A/N: This is a side-story about Jungmo-Hyeongjun-Minhee relationship kaya the settings will be in different timeframe for us to understand what really happened to them. Lahat po ng chapters na naka italicized ay flashback lang, normal text means na nasa present time na tayo. I suggest na basahin po muna ang Kismet para maintindihan natin yung timeframes.
"Ang gwapo talaga." Ani Jungmo habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Isinakbit na nito ang bag sa kaniyang balikat at saka lumabas ng kaniyang kwarto para dumiretso sa dining room para mag almusal.
"Good morning." Nakangiting bati ni Allen sa kinakapatid. Nakabihis na rin ito ng kaniyang school uniform.
"Good morning." Bati ni Jungmo kay Allen at sa pamilya niya na ngayon ay kumakain na rin at saka naupo sa may harapan ni Allen. "How was your sleep?" Tanong ni Jungmo habang kumukuha ng fried rice.
"I had a nightmare. Pero nakatulog naman ako nang maayos after." Sagot ni Allen. Isang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang pumanaw ang mga magulang nito. Pamilya ni Jungmo ang kumupkop kay Allen dahil wala na itong pamilya na malapit sa kaniya.
"Gusto mo doon ka na lang din matulog sa kwarto ko para may kasama ka?" Suggestion ni Jungmo pero agad na tumanggi si Allen.
"Madalang naman na yung mga nightmares ko. Isa pa nakakahiya na masyado sa'yo, Jungmo." Ani Allen.
"You're already part of our family, Allen. Sanayin mo na ang sarili mo na maging kumportable rito sa bahay." Ani ng Eomma ni Jungmo. Maliit na ngiti lang ang ibinigay ni Allen at saka tumango.
Matapos kumain ay nagpaalam na sina Jungmo at Allen para pumasok sa school. Hindi naman kalayuan ang school sa bahay nila Jungmo kaya nagdesisyon sila na mag lakad na lang.
"First day mo ngayon sa school. How are you feeling?" Tanong ni Jungmo.
"Medyo kinakabahan. Foreigner ako eh."
"You'll be fine. Mas magaling ka mag Korean sa akin." Natatawang sabi ni Jungmo. Ngumiti lang si Allen sa sinabi ng kinakapatid. Nagpatuloy na sila sa paglalakad at nang makarating sila sa labas ng school ay saglit na huminto si Allen para tingnan ang itsura ng magiging school niya sa mga susunod na taon.
"Let's go?" Tanong ni Jungmo. Ngimiti lang si Allen at saka tumango. Nagpatuloy na sa paglalakad sina Allen hanggang sa marating nila ang bulletin board para tingnan kung anong section sila kabilang.
"Hindi tayo classmates." Kunot-noong sabi ni Jungmo.
"Okay lang." Nakangiting sabi ni Allen. "I'll make new friends naman siguro sa class ko. Kailangan ko lang hanapin kung saan ang 9-3."
"9-3 ka? Same class tayo." Nakaramdam ng tapik si Allen sa balikat niya kaya naman agad niyang tiningnan ang taong tumapik sa kaniya. Itim ang buhok nito at mas matangkad ng kaunti sa kaniya. Mukha itong bata dahil sa malaki nitong mata."
"Grade nine ka rin? Bakit mukha kang grade five?" Tanong ni Allen. Sumimangot naman ito sa sinabi ni Allen.
"Umaga pa lang binabastos mo na ako. Saka mas mukha kang grade five sa akin." Sagot ng lalaki.
"Sorry." Ani Allen at saka nag bow. "I'm Allen." Pagpapakilala ni Allen sa sarili.
"Allen? Allen maliit." Sagot ng lalaking may pink na buhok at saka tumawa.
"Mukha kang basang cotton candy." Sagot ni Allen dito.
"Pasmado bibig mo."
"Wonjin manahimik ka nga." Sabi ng unang lalaki na kumausap kay Allen. "Ako nga pala si Hyeongjun. Ito naman si Wonjin." Pagpapakilala ni Hyeongjun at saka itinuro si Wonjin na pink ang buhok.

BINABASA MO ANG
Serendipity [ON-HOLD]
FanfictionJungmo, Hyeongjun, and Minhee side story from Kismet.