Warm

6 1 0
                                    

"Nauna ulit si Jungmo, Allen Hyung?" Tanong ni Hyeongjun pagkarating nila ni Wonjin sa tapat ng bahay nila Jungmo.

"Marami raw kasi siyang tatapusin." Sagot ni Allen.

"Hindi ka sure." Ani Wonjin.

"Bakit hindi sure?" Tanong ni Hyeongjun.

"Hindi mo pa pansin isang linggo nang hindi sumasabay sa atin si Jungmo. May ginawa ka kasi." Sagot ni Wonjin.

"Anong ginawa ko?"

"Malay ko sa'yo. Kahapon diba hindi ka nakapasok? Kasabay naman namin siya papasok saka pauwi."

"Hala anong ginawa ko?" Nag-aalalang tanong ni Hyeongjun. Nagkibit-balikat lang si Wonjin. Naka kunot-noo lang si Hyeongjun habang naglalakad sila papasok sa school kaya naman hindi maiwasan na matawa ni Wonjin.

Pagkarating sa school ay agad na dumiretso sina Wonjin pupunta sa classroom nila. Nang padaaan na sila sa classroom nila Jungmo ay nakita nilang lumabas ng classroom si Jungmo ngunit agad din itong pumasok sa nang makita niya sila Allen.

"Sabi sa'yo eh." Ani Wonjin. Napakagat na lang sa kaniyang labi si Hyeongjun dahil pinipigilan nito ang umiyak. Nagmadaling maglakad papasok si Hyeongjun kaya naman agad na hinampas ni Allen sa braso si Wonjin.

"Siraulo ka talaga Wonjin. Pag si Hyeongjun biglang umiyak hindi kita tutulungan." Ani Allen.

"Hayaan mo lang si Hyeongjun. Ilibre ko lang ng ice cream 'yun okay na siya."

"Ikaw bahala."

Pagpasok nila sa classroom ay nakaupo na sa kaniyang upuan si Hyeongjun pero nakakunot pa rin ang noo nito kaya hindi maiwasan ni Hyeongjun na mainis kay Wonjin dahil sa pantitrip nito kay Hyeongjun.

Buong klase nila ay tahimik lang si Hyeongjun. Hindi na ito nakapag focus sa pakikinig dahil iniisip pa rin nito kung galit nga sa kaniya si Jungmo. May ilang beses na kinausap siya ni Allen ngunit hindi niya ito agad nasasagot dahil nabobother siya.

Pagdating ng lunch ay hindi pa rin nila kasama si Jungmo kaya naman walang gana kumain si Hyeongjun.

"Bakit hindi ka kumakain? Hindi mo gusto yung food?" Tanong ni Minhee kay Hyeongjun.

"Hindi ako nagugutom." Ani Hyeongjun at saka nag pout.

"Samahan mo ako Hyeongjun." Sabi ni Allen pagkaayos niya ng pinagkainan niya. Inayos na rin nito ang lunchbox ni Hyeongjun dahil hindi niya naman ito ginalaw.

"Saan tayo pupunta Allen Hyung?" Tanong ni Hyeongjun.


"Sa labas. Halika na." Tumayo na si Allen kaya naman sumunod sa kaniya si Hyeongjun. Agad silang lumabas at saka dumiretso sa bobba shop sa may harap ng school nila.

"Gusto mo lang pala ng bobba Allen Hyung, kinaladkad mo pa ako." Ani Hyeongjun habang umorder sila ni Allen.

"Pupuntahan natin si Jungmo. Bibili lang tayo ng peace offering mo sa kaniya." Sagot ni Allen.

"So may kasalanan nga talaga ako sa kaniya Allen Hyung?" Malungkot na sabi ni Hyeongjun.

"Ewan ko. Kaya nga natin siya pupuntahan para malaman mo. Kanina pa kasi naka kunot yung noo mo."

"Wala bang nasabi sa'yo si Mogu?" Tanong ni Hyeongjun.

"Mogu?"

"Si Jungmo."

Serendipity [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon