GORJ

7 3 0
                                    

Tumingin si Allen sa may pinto nang marinig nito na may kumakatok. Bumungad sa kanya ang nakangiting si Jungmo.

"Itatanong ko lang sana kung tapos ka na mag-ayos." Nakangiting sabi ni Jungmo.

"Hindi pa aalis sina Hyeongjun, don't worry. Kausap ko siya sa chat." Sagot ni Allen habang inaayos ang gamit niya at saka ipinakita kay Jungmo ang cellphone niya kung saan naka open ang chat room nilang dalawa ni Hyeongjun.

"Kausap mo pala siya." Ani Jungmo.

"Lagi naman since madalas magkasama kami sa groupings."

"Maingay din ba siya sa chat?" Tanong ni Jungmo. Tiningnan naman siya ni Allen na parang hinuhusgaan siya nito.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ni Jungmo.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Panggagaya ni Allen kay Jungmo. "Sabihin mo lang Jungmo kung gusto mong makachat si Hyeongjun, pwede naman kitang I-add sa group chat namin." Ani Allen. Ngumiti naman ng malawak si Jungmo sa sinabi ng kaibigan.

"Talaga?" Nakangiting sabi ni Jungmo.

"Gusto mo ba?" Tanong ni Allen. Tumango naman na parang bata si Jungmo.

"Okay." Ani Allen at saka may ginawa sa cellphone niya. "Okay na."

"Thanks Allen. I owe you one." Masayang sabi ni Jungmo at saka lumabas ng kwarto ni Allen. Ipinagpatuloy na ni Allen ang pag-aayos. Tumingin muna ito sa salamin at nang masiguro na okay na ang itsura niya ay kinuha na niya ang kaniyang bag at saka lumabas ng kwarto. Pag baba ni Allen ay nakita nito si Jungmo na naka-upo sa may couch sa living room habang nakasimangot.

"Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Allen.

"Hindi mo sinabi na nasa group chat pala si Kang Minhee." Ani Jungmo at saka masamang tiningnan si Allen.

"Ang sabi ko lang diba I-aadd kita sa group chat namin. Wala naman akong sinabi na wala doon si Minhee." Sagot ni Allen at saka naglakad na pupunta sa may pintuan para magsuot ng sapatos. Sumunod naman sa kaniya si Jungmo.

"Bakit ba ang sungit mo Allen?"

"Sino kaya yung nakasimangot sa ating dalawa?" Tuluyan nang lumabas si Allen. Dali-dali namang nagsuot ng sapatos si Jungmo nang marinig niya ang boses ni Hyeongjun mula sa labas.

"Allen hyung!" Masayang bati ni Hyeongjun habang nakasilip sa may uwang ng gate nila Jungmo.

"Huy umatras ka nga rito Hyeongjun. Mukha kang akyat-bahay diyan." Ani Wonjin habang marahan na hinihila si Hyeongjun.

"Manahimik ka nga diyan Wonjin." Ani Hyeongjun habang nakaharap kay Wonjin para tapikin ang kamay nito. Pagbalik ni Hyeongjun ng tingin niya sa may gate ay sakto namang bumukas ito kaya naman tinamaan si Hyeongjun sa kaniyang noo. Isang malakas na tawa naman ang nanggaling kay Wonjin habang tinuturo si Hyeongjun na napahiga sa sahig.

"Hyeongjun sorry! Hindi ko napansin na nasa may harap ka ng gate." Ani Allen habang inaalalayan nilang dalawa ni Jungmo si Hyeongjun na makatayo.

"Sinabihan ko na kasi 'yan, ayaw makinig." Sagot ni Wonjin. Nagsimula nang maglakad ang magkakaibigan.

"Gusto ko kasing makita yung itsura sa loob." Ani Hyeongjun.

"Edi sa bahay na lang natin gawin yung art project natin." Suggestion ni Allen.

"Gusto ko 'yan Allen hyung!" Masayang sabi ni Hyeongjun. "Excited na ako!" Patuloy lang sila sa paglalakad nang mapansin ni Hyeongjun ang nakasimangot na si Jungmo.

Serendipity [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon