Kang

12 2 0
                                        

Napakagat na lang si Jungmo sa kaniyang labi habang pinakikinggan sina Wonjin at Hyeongjun na nag-uusap sa loob ng classroom. Nakasandal si Jungmo sa may dingding ng labas ng classroom habang nasa harapan naman nito si Allen na nakikinig din sa usapan nila Hyeongjun. Dahil nakapwesto sila Hyeongjun malapit sa may pintuan sa may likuran ng classroom nila ay rinig na rinig sila nina Allen. Rinig na rinig ni Jungmo ang mga dahilan ni Hyeongjun kung bakit nito gusto si Minhee. Aminado si Jungmo na nagseselos niya pero wala siyang magagawa dahil mas nauna si Minhee. Mas unang nakilala ni Minhee si Hyeongjun at si Minhee ang may dahilan kung bakit umaapaw ang confidence ni Hyeongjun ngayon. Napaupo na lang si Jungmo sa sahig habang nakikinig pa rin sa usapan nila Hyeongjun. Hindi nito napansin na nasa loob na rin pala si Allen.

"Si Minhee paparating na." Rinig ni Jungmo na sabi ni Allen. Iniwas ni Jungmo ang mukha niya sa direksyon ni Minhee para hindi siya nito makita.

Napatingin si Jungmo kay Wonjin na nakatayo sa doorway katabi ni Allen. Nakatingin din ito sa kaniya at bakas ang gulat sa itsura nito.

"Libre mo na lang ako."

"Sige, after school gusto mo?"

"Pwede naman tutal wala naman akong gagawin mamaya."

Agad na tumayo si Jungmo nang marinig niya ang usapan nina Hyeongjun at Minhee. Pasimple itong sumilip sa may pintuan ng classroom at nakita niya kung gaano kasaya ang mga mata ni Hyeongjun habang kausap niya si Minhee. Agad na tumalikod si Jungmo dahil hindi na nito gusto ang Nakita niya. Nang lumabas si Wonjin ng classroom ay napagdesisyunan ni Jungmo na sundan na lang ito kung saan man siya pupunta.

"Libre mo ako mamaya Jungmo." Ani Wonjin nang makalayo sila sa classroom nila.

"Bakit naman kita ililibre?" Sagot ni Jungmo.

"Alam kong kailangan mo ng makakausap. Free ako mamaya."

"At talagang ikaw na yung nag schedule?"

"Oo at huwag kang mag-alala, hindi na ako maniningil ng professional fee. Ilibre mo na lang ako." Ani Wonjin.

"Totoo nga yung sabi ni Hyeongjun. Palibre ka." Sabi ni Jungmo.

"Allen kinakapatid mo nga 'to. Matabil din yung dila. Maliit ka lang Allen pero pareho kayo."

"Pwede ka rin maging kinakapatid namin, Wonjin. Bastos din 'yang bibig mo minsan eh." Taas kilay na sabi ni Allen.

"Basta naka set na ha. Ililibre tayo ni Jungmo mamaya."

"Uy teka hindi pa ako nag-aagree."

"Ako na mag-aagree para sa'yo Jungmo. See you later." Ani Wonjin at saka bumalik sa classroom nila.

"Tatagan mo lang Jungmo. Idamay mo na yung wallet mo." Sabi ni Allen habang marahang tinatapik sa balikat si Jungmo. Bumalik na sa classroom si Allen habang naiwan naman sa hallway si Jungmo.

"Ibang Allen na ata yung nakausap ko." Napakamot na lang ng ulo si Jungmo bago ito pumunta sa classroom niya.

-

"Geonbae!" Ani Wonjin at saka itinaas ang frappe na inumin niya. Tiningnan naman siya nila Jungmo at Allen na tila ba hinuhusgahan siya nito.

"Killjoy niyo naman. Iinom nga tayo kasi broken si pareng Jungmo." Reklamo ni Wonjin.

"Frappe yung hawak mo, hindi soju." Ani Allen.

"Naka school uniform tayo tapos gusto niyo mag soju tayo?" Sagot ni Wonjin.

Serendipity [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon