"Ang ganda pala ng bahay niyo Jungmo." Manghang sabi ni Hyeongjun habang inililibot ang mga mata sa loob ng bahay nila Jungmo. Naandito sila ngayon dahil gagawa ng project sina Allen para sa arts class nila.
"Thanks." Nakangiting sabi ni Jungmo. "Sa veranda na lang tayo para mas malawak." Nagtungo ang magkakaibigan sa likurang bahagi ng bahay nila Jungmo kung saan matatagpuan ang veranda. Pagkarating ay ibinaba nina Hyeongjun ang bitbit nila at saka nagsipag-unat na tila ba ngalay na ngalay ang mga ito sa pagbubuhat. Tiningnan ni Jungmo ang mga telang bitbit nila Hyeongjun.
"Magtatayo ba kayo ng boutique?" Tanong ni Jungmo.
"Gagawa kami ng damit." Sagot ni Wonjin.
"That explains the sewing kit." Ani Jungmo. "Kailangan niyo ba ng sewing machine? We have one."
"We need to make clothes by hand." Sagot ni Hyeongjun.
"Alangan naman gamitin mo paa." Sabi ni Jungmo at saka ito tumawa. Natahimik sina Allen pero agad ding napalitan ang katahimikan nang biglang tumawa si Minhee.
"That's a good joke!" Natatawang sabi ni Minhee kaya tumawa rin si Hyeongjun habang nakatingin kay Minhee dahil tumatawa ito. Natigilan naman sa pagtawa si Jungmo dahil rito.
'Hindi naman siya sa akin natawa.' Aniya sa sarili.
"We need to sew the clothes manually Jungmo. Malalaman niya raw pag ginamitan namin ng sewing machine." Sagot ni Allen.
"I know how to sew. Tulungan ko na lang kayo." Pagvolunteer ni Jungmo.
"Talaga marunong ka Jungmo?" Tanong ni Hyeongjun.
"Tinuruan ako ni eomma. Sabi niya dapat daw marunong ako."
"Ang galing naman. You're almost perfect Jungmo." Nakangiting sabi ni Hyeongjun.
"Mas perfect kung kayong dalawa ang magkakatuluyan." Ani Wonjin kaya naman pinandilatan siya ni Hyeongjun.
"Hehe Wonjin ang galing mo rin hehe." Sagot ni Hyeongjun. Nakangiti ito kay Wonjin habang nanlalaki pa rin ang mata.
"Yieee kinikilig siya." Pang-aasar ni Wonjin.
"Hindi ka titigil?" Ani Hyeongjun. Nakangiti pa rin ito kaya naman natawa na lang si Jungmo.
"Crush mo si Jungmo ano?" Natatawang sabi ni Wonjin.
"Isa pang asar mo papaltukan kita sa bunbunan." Seryosong sabi ni Hyeongjun kaya naman pumagitna na si Jungmo sa dalawa.
"Tama na 'yan. Mag start na tayo para mabilis din tayong matapos." Ani Jungmo. Agad na inilatag nila Hyeongjun ang mga gagamitin nila para sa pag gawa ng mga damit.
"First, we need to have our body measurements." Ani Wonjin habang binabasa printed copy ng pag gawa ng damit.
"Dalawa lang yung tape measure natin and since by partner naman tayo, tag-isa na lang." Sabi ni Allen habang hawak ang tape measure na gagamitin nila.
"Okay Minhee tumayo ka na." Ani Hyeongjun at saka kinuha ang isang tape measure kay Allen.
"Partners." Bulong ni Allen kay Jungmo. Napakagat na lang si Jungmo sa kaniyang labi.
"Waist." Ani Hyeongjun at saka yumakap kay Minhee para ipaikot sa waist nito ang tape measure na hawak niya. Nakangiti lang si Hyeongjun habang tinetake note ang measurements ni Minhee dahil pasimple niya itong nayakap.
BINABASA MO ANG
Serendipity [ON-HOLD]
FanfictionJungmo, Hyeongjun, and Minhee side story from Kismet.