Naniningkit ang mga mata ni Wonjin habang tinitingnan si Hyeongjun mula ulo hanggang paa. Nasa bahay siya nina Hyeongjun upang sunduin ito dahil sabay silang papasok gaya ng nakagawian nila.
"Maka tingin? Ano ka x-ray?" Ani Hyeongjun.
"May kakaiba sa'yo." Sagot ni Wonjin.
"Grabe napansin mo agad?"
"Oo pero iniisip ko pa kung ano 'yung kakaiba." Saglit pang sinuri ni Wonjin si Hyeongjun at nang mapansin niya ang kakaiba sa matalik na kaibigan ay agad niya itong binatukan.
"Aray ha!" Reklamo ni Hyeongjun.
"Ano'ng naisip mo at bigla kang nagkaroon ng nunal sa ilalim ng kaliwang mata mo?" Tanong ni Wonjin habang tinuturo ang nunal sa may pisngi sa ilalim ng kaliwang mata ni Hyeongjun.
"Ako si Koo Eun Jae." Sagot ni Hyeongjun.
"Ang dami mong alam Hyeongjun, mag-aral lang hindi."
"Beauty mark kasi 'to Wonjin. Nabasa ko na attractive daw pag may beauty mark. Malay mo magustuhan ni Minhee." Ani Hyeongjun.
"Desidido ka talaga na magustuhan ni Minhee ano?" Tanong ni Wonjin kay Hyeongjun.
"Kaya nga ako nag take ng acceleration test diba. Saka kindergarten pa lang crush ko na siya. Kaya gagawin ko lahat para lang magustuhan ni Kang Minhee."
"The things you do for love." Ani Wonjin habang pinapat sa ulo si Hyeongjun.
Nagsimula nang maglakad ang dalawa pupuntang school. Pagkaliko nila sa kanto ng street ay sakto namang nakita nilang lumabas sina Allen at Jungmo mula sa isang bahay.
"Allen hyung!" Masayang sabi ni Hyeongjun at saka tumakbo papalapit kina Allen.
"Dito kayo nakatira?" Tanong ni Hyeongjun habang tinuturo ang bahay kung saan galing sina Allen.
"Bahay nila Jungmo 'yan. Nakikitira lang ako." Sagot ni Allen.
"Ang ganda ng bahay niyo. Pwede makitulog?" Tanong ni Hyeongjun kay Jungmo. Napangiti naman si Jungmo sa sinabi ni Hyeongjun.
"Oo naman." Sagot ni Jungmo.
"Kaso hindi pa tayo close eh. Pag close na tayo makikitulog ako sa inyo." Nakangiting sabi ni Hyeongjun.
Tahimik lang na pinagmamasdan ni Wonjin sina Hyeongjun at Jungmo. Ganoon din si Allen na tila ba may napapansin na rin sa mga ngiti ni Jungmo.
"Tara na at baka malate pa tayo." Ani Allen kaya naman nagsimula na silang maglakad.
"Pwede pala tayong sabay-sabay na pumasok since magkakalapit lang bahay natin." Suggestion ni Hyeongjun.
"I like that idea." Nakangiting sabi ni Jungmo. Naiisip pa lang niya na sabay silang papasok ni Hyeongjun ay napapangiti na siya.
Nang makarating sila sa school ay inihatid ni Jungmo sina Allen sa classroom nila. Hindi agad pumasok ng classroom si Allen na siyang ipinagtaka ni Jungmo. Humarap si Allen kay Jungmo at saka ito ngumiti.
"Crush mo si Hyeongjun?" Tanong nito.
"Hindi ah." Sagot ni Jungmo. Walang bahid ng emosyon sa mukha nito.
"Halata ka masyado Jungmo. Huwag mo na itanggi."
"Sobrang halata ba?" Tanong ni Jungmo. Bakas ang pagkabahala sa boses nito kaya naman natawa si Allen.
BINABASA MO ANG
Serendipity [ON-HOLD]
FanfictionJungmo, Hyeongjun, and Minhee side story from Kismet.