Chapter 4

2 2 0
                                    

C H A P T E R 4

H A N A

"Oy! Ganda! Gising na! Kanina pa tumutulo laway mo! HAHAAHA" Tawang-tawa na sabi ni Mylene habang ginigising ako.

Kaya naman pinunasan ko ang bibig ko para icheck kung meron nga. Sinamaan ko siya nang tingin nang mapansing wala namang laway. Adik talaga.

'Sarap mo talagang asarin.' sinamaan ko na lang siya ng tingin pagkatapos noon. Bastos 'to ah. Kitang bagong gising e. Sabi nga, magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising. Kainis kasi. Ang ganda ganda na ng panaginip ko e. Magiging boyfriend ko na raw ang crush na crush kong member ng 2PM na si Taec yeon. OMG! Pero naputol dahil dito kay Mylene. Kahit kailan talaga.

Bumaba na kami lahat sa van at pumunta sa information desk para malaman ang mga room namin. At magkashare kami ng room ng Tin. Ibinaba ko lang ang mga gamit ko at lumundag na sa kama para matulog na.

Nang magising ako bandang mga 5 P.M. ay napagdesisyunan kong maggala-gala muna. Grabe ang ganda talaga rito. Blue na blue ang kulay ng dagat tapos puti naman ang buhangin. May mga puno rin dito ng niyog at iba pang puno. Ang sarap din ng simoy ng hangin. Tapos ang dami pang pwedeng kainan.

Habang naggagala ay kuha ako ng kuha ng mga pictures nang maalala ko si Annie. Tinawagan ko siya at kinumusta ang mga alaga ko. Humingi na rin ako ng dispensa dahil sa pang-aabala ko sa kaniya. Pero okay lang naman daw iyon. Kasi mahilig din siya sa mga pusa at mga hayop. Kaya laking pasasalamat ko talaga kay Annie kasi siya ang kapitbahay ko. Ang bait niya talaga.

---

T I M O T H Y


Nandito kami ngayon malapit sa dagat dahil naisipan nilang maglaro. Ayoko namang tumanggi, masabihan pa akong KJ.

"Okaaay. Since narito na ang lahat, let us start the game." Tin started while putting a glass bottle in the middle.
Seems like I know where this is going.

"Parang 'Truth or Dare' din 'to. Kaso instead na Dare, 'Truth or Drink' ang gagawin natin. Kapag ayaw mo sagutin ang tanong, iinom ka. Bawal din ang sagot na 'ayoko', 'wala', 'hindi', etc. Tara naaaaa! At nga pala, isang tanong lang ha. Wala ng follow-up questions. Bahala kayo mag-isip dyarn. HAHAHAHAHA" Excited na paliwanag niya.

Inikot na nila yung bottle. Nauna itong tumapat kay Mylene.

"May namimiss ka ba ngayon?" Tammy asked. One of our employees.

"Uhhhmm. Meron." She said shortly.

"Opps! Bawal ang follow-up." She added.

Sumunod na tinapatan ng bote si Mark. And it is Tin's time to ask. Nagulat kaming lahat sa tinanong niya

"Naranasan mo na bang... Tumae sa school? HAHAHAHAHA" she said followed by a loud laugh.

"Oo naman! Hahahaha. Maraming beses na! Naalala ko nung highschool ako, naparami ata ako ng kain ng carbonara bago ako pumasok. Kaya naman secons subject pa lang, nararamdaman ko na ang pagtawag ng kalikasan. Hahahaha. Kaya nagpaalam ako sa teacher namin na iihi lang. Pero hindi nila alam, mas malala pa sa ihi ang gagawin ko. Hahahahah" sabi niya na may halong tawa.

"Eto pa! Nung grade 2 ako, sa sobrang kaba ko dahil sa teache naming mukhang matapang, imbes na maihi ako sa short, natae ako. Hahahahaha" dagdag pa niya na ikinatawa ng lahat.

"Grabe ang epic! Hahahahaha" Tawang-tawang comment ni Mylene.

We kept playing the game until the bottle pointed at Hana. I just knew recently that the woman I encounted at the elevator was named Hana, while I was checking their profile.

" Na-experience mo na bang... Magmahal?" Tanong ni Mylene saikinasan.

"Uhhhmm. Oo naman. Araw-araw naman tayong nagmamahal. Gas nga nag-mamahal e. HAHAHAHAHA Syempre, I love my family, kayo, mga pets ko, at si... Steve." She said. But there is a hint of sadness in her last statement. Who is Steve? Her first love? Crush?

Wait, why am I even asking?

"Mukhang olats ka na Sir. Hayaan mo, marami pa naman dyan. Tsk tsk tsk." Sabi ni Mark na nasa tabi ko. Si Mark ay isa rin sa mga employees namin. Kasamahan siya nina Tamma, Kim, Tin, Mylene, at Hana sa pag-eedit, proofread, at kung ano-ano pa.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Anong pinagsasasabi nito?

"Siiiir!" They all said in chorus.

What's their problem?!

Iritableng tiningnan ko lang sila. Hindi ko namalayan na pang-tatlong spin na pala ito after nung kay Hana at sa akin pa tumapat.

"Kanina ka pa nila tinatawag Sir. It's your turn. Mukhang malalim ang iniisip mo a. Hayaan mo Sir, mas pogi ka naman kesa sa Steve na yun." Sabi ulit ni Mark na may kasunod na kindat na ikinasama ng tingin ko. Ang lakas talaga mang-asar. Sarap sigawan ng 'You're Fired!' kaso wala kami sa office. At ang childish naman masyado kung ang rason ko ay ang pang-aasar nila.

"Uulitin ko na nga lang," Tin said.

"Nagka first love ka  ba Sir?" She continued.

First love? Ayoko naman sumagot ng 'wala', baka painumin nila ako at malasing ako. Pero on the contrary, I think it's better to get drunk, so I can sleep. Pero naalala ko, kahit pala alak ay walang epekto sa insomnia ko. Pero napaisip ako. Wait. Nagka first love na nga ba ako? Maybe? Counted naman na siguro yung girl na lagi kong dinadalaw sa hospital noon. Maganda siya. Mukha rin siyang mabait, base sa mga kwento ng mama niya. Lagi ko siyang dinadalaw sa hospital noon dahil sa isang bagay na nagawa ko. Na siyang dahilan ng insomnia ko.

"Uhh. Yes."

"YUN LANG?!" They said in chorus again.

"No more follow-ups." I said, pertaining to the said 'rules'.
It's my turn to ask and spin the bottle when it landed on Hana. Kung minamalas ka nga naman.

"Who's Steve?" Everyone was shocked to my question. Including me. I don't even know why did I asked that question. Siguro wala lang akong maisip na tanong. I said, trying to convince myself that that is the only reason.

---

Where I Find PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon