Circus

9 0 0
                                        

"School election na ulit. Do you have any plans this year?" Tanong ni Allen kay Jungmo habang nakaupo silang dalawa sa may bench na nasa veranda ng bahay.

"Allowed na tayong tumakbo for the highest position ngayon." Sagot ni Jungmo.

"You'll run for council president?" Tanong ni Allen. Umiling naman si Jungmo.

"I'm not ready for big responsibilities. I guess I'll run for vice para alalay lang." Ani Jungmo bago ito uminom sa juice na hawak niya. "Sana lang manalo." Nag-aalalang sabi ni Jungmo.

"Nakalimutan mo ba na you're kind of famous? Without a doubt I know you'll win."

"You think so?"

"I know so." Siguradong sabi Allen.

"Sana nga."

-

"Ang hirap maging estudyante." Ani Hyeongjun habang nakahiga sa sahig school gymnasium.

"Tell me about it." Dagdag ni Allen na ngayon ay nakahiga sa tabi ni Hyeongjun. "Foreigner pa ako." Tumagilid ng higa si Hyeongjun at saka itinukod ang kaniyang kamay para may masandalan ang kaniyang ulo.

"Bilib nga ako sa'yo Allen hyung kasi kaya mong makipag sabayan kahit foreigner ka."

"Kung alam mo lang, Hyeongjun. I need to study all day and all night just to keep up. Mahirap mag focus lalo na pag nasa stage ka pa rin ng grieving. Being a student without having your parents to guide you is really hard. Mabuti na lang andyan kayo." Ani Allen.

"Hindi kita matutulungan academically kasi mas hindi niyo abot yung intelligence ko Allen hyung, kaya support system mo na lang ako." Sagot ni Hyeongjun.

"Pang outer space kasi 'yang intelligence mo Hyongjun." Sagot ni Wonjin na ngayon ay nakaupo sa sahig habang nag-aayos ng sapatos niya.

"We share the same braincells, Wonjin."

"Alam kong bestfriend kita Hyeongjun pero minsan ang offensive mo rin magsalita."

"Kaya nga bestfriends tayo." Nakangiting sabi ni Hyeongjun. Ngumiti rin si Wonjin at saka dumagan kay Hyeongjun para yakapin ito. Masaya namang pinagmasdan ni Allen ang dalawang kaibigan niya.

"Magyayakapan lang kayo diyan?" Tanong ni Minhee. "Tayo na lang naiwan dito." Agad na napabangon sina Allen at saka tumingin sa paligid ng gymnasium.

"Mag mall tayo. Tutal wala naman tayong afternoon class." Suggestion ni Wonjin.

"Sakto nagugutom na ako." Sagot Hyeongjun habang hinihimas ang tiyan nito.

"Chat ko lang si Jungmo baka gusto niya sumama." Ani Allen at saka naglakad patungo sa bleachers ng gymnasium para kunin ang cellphone nito sa bag niya.

"Na-chat ko na, sasama raw siya" Sabi ni Wonjin at saka ipinakita kina Allen ang cellphone niya.

"Basta talaga pagkakataon na magpalibre ang bilis mo Wonjin."

"I'm just being a good friend. Tinutulungan ko lang siya na matupad yung pangarap niya."

"Pangarap niyang makapunta sa mall?" Tanong ni Hyeongjun.

"Buti na lang talaga cute ka Hyeongjun. Asset mo 'yan." Nakangiting sabi ni Wonjin bago ito tumayo mula sa pagkakaupo.

'Utak mo naman yung liability mo.' Isip ni Wonjin sa sarili habang naglalakad palabas ng school gymnasium.

Serendipity [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon