Chapter 3

2 2 0
                                    


C H A P T E R 3
H A N A

'Ang sweet naman nila.'
'OMG! Did they just spend the night there?'
'Something is fishy.'
'Ang landi naman, boss pa talaga ang napili ha!'

Naririning kong ingay. Wait. Hindi ito thoughts lang. Iminulat ko ang mata ko at nakita ko na ang daming tao. Mayroon na mga normal employees, may security guards, at may maintenance.
Iginala ko ang mga mata ko at nakita ko na nasa elevator pa rin pala ako.
At... Nakasandal ako kay Sir Timothy?! No wonder wala akong marinig na thoughts.

Bigla akong napatayo sa sobrang gulat.

"Hala sorry Sir. Inabot na pala tayo ng umaga rito." Sabi ko at hingi ng paumanhin. Wait... Bakit ako nagsosorry? Hindi ko naman kasalanan na nasira ang elevator e.

"That's fine." Sabi nya sabay alis.

Nagtatalo ang isip ko kung uuwi at magpalit o magstay na lang. Kapag kasi umuwi ako, baka malate pa ako. Bawas 'yun sa sweldo ko. Kapag naman nagstay ako, paano yung mga alaga kong pusa?

Ang tagal na nagtatalo ng isip ko pero sa huli, pinili ko na kang magstay. Sayang sweldo. Kaya naman, kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinext ulit si Annie habang humihingi ng pasensya at favor na pakicheck ulit ng mga alaga ko. Nakahinga ako ng maluwag nung sabihin niya na okay lang daw. Ang bait talaga niya kahit kailan. Sinabi ko na rin pala ang passcode ng bahay para makapasok siya. May tiwala rin naman ako sa kaniya. Matagal naman na rin kasi kaming magkakilala.

Takte gutom na ako. Hayst. Matagal pa ba ang lunch? Kumakalam na sikmura ko. Simula kasi nung magising ako au dumiretso na ako sa trabaho. Inaasar pa nga ako ng mga katrabaho ko dahil nakita pala nila ang nangyari kanina. Pero ipinaliwanag ko naman sa kanila. Mukha namang naniwala sila sa sinabi ko pero naririnig ko pa rin ang iniisip nila. At base sa narinig ko, hindi sila naniwala. Bahala sila!

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkalam ng sikmura at pagtatype, biglang pumasok si Sir Manuel kasama si Sir Timothy na fresh na fresh. Ang gwapo naman nito. Lalo na siguro kung hindi siya suplado. Base na rin sa itsura nito ay nakapag-palit na ito ng damit at mukha ring nakaligo na.

"Good morning! As a celebration for my retirement and sa new beggining, nagpareserve ako sa isang resort sa Cagbalete, Island sa Quezon for 3 days and 2 nights. And para na rin makapagpahinga ang lahat sa stress. Alam kong medyo stressful si Mr. Chu. Hahaha. Para na rin makilala niyo si Timothy and vise versa." Litanya ni Sir Manuel.

Well, totoo naman siya. Si Mr. Chu ay isang author na client namin. Grabe. Napakaarte. Kulang na lang hilingin namin na sana siya na lang ang gumawa ng lahat. Kapag kinocorrect namin, galit. Kapag naman may nakitang walang binago, galit pa rin. Siguro wala siyang love life. 'Yun na lang ang inisip namin. Pero hindi rin maikakaila na magaling siyang manunulat. Magaganda ang gawa niya, tagos talaga ang bawat eksena. Sadya nga lang saksakan siya ng kaartehan. Dinaig pa ang babaeng may menstruation. Pero buti na lang katatapos lang namin sa story niya. Buti na lang!

"OMGGGG Sirrr. Thank youu waah." Sabi ni Mylene na tuwang-tuwa.

"Bukas ang alis natin. 8 A.M. Thank you. And have a good day." Sabi niya at umalis na sila.

Yesss! Bakasyon! Pahinga! Nakakaexcite naman!

Pero ang ipinagtataka ko, bakit kasama si Sir Timothy e wala naman siyang sinabi? Mukha pating labag sa loob niya ang pagpunta doon. Sungit talaga.

---

7:30 A.M (Kinabukasan)

"Narito naman na lahat ano? Sakay na kayo. Para maaga tayong makarating. Ang saya naman nitoo." Masiglang sabi ni Sir Manuel.

Nakakamiss din ang pagiging kwela nitong si Sir Manuel. Hindi mo mafifeel ang pressure kapag nagtatrabahaho kayo. Kung pwede na nga lang na hindi na sya palitan e. Waaah. Saksakan pa naman ng sungit ang anak nito. Pero hindi mailagkakaila na gwapo talaga siya. Pero saksakan talaga ng sungit.

Sa  tagal komg nag space-out, e ako na lang pala ang hinihintay para lumarga na. Sasakay na sana ako sa pangalawang row ng upuan pero puno na. Saka sa dulo puno na rin.

"Ayan, masyado kasing malalim ang iniisip. Muntik pa tuloy maiwan. Hahahaha Sino ba yern ha?" Asar sa akin ni Kim. Kaya naman simaan ko na lang siya ng tingin.

Kaya no choice, sa harapan ako mauupo katabi ng driver's seat. At... Katabi ko si Sir Timothy.

'Hala bagay sila.'
'OMG kahit hindi na sa akin mapunta si Siiirr basta kay Hana siya. Waaah',
'Kakeleg.'
'Mukhang magkakalove life na ang binata ko a, kakaexcite naman.'

Lovelife?! Bagay?! Eh? Pinagsasasabi ng mga 'to?

Iwinaksi ko na lamang ang mga naririnig ko, ang haharot naman ng mga 'to. Basta isa lang ang gusto ko, ang hawakan siya... sa kamay! Gusto ko talagang iconfirm kung totoo yung  mga nangyari kahapon. Na hindi ko naririnig ang iniisip ng iba kapag nagkalapit ang kamay namin. Parang may sariling utak ang kaliwa kong kamay at unti-unti itong lumalapit sa kamay niya.

Nagulat ako nang bigla siyang napatingin sa kamay ko na malapit na malapit na sa kamay nya.

"Chansing na naman?" Sabi nya na may halong mapanglokong ngiti. Akala ko ba masungit 'to? Bakit nang-aasar siya ngayon?

"Gustong-gusto mo talaga akong hawakan ah." Dagdag pa niya. Masungit na nga, mahangin pa.

"Hoy! Ano bang pinagsasabi mo, SIR?" Singhal ko sa kaniya.

"Shhh. You might wake them up. You really are so loud." Sabi niya para patahimikin ako. Balik na naman siya sa pagiging masungit.

"LOUD? Ikaw nga---"

"Hana! Ano ba yan? Kung ayaw mo matulog, magpatulog ka!" Inis na sabi ni Mylene na nagising ko ata sa pagtulog.

Bahala nga sila diyan! Tutulog muna ako.

---

Where I Find PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon