C H A P T E R 8
H A N A
"So...uwi na tayo Sir?" Sabi ko at tumayo na.
Tumayo na rin naman siya at nagpatiuna nang naglakad. Kaso lang, 30 mins na ata kaming naglalakad, hindi pa rin namin makita ang daan pauwi.
"Shit. Saan ba kasi yang lintik na daan na yan?" Sabi niya na mukhang naiinis na.
"Oy Sir. Kalma lang. Upo muna tayo." Sabi ko sa knaiya at umupo na. Ang sakit na rin kasi ng paa ko kakalakad.
Siya kasi ang nakakita sa akin dito sa parang gubatan na hindi mo maintindihan. Nagulat pa nga ako nung nakita ko siya e. Nung tinanong ko kung bakit nandito, nalalakad-lakad lang daw siya. Nagpapahangin daw. 'Ang layo naman ng narating nito pagpapahangin.' sabi ko na lang sa isip ko.
"Maya-maya na tayo umuwi, napapagod na rin ako e " dagdag ko pa
"Eh kasi naman! Kung saan-saan ka nagsususuot. Imbes tuloy na kakain na kami, heto kami at hinahanap ka." inis pa rin na sabi niya.
"Sabi ko kalma lang e, lalo namang uminit ang ulo. May regla ka ba?" Bulong ko
"What?!" Inis na sambit niya
"Wala po, sabi ko, tell me about yourself na lang." Sabi ko. Job interview ata tong ginagawa namin. Hahaha kesa naman magtitigan lang kami. Mas awkward 'yon. 'di ba? Hindi naman sa interested ako sa kaniya. Ano lang... Para ano... Basta! Para hindi boring!
"Ano bang gusto mong malaman?"
"Bakit ang sungit mo Sir." sabi ko, napalakas pala.
"Huwag mo na nga akong tawaging Sir, naasiwa ako. Feeling ko I'm still at work." Sabi niya na naiirita. Daig pa ang may regla sa moodswings niya.
"Edi don't. Hahahah" mapang-asar na sabi ko. Ang sarap kasi asarin. Pikon masyado.
"So... Mukha ba talaga akong masungit?" Sabi nya sabay tingin sa akin. Sa mga mata ko, specifically. Nakakalunod naman ang tingin nito. Parang hindi ko kayang makaalis sa mga mata niya. It felt... Familiar.
"Bakit? Hindi ba? Hahahaha" sabi ko na lang sa kaniya. Pilit na iwinawaksi ang kakaibang nararamdaman ko.
"Actually, hindi ko rin alam. Siguro kasi mas gusto kong focused lagi sa ginagawa ko. Gusto ko kasi kapag may ginagawa ako, matapos agad. Kaya siguro bihira lang ako makitang nakangiti. Masyado akong nalulunod sa kakatrabaho sa kung ano mang bagay. I also think na mahirap maging sobrang bait mo. People might use it against you." Kibit balikat na sagot nya.
"Eh ikaw, tell me about yourself."
"Hmmmm. Ano ba?" Sabi ko na nag-iisip.
"Bakit ang ingay mo?" Sabi niya.
Eh kung sapukin kaya kita?"Hindi ako maingay... Mas maingay ang paligid ko." Sabi ko na lang.
"Tara na! Lumalamig na. Para makauwi na rin tayo habang maaga pa. Baka abutan tayo ng umaga rito e." Tumayo na ako at inilahad ko ang kamay ko sa kaniya para makatayo siya. Syempre, para na rin mawala yung ingay. Hehehe. Oportunista na ba ako non? HAHAHAHA.
Kakaiba kasi talaga sa pakiramdam yung kamay niya. Siguro dahil may kalakihan ito kaya pakiramdam ko... Ligtas at payapa ako.
Bigla naman lumakas ang tibok ng puso ko nang kunun niya iyon at tumayo na. Sheeet. Hindi ko naman inexpect na kukunin niya 'yon. Nawala nga yung ingay, mas maingay naman ang puso ko. Waaah."Pangatlong chansing mo na 'to ah." Sabi niya na may mapanglokong ngiti. Yabang naman!
"Ay nga pala! Muntik ko na makalimutan," sabi ko at humarap sa kaniya.
"Salamat pala kanina. Kung hindi dahil sa iyo, nako, hindi ko talaga alam ang gagawin ko, naipit ka pa tuloy. Lalo na sa pang-aasar nila." Mahabang litanya ko sa kaniya.
Nagtataka nga ako e. Hindi naman ako usually madaldal... Sige na nga! Medyo lang naman! pero kapag kasama ko siya, ang dami kong sinsabi. Parang ayaw ko na matapos ang kwentuhan. Siguro para walang dull moments? Duh. Ang awkward kaya non.
"Okay lang. Ibabawas ko na lang yun sa sweldo mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Huwag naman ganon! Marami pa akong kailangang pakainin na alaga. Magpapadala pa ako kina Mama grabe naman 'to! Hindi ba pwedeng thank you na lang? Hehe" sabi ko. Well, sinabi naman na nina Mama na okay lang na huwag akong magdadala. May farm naman kasi kami sa probinsya. Pero naginsist ako. Ang sarap kaya sa feeling kapag nagbibigay ka ng something sa pamilya mo na galing mismo sa pinaghirapan mo.
Nagulat ako nung bigla siyang humagalpak ng tawa. Hindi lang tawa, as in hagalpak pa. Eh kung sampalin kaya kita! Hmp!
"Just kidding." Sabi niya pa rin habang tumatawa. Lintek na ito ah. Pinagtripan ako!
"You should've seen your reaction. HAHAHAHA" Dagdag niya pa habang tawa nang tawa.
Pero natigilan ako... Ngayon ko pa lang siya nakitang humalakhak o ngumiti man lang. Lalo tuloy siyang gumugwapo. Waaah. Ano ba 'tong puso ko! Bigla na lang tumibok ng mabilis. Sarap tuloy sabihan ng 'Huy tigil'.
"Nandito lang pala kayo! Kanina pa kami hanap nang hanap sa inyo! Nagdedate lang naman pala kayo diyan." Hinihingal na sabi ni Kim pagkalapit sa amin.
Huh? Nagdedate?! Gulat akong napaaalis sa pagkakahawak sa kamay niya nang marealize na magkahawak pa rin pala iyon. Katakut-takot na pang-aasar na naman ito. Hayst. Kaya pala hindi ko narinig ang iniisip nila. Magkahawak-kamay pala kami. Kung narinig ko lang edi sana hindi nila iyon nakita.
---
Kinabukasan...
Maaga kaming umalis sa tinutuluyan namin. Para na rin daw maaga kaming makapag-pahinga. Sabi si Sir Manuel.
Kung akala nila, maiisahan nila ako na paupuin ulit sa tabi ni Timothy, nagkakamali sila! BWAHAHAHAHA dahil nauna talaga akong gumising para mauna ako rito sa sasakyan. Pumwesto ako sa may pinakadulong bahagi para makatulog ako nang maayos. Paano ba naman kasi, narinig ko 'yung plano nila kagabi. Pupuntahan ko sana si Mylene para magtanong kung may extra siyang shampoo na dala kasi naubos na 'yung akin nang marinig ko ang plano nila. Plano nilang pagtabihin ulit kami ni Timothy. Kaya gumising talaga ako ng maaga para mauna sa pwesto. Akala nila ha!
After 1 hour...
Kasalukuyan kaming nagbabyahe nang biglang may tumawag sa akin. Hindi ko naman napansin na napindot ko pala ang loudspeaker nito sa sobrang taranta. Ang lakas kasi ng ringtone ko. Naka full volume pa. Tulog pa naman yung iba.
"Hi Gilfrieeeennnd!" Sabi sa kabilang linya na ikinagulat ko, kaya naman napalayo agad ako sa cellphone at ini off ang loud speaker.
Tiningnan ko ang reaksyon nila at mapang-asar na tiningnan ako.
"Hala Sir, naunahan ka na yata." Rinig ko pang pang-aalaska ni Mark kay Timothy. Sabi niya huwag daw siyang tawaging sir e, edi Timothy lang.
Pero back to reality. Siguradong masasapok ko 'tong Stephen na 'to pag-uwi ko.
---
BINABASA MO ANG
Where I Find Peace
RomantikNasanay na si Hana sa maingay niyang mundo. Bukod kasi sa ingay ng mga normal na tao, may iba pa siyang naririnig. At iyon ay ang thoughts o iniisip ng mga tao. Sanay na siya sa ganoon. Ngunit nawala bigla ang ingay nang magdampi ang mga kamay nil...