Isang impit na kilig ang lumabas sa bibig ni Hyeongjun habang busy ito sa kaniyang cellphone. Matapos kumalma ay nanatili itong nakangiti. Ilang segundo pang ang nakalipas ay hindi na naman ito mapakali sa pagkakahiga nito sa kaniyang kama.
"Mukha kang bulateng inasinan." Ani Wonjin habang nakatingin kay Hyeongjun. Hawak nito ang magazine na kaniyang binabasa.
"Pakialam mo ba Wonjin. Magbasa ka na nga lang diyan." Masungit na sabi ni Hyeongjun pero agad ding napalitan ng ngiti ang pagkakasimangot nito nang humarap siyang muli sa kaniyang cellphone.
"Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo diyan ha?" Tanong ni Wonjin.
"Kausap ko kasi si Minhee." Nakangiting sabi ni Hyeongjun.
"Alam na ba niya na stalker ka niya?"
"Ang kulit ng bunbunan mo Wonjin. Hindi nga kasi ako stalker."
"Okay sige, alam na ba ni Minhee na creepy admirer ka niya?" Ani Wonjin.
"Ang pangit mo talaga kausap Wonjin kahit kailan. Bakit ba andito ka pa ha? Tapos na tayong kumain ng lunch diba, bakit hindi ka pa umuuwi?" Inis na sabi ni Hyeongjun.
"Kasi alam kong gusto mo na naandito ako." Sagot ni Wonjin. Napangiti naman si Hyeongjun.
"Libre mo akong ice cream Wonjin para matuwa ako lalo sa'yo."
"Tara." Agad na tumayo si Hyeongjun at saka lumabas ng kwarto niya. Napangiti na lang si Wonjin sa inasal ng bestfriend niya.
"So ano yung ganap mo kanina?" Tanong ni Wonjin habang naglalakad silang dalawa papupunta sa ice cream store malapit sa school nila.
"Magkausap lang kami ni Minhee kanina."
"Alam ko naman na lagi kang Kinikilig pag kausap siya pero iba yung kilig mo kanina. Anong meron?"
"Nag-open lang siya ng future plans niya."
"Kinilig ka na dun?" Ani Wonjin. Tiningnan naman siya ng Hyeongjun na para bang na-offend sa sinabi ng bestfriend niya.
"Mali ba na kiligin ako ha Wonjin? Nag kwento siya sa future plans niya."
"Oh tapos?"
"Seryoso ka sa tanong mo?"
"Oo." Simpleng sagot ni Wonjin.
"Ibig sabihin gusto niya akong maging parte ng buhay niya kasi nagsasabi siya sa akin ng future plans niya." Proud na sabi ni Hyeongjun.
"Kasama ka ba sa future plans niya?"
"Hindi."
"Hindi naman pala eh."
"Naiinggit ka lang Wonjin kasi walang nagkukwento sa'yo."
"Kakakwento mo lang sa akin." Ani Wonjin.
"Ah basta. Tatlong scoops ng ice cream yung bibilhin mo para sa akin."
"Chopoo, Wonjin!" Ani Jungmo pagkapasok nila Hyeongjun sa loob ng store.
"Chopoo?" Bulong ni Allen.
"Choco poodle." Mahinang sagot ni Jungmo. "I'll explain it to you later." Dagdag nito nang makita niyang Kumunot ang noo ni Allen.
"Oh Mogu, Allen hyung, andito pala kayo." Masayang bati ni Hyeongjun kina Jungmo.
"Galing kami sa flower shop diyan sa tabi. Bibisitahin kasi namin ang parents ni Allen. Naisipan namin na bumili ng ice cream." Ani Jungmo. Napatingin naman si Hyeongjun sa basket ng white tulips na hawak ni Allen.
BINABASA MO ANG
Serendipity [ON-HOLD]
FanfictionJungmo, Hyeongjun, and Minhee side story from Kismet.