Na Friendzone: Isang Malaking Kalokohan part 1

45 2 0
                                    

Ako nga pala si Joshua Cruz. Second year Accountancy Student ng isang kilalang university.

Di ito yung first time na na inlove ako. Pangalawa na to.

Parati ko siyang nakikita sa campus. Isang mestizang babae na di ganoon katangkaran. May magagandang mga mata, labi na mala rosas ang kulay, at ang ilong na di ganun katangos pero nadadala ng itsura niya.

Masasabi kong sobrang ganda niya. Napaka simple lang pero madali mo siyang mapapansin kasi nags- stand out siya kapag sinama mo sa maraming babae ng University namin.

To cut the long story short, nagpakilala ako sa kanya sa tulong ng mga kamember ko sa isang organization.

"Ken, patulong naman oh. Kilala mo ba yung babaeng yun?"

Sabay turo ko dun sa mestizang babae na nagbabantay ngayon ng booth nila. Foundation day kasi ngayon.

"Ay, kaparehas ko ng course yan eh. Wait lalapitan ko."

Tsaka lumapit si Ken dun sa babae.

Nakita ko naman siyang napatingin sakin.

Yung mata niyang nangungusap na parang nagha hi. Ngumiti naman siya. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko.

Papalapit na sila ni Ken sakin, ako naman stunned. Di ako makagalaw. Parang nakabaon na ako sa kinatatayuan ko.

Nang makalapit siya, "Andy si Joshua nga pala. Gusto ka niya makilala."

Sabi ni Ken.
"Oh, hi Joshua. I'm Andy."

Ngumiti siya sa akin habang nistretch out nya yung braso nya para magshake hands kami. Inabot ko naman.

Di na ako bibitaw.
"Sige Joshua una na muna ako ah. Ang daming nagpapakasal sa marriage booth eh. Gusto niyo ikasal ko din kayo?"

Napanganga lang ako. Si Andy naman, ngumiti lang. Ang ganda niya. Lalo na yung pangalan niya.

"So uhm, Joshua gusto mo maglaro sa booth namin?"

Tanong niya sakin.

"Uhh, ehh. Ano. Uhmm--"

"Joshua! Andito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap."

Biglang epal ng mga kaklase ko. Haynako.

"Ah, ano kasi. Ay oo nga pala, guys, si Andy. Andy, friends ko."

Nag exchange lang sila ng expressions.
"Una na kami Andy. Nice to meet you."

Nagpaalam na lang ako kasi di ko alam gagawin ko.

"Bye"

Tsaka siya nag wave ng hand nya at umalis papuntang booth nila.

Ang simple lang talaga niya. Sobra.

NaFriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon