"Kelan mo pa naging pwesto 'yan?" Tanong ni Wonjin kay Hyeongjun na ngayon ay nakaupo sa tabi ng upuan ni Minhee.
"Huwag mo nga akong pakialaman Wonjin. Nakikiupo lang naman ako." Sagot ni Hyeongjun. "Saka wala pa naman ni Minhee. Aantayin ko lang naman siya."
"Stalker ka talaga kahit kailan Hyeongjun." Ani Wonjin at saka tiningnan si Hyeongjun na tila ba nandidiri ito sa bestfriend niya.
"Secret admirer ako Wonjin, hindi stalker."
"Pinaganda mo lang, creepy pa rin pareho."
"Cute akong tao Wonjin kaya hindi ako creepy sa paningin."
"I love your confidence. It makes me want to puke."
"Ang pangit mo kausap Wonjin. Wala kang suporta sa bestfriend mo."
"Suportado naman kita. Pero bakit ba gustong-gusto mo 'yang si Minhee?"
"Siya yung savior ko eh." Nakangiting sagot ni Hyeongjun. "Diba nga I was a chubby kid. Noong second grade kami lagi akong binubully ng mga classmates namin. Si Minhee lang yung may lakas ng loob na lumaban sa kanila. Takot sila kay Minhee kasi si Minhee pinaka matangkad sa classroom. Kung hindi dahil kay Minhee, hindi ko gugustuhin yung sarili ko ngayon kasi siya yung tumanggap sa akin kahit ano pa ang itsura ko before."
"Pero hindi ka niya gusto." Sagot ni Wonjin kaya naman sumimangot si Hyeongjun.
"Alam mo Wonjin, gusto kitang murahin ngayon." Seryosong sabi ni Hyeongjun kaya naman ngumiti si Wonjin at saka ito niyakap.
"Basta tandaan mo lang na pag hindi maging kayo ni Minhee, may isang tao na naghihintay lang sa'yo." Ani Wonjin habang yakap-yakap si Hyeongjun kaya agad naman siyang itinulak nito.
"May gusto ka sa akin?!" Gulat na sabi ni Hyeongjun.
"Kadiri ka Hyeongjun ano 'to lasunan?" Nandidiring sabi ni Wonjin.
"Sabi mo kasi may taong naghihintay sa akin tapos sinabi mo pa 'yun habang yakap mo ako."
"Ewan ko sa'yo Hyeongjun ang pangit mo rin kausap."
"Gaya-gaya ka ng line Wonjin kopyador ka talaga ng bayan."
"Pareho lang tayong nangongopya."
"At least ako kay Allen hyung lang nangongopya. Ikaw nga gumagala pa."
"At least ako pinaghirapan ko yung pangongopya ko. Pinagpaguran ko 'yun Hyeongjun. Kabado pero pasado." Sagot ni Wonjin.
"At talagang proud pa kayo sa pangongopya niyo?" Sagot ni Allen na ngayon ay nasa may likuran nila habang nakasandal sa frame ng pinto na nasa may likurang bahagi ng classroom. .
"Si Wonjin, Allen hyung. Proud na nangongopya." Pagsusumbong ni Hyeongjun kay Allen.
"Ikaw rin naman ah Hyeongjun. Kay Allen ka nga nangongopya." Sagot naman ni Wonjin.
"Nag-away pa. Si Minhee paparating na." Sagot ni Allen habang nakasilip sa may pinto. Ilang segundo pa pumasok na sa may harapang pintuan si Minhee.
"Umalis ka na rito Wonjin." Sagot ni Hyeongjun. Tumayo naman si Wonjin at saka tumabi kay Allen.
"Hello Minhee." Nakangiting bati ni Hyeongjun kay Minhee. Ngumiti rin ito pabalik kaya naman ganoon na lang ang kilig ni Hyeongjun.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Hyeongjun kay Minhee. Ilang araw din kasi itong hindi nakapasok dahil sa nagkasakit ito.
"Okay naman na. Kahapon magaling na ako pero hindi muna ako pinapasok ni eomma para daw sigurado." Sagot ni Minhee.
BINABASA MO ANG
Serendipity [ON-HOLD]
FanfictionJungmo, Hyeongjun, and Minhee side story from Kismet.