Moonlight

7 2 0
                                        

"Gupitin ko na lang kaya 'yang buhok mo Jungmo." Ani Allen habang pinagmamasdan si Jungmo na ngayon ay hindi magkuntento sa pag-aayos ng buhok nito. Humarap naman sa kaniya si Jungmo at saka ito sinamaan ng tingin.

"Kesa naman sinasabunutan mo yung sarili mo diyan edi gupitin na lang natin. Ano ba kasing problema mo?" Tanong ni Allen.

"I want to look good in front of Chopoo." Ani Jungmo at saka muling inayos ang buhok niya. Umirap lang si Allen sa sinabi ni Jungmo.

"You look good, Jungmo. Isa pa, maaappreciate ni Hyeongjun kung ano man ang itsura mo. Diba nga sabi niya gwapo ka. Saka bakit ka ba nag-aayos eh papasok lang naman tayo." Ani Allen.

"First day of class ngayon Allen. Ngayon lang ulit kami magkikita ni Hyeongjun kasi nga diba nasa New Zealand ako buong bakasyon."

"Oo na sige na. Malas mo wala ka buong bakasyon. Swerte mo na rin kasi may mga nangyaring hindi mo gugustuhin." Ani Allen at saka ito nagtungo sa may pintuan ng kwarto ni Jungmo.

"Anong nangyari?" Tanong ni Jungmo.

"It's for me to know and for you to find out." Sagot ni Allen bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Jungmo. Hindi na pinansin ni Allen ang mga pagtawag ni Jungmo sa kaniya.

-

"So ano nga yung sinasabi mo kanina?" Bulong ni Jungmo kay Allen habang naglalakad silang tatlo nina Wonjin papasok. Hindi nila kasabay si Hyeongjun ngayon dahil natulog ito sa pinsan niya.

"Wala akong sinabi." Ani Allen.

"You said something."

"Wala."

"Meron kang sinabi Allen."

"Wala nga Jungmo."

"Ang kulit mo naman Allen."

"Ikaw yung makulit Jungmo. Kung may sinabi ako edi dapat hindi ka na magtatanong kasi for sure naman siguro na narinig mo." Iritang sabi ni Allen.

"May sinabi ka pero hindi kumpleto. Bakit ba ang sungit mo umagang-umaga." Ani Jungmo

"Naiwan ko yung handcream ko."

"Kaya ka masungit kasi naiwan mo yung handcream mo?"

"Hindi. Masungit ako kasi gusto ko. Naiirita ako kasi naiwan ko yung handcream ko."

"Wala ka ring kwenta kausap minsan Allen."

"Edi huwag mo akong kausapin. Ako pa ba mag-aadjust?" Kunot-noong sabi ni Allen. Natawa na lang si Jungmo at saka ito inakbayan.

"One day, sasabihin mo rin sa akin kung ano man yung nangyari na hindi ko gugustuhing malaman." Nanggigigil na sabi ni Jungmo at saka hinigpitan ang pagkaka-akbay kay Allen.

"Curious na curious ka talaga ano?"

"I'm a curious cat."

"Curiosity could kill you, Jungmo."

-

"Moguuuuuu!" Masayang bati ni Hyeongjun kay Jungmo at saka ito niyakap. "How are you Mogu? Namiss kita! Ang gwapo mo ngayon." Aniya nang humiwalay sa yakap kay Jungmo. Napangiti naman si Jungmo sa narinig niya.

"Ngayon lang?" Nakangiting tanong ni Jungmo.

"Lagi ka namang gwapo pero mas gwapo ka ngayon. May collagen ba yung tubig sa New Zealand?" Ani Hyeongjun. Natawa naman si Jungmo.

Serendipity [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon