Chapter 6

0 1 0
                                    

C H A P T E R 6

H A N A

Dali-dali akong napabalikwas nang marealize ko na...Nagsasalita yung unan ko?!

Pero nawindang ako nang makitang unan lang pala talaga iyon. Sayang... Charot! Ano ba 'tong pinag-iiisip ko?  Matigas lang talaga ang pag kakagawa dun sa unan. Akala ko pa naman kung ano na. Kaloka naman itong utak ko, kung ano ano iniisip.

Nang lumingon ako sa pinto ay nakita ko si Sir Timothy na mukhang naiinip at naiinis na. Well, lagi naman.

"Ang hirap mo naman gisingin. Bumaba ka na doon at kumain. Ikaw na lang ang hinihintay" Sabi nya at umalis na. Sungit!

Akala ko talaga may katabi na ako matulog. Naloka na nga ako kagabi kasi nagsalita raw si Steve. Ang nakakaloka pa diyan, nag English pa! Oh ha. Hinawakan pa nga niya ang kamay ko e.

Tatayo na sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko. Ah, malamang hangover 'to. Sino ba naman kasing matinong tao ang lalagok na lang bigla ng lambanog. Takte naman kasi! Akala ko tubig. Nataranta kasi ako kagabi dun sa tanong ni Sir. Tapos naalala ko pa yung pagkamatay ni Steve. Kung bakit ko pa naman kasi siya nabanggit.

---

'Kinikilig ako wah.' thoughts ni Mylene 'to. Panigurado. Ang aga aga naman. 'Yan kaagad ang bumungad sa akin habang naalakad ako pababa sa may kainan para kumain ng agahan. Pero parang hindi yata kaya ng sikmura ko ang kumain. Pakiramdam ko masusuka ako anytime. 'Yan kasi Hana, inom pa!

'Bakit kaya hindi umuwi si Hana sa room? Saan kaya siya natulog?' kay Tin naman ito. What?! Edi kaninong kwarto pala yun? Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko mula kay Tammy.

' Sabi ko na may something kay Hana at Sir e. Sabay ba naman pumasok sa room ni Sir kagabi. Tsk tsk tsk' kay Tammy. Isa sa katrabaho ko.

"Oy Hana! Andyan ka pala!"
Hindi ko namalayan na nasa kainan na pala ako. Masyado ata akong nagspace out sa mga naririnig ko.

"Kain ka na," alok ni Tin sa akin.

"Kumusta, Hana? Kumusta ang gabi mo?" Makahulugang tanong ni Tammy.

"Okay lang. Wala nga akong maalala e. Ano bang nangyari?" Takang tanong ko. Eh sa hindi ko nga alam e. Basta ang naalala ko lang, uminom ako ng lambanog na akala ko ay tubig. Tapos wala na akong maalala.

"Kayo? Alam niyo ba kung anong nangyari? Basta alam ko lang ininom ko yung lambanog. Akala ko tubig e. Tapos wala na. Nagising ako nasa kwarto na ako ni... Kaninong kwarto ba 'yun? Basta mabango." Sabi ko habang pilit na inaalala ang nangyari.

Nagulat naman kaming lahat nang biglang masamid si Sir Timothy.

"Okay ka lang ba nak? May nangyari bang kakaiba kagabi?" Nag-aalala namang sabi ni Sir Manuel. Pero parang double meaning. Dahil na rin sa mapanuksong ngiti niya.

"I mean, may kakaiba ba sa food? Hehe" dagdag pa niya.

ANO BANG NANGYARI KAGABI?!

Tiningnan ko si Sir Timothy na parang binabasa siya kung anong nangyari pero wala talaga. Takte. Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay tiningnan ko siya ng 'ano-bang-nangyari' look pero dinedma niya lang ako. Napakasungit talaga! Sinubukan kong pakinggan ang iniisip niya pero wala talaga. Baka ganoon talaga kapag masungit? Pero alam ko kahit masungit naririnig ko pa rin ang iniisip e. Robot ata talaga 'to.

"Oy Hana! Kakain ka ba, o tititigan lang si..." Pang-aasar ni Kim sabay tingin kay Sir Timothy. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Si Tammy kako. Iba iniisip mo e. Pero sure ako gwapo yan. Mayaman, matalino, pero masungit . Hahahahah" dagdag nya. Eh kung sapukin kaya kita?

Ang sama ng pakiramdam ko, may hangover nga ata ako. Walangyang lambanog 'yan.

Nakakailang subo pa lang ako nang maramdaman kong naduduwal ako. Takte talaga. Kung ano ano na naman iisipin ng mga to. Pero bahala na. Sukang-suka na ako. Sabi ko na e, hindi ko kayang kumain. Pakiramdam ko punong-puno ang tiyan ko.

Dali-dali akong nagtatakbo papunta sa pinakamalapit na sink at bago ay umalis, narinig ko pa si Tammy na nagsalita.

"Ang sharp shooter mo naman Sir. HAHHAHAAHA ninong ako ha."
Ano bang nangyari talagaaaaa? Kainis ha.

T I M O T H Y

Hana hurriedly went to the nearest sink when I heard Tammy said

"Ang sharp shooter mo naman Sir. HAHHAHAAHA ninong ako ha"

What?! Pinagsasasabi nito?
Binalewala ko na lang ang sinasabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

Hana's probably having a hangover. Halata namang hindi siya sanay uminom.

After eating, I went to the beach to get some fresh air then I saw her. Playing with a kitten. Maganda naman siya. May kaliitan nga lang. Siguro mga 5'2 o 5 flat siya. Maputi rin siya. Expressive na mga mata. Maliit ngunit matangos na ilong at katatamtaman na haba ng straight na buhok na lampas balikat niya.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya.

"Ang ganda Sir noh?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Tin lang pala.

"Ng beach kako Sir. Anubayan! Kung saan saan ka kasi nakatingin." She continued

"What?"

"Wala Sir. Sabi ko, enjoy the view. Pero sige ka, baka matunaw 'yan. " She said before running away.

What's wrong with people? Kung ano ano ang iniisip nila, including Dad. Gustong-gusto na talaga niya na magkagirlfriend ako.

Pinatuloy ko lang naman siya sa room ko kasi lasing siya and wala akong key to open her room. Tammy probably saw us. But what's wrong with that? Nang masigurado ko namang tulog na siya ay pumunta ako sa van at doon na natulog. Matapos niya kasing hawakan ang kamay ko, nakaramdam na ako ng antok... again, with her. Kaso mas minabuti kong sa van na lang matulog. Buti nga hindi ako nilamok e. Kundi, yari talaga da akin 'tong si Hana na 'to. Mamaya kung ano pa isipin nila. Pero what the heck? Ganon pa rin ang iniisip nila. Bahala sila! Wala naman akong ginawang masama. Nagmagandang
-loob pa nga ako.

---

Where I Find PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon