Macchiato

10 2 3
                                    

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Jungmo sina Minhee at Hyeongjun na ngayon ay nagkukulitan habang naglalakad sila sa loob ng mall. Wala silang pasok ngayong araw kaya naman napagdesisyunan ng magkakaibigan na mamasyal.

"Pumikit ka para hindi ka masaktan." Saglit na tinapunan ni Jungmo ng tingin si Wonjin na katabi niya.

"Edi nabunggo naman ako." Sagot ni Jungmo. "Sana okay ka lang Wonjin."

"Malas mo kasi may ibang gusto yung taong gusto mo."

"Paano kung magkagusto rin siya sa akin?"

"Hindi naman imposible. Ang kaso, crush na crush ni Hyeong si Minhee. You need to work hard para magustuhan ka niya. And when I say work hard, play it fairly." Ani Wonjin.

"Mukha ba akong mandurugas sa'yo?" Tanong ni Jungmo.

"Hindi. But desperate people do cheat sometimes. Ayoko lang maging torn sa inyong dalawa sni Minhee si Hyeongjun. I'm his bestfriend kaya I want what's the best for him."

"What if I'm the right person for him?"

"Prove it then." Sagot ni Wonjin at saka tumingin kay Jungmo. Napabuntong hininga na lang ito sa hamon ng kaibigan.

-

"How do I look?" Tanong ni Jungmo kay Allen na ngayon ay nagtitingin ng damit. Suot-suot ni Jungmo ang damit na napili niya. Sinipat ni Allen ang suot ni Jungmo bago ito nagsalita.

"Bagay sa'yo." Sagot ni Allen. "Tanungin mo si Hyeongjun kung anong tingin niya." Pang-aasar ni Allen.

"Tumigil ka nga." Ani Jungmo.

"Hyeongjun." Tawag ni Allen kay Hyeongjun. Pinandilatan naman ni Jungmo ng mata si Allen.

"Bakit Allen hyung?" Tanong ni Hyeongjun kay Allen.

"Gwapo ba si Jungmo sa suot niya?" Tanong ni Allen. Saglit na tiningnan ni Hyeongjun si Jungmo at saka ito ngumiti.

"Ang gwapo mo. Kahit ano naman suotin mo gwapo ka Jungmo." Ani Hyeongjun. "Kung hindi ko gusto si Minhee baka Siguro naging crush kita." Pinisil ni Hyeongjun ang pisngi ni Jungmo bago ito bumalik kay Minhee na nagtitingin din ng damit ngayon.

"Man down, man down." Natatawang sabi ni Wonjin. Siniko naman siya ni Allen na ngayon ay nakangiti.

"You need a hug?" Tanong ni Allen kay Jungmo. Inambahan naman ni Jungmo ang dalawa kaya agad itong lumayo sa kaniya.

"At least sinabihan niya akong gwapo." Ani Jungmo bago magpalit ng damit. Matapos ay dumiretso ito sa counter para bayaran ang damit na napili niya.

"Hyeongjun tara sa ice cream store. Ililibre raw tayo ni Jungmo." Pag-aya ni Wonjin.

"Okay!" Nakangiting sabi ni Hyeongjun habang naka okay sign. Lumabas na ito ng store at nagtungo sa ice cream store sa may tapat ng boutique kung nasaan sila.

"Sumunod ka na lang. Ayan ha tinutulungan na kita." Ani Wonjin kay Jungmo.

"Gusto mo lang magpalibre eh." Sagot ni Jungmo.

"Partly true but still."

"Thanks." Naka ngiting sabi ni Jungmo. "I owe you one."

"Galingan mo na lang." Ani Wonjin at saka lumabas ng boutique.

Naiwan si Allen at Jungmo sa boutique. Lalabas na sana si Jungmo nang mapansin niyang nakatingin si Allen sa kaniya.

"What?" Tanong ni Jungmo.

"Bili mo ako nito." Parang batang sabi ni Allen at saka itinaas ang puting t-shirt na hawak niya. Natatawang umiling si Jungmo bago kunin ang credit card sa wallet niya.

Nang matapos sila magbayad ay dumiretso na sina Jungmo sa ice cream store kung nasaan sina Wonjin.

-

"Bakit ba kasi nakakatakot yung papanoorin natin?" Reklamo ni Hyeongjun habang papasok sila sa loob ng sinehan.

"Walang ibang option. Saka para maiba naman." Sabi ni Wonjin.

"Eh matatakutin ka rin bakit ito gusto mo?"

"Si Jungmo nagbayad wala akong karapatan mag reklamo!"

"Jungmo tabi tayo ha. Bakit ba kasi ngayon pa naisipan ni Minhee na umuwi eh." Naiiyak na sabi ni Jungmo.

'Kahit second option mo ako ngayon okay lang. Ang importante ako ang kasama mo.' Sabi ni Jungmo sa isip niya.

Naupo na sila sa designated seat nila at saka hinintay na magsimula ang palabas. Buong panonood nila ay walang ibang ginawa si Wonjin at Hyeongjun kundi ang sumigaw. Kahit masakit na ang tenga ni Jungmo dahil mismong sa tenga niya sumisigaw si Hyeongjun ay okay lang dahil sa kaniya naman ito kumakapit. Kahit nakakatakot ang palabas ay hindi maiwasan ni Jungmo ang mapangiti tuwing ibabaon ni Hyeongjun ang mukha niya sa balikat nito.

Nang matapos ang palabas ay hindi muna tumayo sina Jungmo dahil parehong tulala si Wonjin at Hyeongjun. Pawisan ang mga ito kaya naman kinuha ni Jungmo ang panyo mula sa handbag niya at saka pinunasan ang pawis ni Hyeongjun.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jungmo kay Hyeongjun.

"O-okay." Walang buhay na sabi niya at saka nag okay sign jay Jungmo.

"Tara na at papasok na yung mga maglilinis dito sa loob." Ani Allen. Tumayo na sina Wonjin at Hyeongjun at saka sila naglakad palabas ng sinehan. Huminto muna sila sa refreshment booth ng sinehan para bumili ng inumin.

"Uminom ka muna." Ani Jungmo at saka inabutan ng lemonade si Hyeongjun.

"Thank you." Nakangiting sabi ni Hyeongjun at saka uminom sa inaabot ni Jungmo. Masaya namang pinagmasdan ni Jungmo si Hyeongjun.

"I think we should go now. Mag gagabi na rin." Ani Allen.

"Hyeongjun hindi kita maihahatid ngayon kasi may dadaanan pa ako." Ani Wonjin. "Sabay ka na lang kina Allen since iisang way lang naman tayo."

"May dadaanan din ako kaya kayong dalawa na lang ni Jungmo magsabay." Sagot naman ni Allen.

"Ako na bahala kay Hyeongjun." Ani Jungmo.

"Ingatan mo 'yang bestfriend ko ah." Pabirong binantaan ni Wonjin si Jungmo. Nagpaalam na si Allen at Wonjin pero bago umalis si Allen ay may binulong muna ito kay Jungmo.

"Alam mo na gagawin mo." Naglakad na si Allen upang habulin si Wonjin at sabay silang umuwi sa kani-kanilang bahay.

"Gusto mo mag coffee muna tayo sa rooftop?" Tanong ni Jungmo kay Hyeongjun. Tumango naman ito at naglakad na sila pupunta sa coffee shop na nasa rooftop ng mall. Matapos umorder ay naupo sina Jungmo sa may labas para panoorin ang sunset.

"Nag-enjoy ka ba today?" Tanong ni Jungmo kay Hyeongjun na ngayon ay umiinom sa frappe na inorder niya. Tumango ito bago sumagot kay Jungmo.

"Sobra. Nakasama ko si Minhee ngayon eh kahit maaga siyang umuwi." Nakangiting sabi ni Hyeongjun.

'Double kill.' Ani Jungmo sa isip niya.

"Masaya rin kasi nakasama ko kayo. Thank you Jungmo kasi ang dami mong libre sa akin ngayong araw. You're a nice person."

"Wala 'yun. Ang importante masaya kayo ngayong araw."

"Ang swerte ng magiging partner mo Jungmo. You're a good person."

"Talaga ba?"

"Yes." Masayang pinanood ni Hyeongjun ang scenery na nakikita nito ngayon sa rooftop ng mall. Nagsisimula na ring lumubog ang araw.

"Jungmo nagsstart na yung sunset!" Masayang sabi ni Hyeongjun at saka tinapik si Jungmo. Nakangiting pinagmasdan ni Jungmo si Hyeongjun na ngayon ay kumikinang ang mga mata sa pinapanood nito ngayon.

"Ang ganda." Manghang sabi ni Hyeongjun sa kalangitan.

"Indeed." Ani Jungmo. "The view right now is breathtaking."

Serendipity [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon