pa nung ini-interview nila ako sa canteen, pero dedma lang. 'Di ko kilala eh.
BINABASA MO ANG
Till We Meet Again (On Going)
Novela JuvenilDON'T JUDGE THE STORY BY ITS TITLE. May mga nagsabi kasi na pangHeavy drama daw 'yung story ko kaya ayaw basahin? AKALA MO LANG 'YUN! HAHAHA! --- So in this story, you'll meet Cassiopeia. A girl with a very rare dream. Ang maipasa ang Algebra at Tri...